Technically Inlove With You

135 5 0
                                    

One Shot Story

Characters:
Freen as : Sabina Amanda Molino or Sam
Becky as: Ramona Santillan or Mon

Author: Shei lie

*Kasalukuyang nasa mall pa si Mon kakit malapit na isang oras nalang ay magsasara na ang mall dahil di pa nya natatapos yung ginagawa nyang cellphone...May pwesto kasi sya doon at isa syang cellphone technician.
Nang matapos na nya ang inayos nyang cellphone ay magaayos na sya para magsara ng kanyang pwesto. Akmang magliligpit na sya ng biglang may babaeng humahangos na palapit sa kanya.*

Sam: Miss bukas pa ba kayo? Pwede pa bang ihabol ang cellphone ko? Sarado na kasi yung pinupuntahan ko dito eh.
Mon: Sorry miss,magsasara narin kasi ako eh. Balik ka nalang bukas.
Sam: Kailangan ko kasi yan kaya dapat gawa na sya bukas. Hindi pwedeng wala akong magagamit na cellphone.  Nasira kasi yung LCD nya need na palitan. Baka naman magawan mo ng paraan please.
Mon: Kung gusto mo maayos na yan bukas kailangan madala ko sa bahay yan para doon ko nalang sya magawa,kailangan ko narin kasi magsara kasi magsasara na ang mall.
Sam: Kapag ba inuwi nyo yan makukuha ko din yan bukas ng umaga? Kailangan ko kasi yan bago mag tanghali.
Mon: Oo maayos na yan bukas i assure you.
Sam: Sige iiwan ko nalang yan sayo,siguro naman hindi mo ko lolokohin diba?
Mon: Anong ibig mong sabihin,may pwesto ako dito oh. Hindi ako papasira dahil lang sa isang cellphone.
Sam: Ok pasensya na,sige bukas nalang.
Mon: Ok bukas,maghanda kana din ng pambayad...

*Nakauwi na si Mon at kumain ng hapunan,gabang nakain ay biglang sumagi sa isip nya yung babaeng nag iwan ng cellphone sa kanya. Bigla naman nagtaas ng kilay ng maalalang pinag isipan pa syang manloloko*

Mon: Maganda sana,kaso judgemental (bulong nya sa sarili)
*Matapos syang kumain ang dumeretso sya sa table nya kung saan doon ay ginagawa or inaayos nya ang mga cellphone na pinapaayos sa kanya...Sinimulan nya tanggalin ang mga turnilyo nito at maingat na binaklas ang bawat pyesa nito at pinalitan ng bago ang basag na LCD... Nang naikabit na nya ang lahat ay binuksan na nya ito...Dahil sa hindi naman nya nireformat ang phone ay nandun parin ang sa cellphone ang kung ano man na naka install doon kasama na ang mga photos at videos nito. Tumambad sa screen saver ang mukha ng babaeng may ari ng cellphone *

Mon: Maganda sya no doubt... At ang haba ng buhok,itim na itim at napaka straight. Sana nga lang mabait...
*Tinignan nya ang photos na naka save dito,may isang picture syang tinitigan*
Mon: Lalo kang gumanda kapag nakangiti ka,lalo na kapag nakalabas ang gummy bear smile mo...Teka ano to.  Iniistalk ko na ata sya ah. Pero bakit namamagnet ako tignan ang pictures mo? Ang mga mata mo napaka attractive, kapag siguro tinitigan mo ako ng ganyan malukusaw ako...
*Nakatulugan nalang nya ang pagtingin sa picture ng babaeng nasa cellphone....*

*Kinabukasan maaga syang nagbukas ng pwesto at inayos ang mga gamit sa loob ng stall...may mangilan ngilan narin ang pumapasok sa mall*
Girl: Mon...(sabay lapit sa kanyang pwesto) may babae kanina dyan hinihintay ang pagbukas ng pwesto mo. Sabi ko maya maya andito kana,baka naglalakad lakad lang yun at babalik daw sya...
Mon: Ano itsura? Maganda ba,mahaba buhok at medyo matangkad?
Girl: Oo yun nga,kung maka describe ka para kabisadong kabisado mo ah...Girlfriend mo ba yun?
Mon: Hindi... may pinagawang cellphone sakin yun kahapon kaya kukunin na nya ngayon. Pero kung may chance na ligawan baka pumasa ako eh maging Girlfriend ko rin yun soon! (Pabirong banat nya)
Girl: Ikaw talaga,mabilasik sa mga babae... sabagay maganda talaga sya..
Mon: Diba!
*Habang nag aayos si mon at nakaupo sa kanyang pwesto ay dumating na ang babaeng kanina pa nya hinihintay na makita*
Sam: Ahhhmmm,miss ok naba yung cellphone ko?
Mon: (natulala at titig na titig sa mukha ng kaharap)...ahh,o-oo tapos na..eto oh paki check mo muna para makasiguro ka na ok sya..
Sam: (inabot ang cellphone at binuksan ito bago nag scroll sa cellphone) Aaahhmm,ok na sya miss,magkano ba ang babayaran ko?
Mon: Libre nalang sayo kung hahayaan mong i treat kitang kumain ng lunch kung ok lang sayo,tutal malapit na mag lunch break.
Sam: Ha? Ako nga tong may babayaran sayo tapos ikaw pa manlilibre ng lunch? Bakit naman?
Mon: Ha? Gusto sana kitang makilala pwede ba?
Sam: Ako nga pala si Sabina Amanda Molino but you can call me Sam like others called me...
Mon: Kasing ganda mo rin pala ang pangalan mo... ako si Ramona Santillan...Mon nalang kasi yun ang palayaw ko.
Sam: Hi nice to meet you (sabay lahad ng kamay)
Mon: (inabot ang kamay) shit! Pati ba naman kamay nya ang lambot.. (bulong nito sa sarili)
Ahh teka lang payag kaba na mag lunch tayo sarado ko lang tong pwesto ok lang ba?
Sam: Ok sige papayag ako pero...it's my treat. Since hindi mo ko pinagbayad sa pag ayos mo ng cellphone ko..
Mon: Ok sige sabi mo eh.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now