Chapter 22

1.6K 172 48
                                    

Chapter 22

"Never stress nor tire her. Don't make her too upset. Kahit anong nagbibigay ng labis na negatibong emosyon at kaisipan ay makasasama sa kahit sinong buntis. There's too much going on in them physically, mentally, and emotionally because of the pregnancy already. Pagsikapan natin huwag nang madagdagan pa 'yon."

"We'll keep those in mind, Doc. But as far as we can remember, she was not stressed nor troubled before she went inside her room. Hindi rin naman siya gaanong napagod sa mini-party namin." Si Eli ang nagsalita.

"Sigurado ka ba, Kuya Eli? Bakit iiyak nang ganoon kalala si Naomy kung walang kang ginawa?" narinig ko si Marvee.

"I'm sure she's okay before I left her! I promise!" tila may kaunting panic sa boses ni Eli. "Hindi kaya binangungot siya nang sobrang nakakatakot o sobrang lungkot? Naomy had a nightmare recently. Hindi kaya't naulit?"

"She was crying until she couldn't breathe!"

"Just make sure she'll never cry like that again, next time. The baby's perfectly fine now. I'll leave you some guide to monitor Miss Laforteza's condition. Pero hindi niya na kailangang ma-confine. Pagkagising niya, puwede niyo na siyang iuwi sa bahay kung saan siya mas makakapagpahinga."

Nagising na 'ko pero hindi ako nagpahalata. Nanatili akong nakapikit at kinapa ang tiyan ko. There's instant relief when I still felt my baby bump. Wala na rin akong nararamdaman na kirot doon.

I quietly sighed. My son's safe!

I'm sorry, Baby Lonzo, hindi na ulit iiyak ng ganoon si Mommy. Nasaktan ka rin ba para sa 'kin? I'm sorry, anak. Hindi na 'ko uulit. Hindi ka na ulit mawawala sa isip ko. Hindi ko hahayaang masaktan ka ulit...

"Lagot talaga tayo nito kay Kuya Lonzo! Isang araw lang iniwan sa 'tin si Naomy, ganito pa ang nangyari!"

"Calm down, Marvee. Safe na silang dalawa ng baby, iyon ang pinaka-importante," mahinahong at seryosong saad ni Eli. "Let's just wait for Naomy to wake up. Huwag na muna tayong magtanong kung anong nangyari sa kanya at umiiyak siya ng ganoon kanina. Let's just make sure she's fine and then we'll take her home."

"Ano ba kasing ginawa mo, Kuya Eli?" akusa pa rin ni Marvee.

"Wala nga! I just gave her a good night kiss on the forehead!" Hindi naman nakasigaw si Eli, pero tumaas na naman ang boses para dumepensa.

Hindi ko na kayang magpanggap na tulog pa kaya't dahan-dahan ko nang dinilat ang mga mata ko. Una kong nabungaran si Eli na nakatunghay sa 'kin.

His eyes softened. "Naomy?"

"I-I'm sorry..." I whispered. "P-Pinag-alala ko kayo..."

"It's fine! You have nothing to worry about." Mabilis na iling ni Eli. Dumapo ang kamay niya sa balikat ko. "How are you feeling now?"

Bumangon na 'ko. "Okay lang naman ang baby, hindi ba? Kung maayos na ang baby, maayos lang din ako."

"Wala namang nangyari kay Baby Lonzo, Naomy," Marvee softly smiled at me. "You're both okay. May mga bilin lang ang doktor mo. But we can go home now if you're not feeling anything weird."

Tumango ako. "M-Maayos na 'ko basta safe ang anak ko. P-Pasensya na talaga sa malaking abala na 'to."

Umiling si Marvee at hinawakan ang kamay ko. Si Eli naman ay kinuha ang tsinelas ko at siya pa mismo ang nagsuot niyon sa mga paa ko.

Our eyes met and he positively smiled at me. "Let's go home?"

Tumango ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa. Nakatayo na 'ko mula sa kama. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkahilo subalit parang nanghihina ako.

DHS #3: Moving CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon