FAIRY IN MY DAY DREAM

87 5 0
                                    

One shot story

Becky as clara
Freen as  fairy maria

*Kahit tulo tulo na ang pawis ay walang tigil ang paglilinis nya sa paligid sa lugar nila..maski hindi naman na  nila tapat ng bahay..magtatanim ng mga gulay at maliliit na puno maglilinis ng mga damo damo minsan may mga kaibigan syang sumasama sa kanya maglinis pero sumusuko din ang mga eto bakit nga naman maglilinis sa lugar nila kung tutuusin dapat yung mga may ari ng lupa o tapat ng bahay ang naglilinis..yun din ang paulit ulit na tanong ni clara sa sarili nya bakit nga ba sya nagpapakahirap pa sa ganitong sitwasyon bakit nga ba nya ginagawa eto??sabi ng mga tao roon sa brgy. nila kung kakandidato daw ba sya at yun ang kanyang alitintunin ang maglinis ng kapaligiran..ang sagot naman nya ay..*

Clara: "Hindi naman kelangan nasa posisyon ka para gawin mo ang bagay na ikabubuti mo ng pamilya mo at ng paligid mo"

*Napapamangha nalang ang mga ka-brgy. nya dahil sa matatalinghaga nyang pananalita..
May mga kabarangay din na nagsabi sa kanya na*
"Abay nagmana ka nga sa iyong ama noong kapitan pa ito dito sa lungsod natin dahil diba nga't napakalinis ng paligid natin noong sya pa ang kapitan..punom-puno parati ang mga kabahayan natin ng mga halaman at may mga naka-schedule na maglinis araw araw..
napakalinis parati..hindi kagaya ngayon aba'y mga makatanggap ng sweldo ang mga nakaupo wala ng pakialam sa paligid..
Pero eto ang isang anak ni dating kapitan filipe parati natin nakikitang naglilinis sa kung saan saan"

"naku,naku kung di lang maganda yan iisipin ko talaga na kulang kulang yan.."
"Oo nga mantakin mong hindi naman nya  tapat o kaano ano yung mga pinaglilinisan nya pero hindi napapagod maglinis.."
"Hula ko'y tatakbo ng pagkakandidato yang batang yan"napakalinis na ng lugar natin sa tyaga nyang maglinis pagka-minsan ay may mga kasama pa"

*Yan ang araw araw na naririnig ni clara kapag naglilinis sya araw araw sa lugar nila. Totoo nga na mukha syang may sira ang utak dahil sa kung saan saan sya napapadpad sa paglilinis ng lungsod nila...dahil sa napagod na ng husto si clara ay naglakad lakad muna sya..sa mga matataas na puno at lilingon lingon..at ng makakita ng bermuda ay humiga sya roon para irelax ang katawan..*
"Clara"..sambit nya sa sariling pangalan.
"Clara hanggang kelan mo eto gagawin.."
Naupo sya at niyakap ang mga tuhod.*

Clara: hangga't di kapa ulit nagpapakita sakin..gagawin ko ang lahat magpakita kalang ulit..alam ko nakikita mo ako..alam kong alam mo ang sakripisyo ko..sana pakinggan mo ako magpakita ka ulit..alam kong totoo ka hinding hindi ko makakalimutan ang samyo ng amoy mo..ang halinghing ng hangin kapag malapit ka..ang halimuyak ng paligid kapag nandyan ka na tila ba nanggagaling sa iba't ibang uri ng hindi ordinaryong mga bulaklak...

Clara: alam kong hindi lang kita imahinasyon noon...alam kong isang araw magpapakita ka...(pagkasabi noon ay humiga ulit sya dahil sa pagod ay nakatulog sya.)
*Naalimpungatan sya dahil sa tunog ng mga kuliglig sa paligid nya..napakadilim...gabi na pala..paano syang makakauwi kung madilim ang dadaanan nya...pero tinagalan nyang titigan ang paligid nya unti unti ng nagkakaroon eto ng liwanag khit papano sa paligid nya..*
Clara: nag aalala na tiyak sila papa at mama sakin...
*sambit nya sa sarili kaya't bumangon na sya at sinikap na tingnan ang dadaanan nya..habang naglalakad ay may mga alitaptap sa unahan nya tila ba mga naglalaro eto at akala ay damo sya...
napanatag naman sya dahil pakiramdam nya ay sinamahan ata sya ng mga alitaptap hanggang sa may mga ilaw na sa gilid gilid ng kalsada..saka biglang mga naglaho ang mga alitaptap..humakbang pa sya ng konti at lumingon ulit nanlaki ang mga mata nya ng sangkatutak na alitaptap sa mga mapupuno at madilim na bahagi na tila ba korteng tao ang pagkakaliwanag ng mga alitaptap..bigla ay para syang nabalda akala nya ay nailalakad nya ang mga paa nya pero hindi naman pala..humangin ng malakas nahawi ng malakas na hangin ang naguumpukang alitaptap..hanging yumayakap sa kanya at tila ba may boses iyon..hindi nya alam kung kikilabutan sya o mapapaiyak dahol eto!eto ang pinakahihintay nya..ang magpakita ulit sya..hindi man masiguradong yun nga ang tinutukoy...tuluyan ng pumatak ang luha ni clara...at wala sa loob ang pagbigkas nya ng*

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now