Chapter 1

172 4 0
                                    

"Ineng nandito na si Ma'am at si Sir, bumangon kanang bata ka riyan at makakain kana ng almusal." saad ni manang Maria kay Isabel ng kumatok ito sa kwarto nya upang gisingin sya.

Narinig naman iyon ni Isabel at tamad itong bumangon sa kanyang kama, uminat ito ng katawan at napag desisyonang umalis sa kanyang kina hihigaan.

Pikit kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan ang orasan na nasa gilid ng aking kama.

8:30 palang ng umaga pero ginising na kaagad ako ni manang!

Napahawak kaagad ako ng aking sintido ng bigla itong sumakit. Shit! Napa lakas yata ang pag-inom ko kagabi.

"Bumagon kanang bata ka at bumaba, naghihintay na dito ang mga magulang mo." Saad ni manang

Hindi ako sumagot dahil nananakit talaga ng subra ang ulo ko.

Narinig ko nalang ang papalayong yapak ni manang.

Si manang Maria pala ang taga pag-alaga ng aming mansion. Simula pagka bata ko pa ay sya na ang nag-aalaga at unang malapit sa'kin ng magmula nang pumunta sina mom and dad sa canada, dahil nagkaroon ng problema sa isang pinapamahalaan nitong kompanya doon sa binanggit ko.

Sya rin ang itinuring kong pangalawang ina dahil hindi ako napa pagbigyan ng aking mga magulang ng oras noon.

Oo, inaamin kong nagseselos ako noon sa mga batang masaya kasama yong mga magulang nila. That time kasi nagkaroon ng family day kung saan ay kailangan umatend  ng mga magulang sa araw na'yon para sa kanilang mga anak.

Nong time na'yon ay nagselos ako at may parte ding malungkot dahil sa kadahilanang hindi sina mom'dad makapunta.

Nong time na 'yon ay nagkulong ako sa aking kwarto, iyak ako ng iyak dahil miss kona silang makasama pero hindi ko mapigilang hindi maging masaya dahil noong araw na 'yon ay nandoon si manang upang pakalmahin ako at samahan sa family day sa school.

Naging masaya ang araw ko kahit na nasa Canada pa ang aking magulang, nakakausap ko na din sila tuwing biyernes dahil doon lang sila may time na maka pag-usap saakin through video call.

11 years old palang pala ako ng araw na 'yon.

Hindi naman sa nagagalit ako sa aking magulang sadyang napalayo na ako ng loob sa kanila, slight lang naman.

Tumungo ako sa malaki kong cabinet at pumili at kumuha ng mga damit na susuotin ko, at napag pasyahang tumungo sa banyo.

Mga ilang minuto akong nag stay at nagbababad ng aking katawan saka ako lumisan ng banyo at nag bihis.

Tumingin muna ako sa salamin at ginawa ang morning routine na lagi kong ginawa.  Light make up nga lang pala ang inilagay ko dahil hindi ako mahilig, hindi talaga na makapal kumpara  sa mga ibang babae na grabi kong makalagay sa mukha kulang nalang ubusin yong foundation ka kalagay sa mukha.

Diko type ang maglagay ng makapal na make up, dahil maganda naman ako, maputi,makinis ang balat, may porselanang mga mata at hugis puso mala rosas na labi, matangos na ilong na bumagay sa maliit kong mukha na mas lalong bumagay sa itsura ko.

Nang makuntento na ako ay lumabas na ako saaking kwarto at doon ko nakita si mom and dad na naka upo malapit sa gilid at may bakanteng upuan sa gitna ng malaki naming mesa pero agad na nagsalubong ang kilay ko dahil may iba pa silang kasama.

I looked at my mom and dad who were waiting for me to sit next to them. I approached them and gave them my sweetest smile before sitting next to them.

Hindi ko batid kong anong ginawa dito ng pamilyang Velasquez.

Arrange Marriage With Gay Sungit [GAY SERIES 1] ONGOING Where stories live. Discover now