Chapter 2

137 5 0
                                    

Nang maka-upo na ako sa bandang tabi nila mom and dad ay sumulyap muna ako sa harapan, agad napa awang ang bibig ko na masilayan ang Gwapong mukha ng isang lalaki.

Kaharap ng aking mga magulang 'yong lalaking nasa gilid ng mga velasquez, agad kung tinikom ang aking bibig ng mapagtantong naka tingin na pala sila sa akin kaya pinamulahan ako ng mukha at umiwas ng tingin.

Nakita kong sumulyap ang lalaki saakin kaya ginawaran ko ito ng matamis na ngiti.
Laking gulat ko na nag iba ang expression nito; waring napa ngiwi at nang didiri sa pag ngiti ko sakanya. Na palunok ako ng wala sa oras at umiwas ng tingin dahil sa kahihiyang nararamdaman ko.

Ibinaling ko nalang ang aking mga mata sa aking magulang.

Bakit sya ngumiwi may mali ba sa ngiti ko? At yong mga ngiti nya halatang pilit na hindi ko malaman kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng kaharap ko! Tanong ko sa aking isipan.

Hindi ko na lang pinansin ang mga naiisip ko kundi nakinig nalamang ako sa mga pinag-uusapan ng parents ko at ang pamilyang Velasquez.

[ Someone's point of view ]

Sumulyap si geno sa babae, kaharap  ng kanyang mga magulang, nang bigla itong bumaling sa kanyang pwesto at tumingin ang babae sa kanya at nginitian sya ng ubod ng tamis.

Di nya alam kung masusuka sya o maiinis.  para saan ang mga ngiting iyon? Nandidiring napa ngiwi si geno sa babae habang patuloy parin ang babae sa kakatitig sa kanya.

Eww, I don't like you gurl! Hindi tayo talo!

hanggang ang babae na ang umiwas ng tingin sa pagkaka titig nito sa kanya.

Naka hinga naman sya ng maluwag ng itinuon na ng babae ang paningin nito sa mga magulang nito at sa kanyang magulang.

Mga ilang minuto din namayagi ang katahimikan ng tumikhim sya at inayos ang posture ng kanyang katawan.

Bumati  ang babae sa kanyang mga magulang "hello po" tipid ang ngiti ng babae,
at nagpatuloy sa pagsasalita.

[ Isabel's point of view ]

"It is a pleasure to meet you, Mr. and Mrs. Velasquez. I am Isabel Allende Gracias, the only descendant of the Gracias family." Sabi ko na may ngiti sa labi at naglahad ng kamay.

"Nice to meet you too, iha. Ang laki muna at mas lalo ka pang gumanda ngayon." Sabi ni mrs. velasquez at tinanggap ang aking kamay, nahihiyang ngumiti ako pabalik at kinuha ang aking kamay kay Mrs. Velasquez

"Ito nga pala ang gwapo at mabait kong anak. Sure ako na magkakasundo ninyo ang isa't isa." Pagpapatuloy ni mrs velasquez.

Napabaling ang tingin ko sa lalaki na kanina pa walang imik kung hindi pa yata ito siniko ng kanyang ama hindi pa ito magsasalita.

Nahagip ng mga mata ko kung paano sya umirap ng palihim bago ito ng introduce yourself kumbaga.

"I am Geno Velasquez, the only son of the Velasquez family. It is my pleasure to meet you, Mr. and Mrs. Gracias, and your beautiful daughter." Saad ng lalaki. 

Namula agad ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko.

Hindi kasi ako sanay sa mga gantong gawain lalo na kapag sa gantong nasa sitwasyon kana,  feel ko ay naiilang ako sa pwesto ko.

Nagsimula ng kumain ang lahat at ang pamilyang velasquez at magulang ko ay masayang nagkakamustahan sa isa't isa. Habang ako ay tahimik lang na kumain, minsan nagsasalita ako kapag tinatanong nila ako sa mga bagay pero kapag hindi ko alam ay mga isasagot ko ay tipid kolang silang binibigyan ng ngiti saka nagpatuloy sa pagkain.

Arrange Marriage With Gay Sungit [GAY SERIES 1] ONGOING Where stories live. Discover now