93

316 10 0
                                    

"Parang tanga. Parang tanga. Parang tanga..." Bulong ko habang nagmamartsa papunta sa council.

Ang daming tumitingin sakin. Kung nandito sila Pedro baka bugawin nila yung mga tao na parang langaw. Natawa ako sa posibleng mangyari kaya nga lang wala sila dito. Sayang lang.

Tinulak ko nang bahagya yung pinto at sumilip. Si Alice una kong nakita. Ngumisi sya dahil sa napag-usapan namin kanina. Parang pinakita nya ata buong convo nila na tungkol sakin kaya naiiling ako sa reaksyon nya ngayon. Nakakahiya yung pagka OA ni Kyle kapag ako yung pinag-uusapan.

"Lalabas yung aircon!" Sigaw ng isa sa loob kaya nagpanic ako at biglang sinara ang pinto. Lumagapak ito dahil sa spring at gumawa ng ingay na makakakuha ng atensyon ng lahat ng tao sa loob.

Nice one. Nakakahiya.

Susubukan ko sana itulak uli pero bumukas iyon mula sa loob. Napasimangot ako nang makita ko si Kyle. Kunot ang noo niya na agad ring nawala nang makita ako. Mas binuksan nya ang pinto para makapasok ako.

Sila Xenon ang tao. Wala si Leo. Si Yuki nasa sulok lang gumagamit ng laptop. Si Xenon nasa sahig kumakain. At yung isa na hindi ko kilala na nasa may table ni Leo. "Sup!" Sabi nya.

Tumango ako at ngumiti. "Papasok saglit."

Nawala tingin ko sa kanya nang hilahin ako ni Kyle papunta sa sofa. Buti nga hindi kasing lakas ng hila nya sakin kagabi. Kagabi, halos gusto ko sya sapakin sa lakas ng pwersa nya pero mukang mas galit pa sya kesa sakin kaya hindi nalang din ako nagsalita.

Pinanood ko sya na ayusin yung siomai rice. Nilagay nya yung sawsawan sa maliit na platito at inabot sakin ang kutsara at tinidor. Binagbuksan nya ako ng mineral water at sinuksukan yon ng straw. "Kain na," Sabi niya bago tumayo uli at pumunta sa lamesa niya. Inabot niya ang remote ng aircon at nilaksan iyon.

"Ang giginawin mag jacket nalang." Sambit niya. Naiiling sila Yuki habang yung isa napataas ang kilay. "Ang ginaw na, Pres. Grabe naman yan."

"Mag jacket nga diba," Sabat ni Alice.

Si Yuki na tahimik na kumuha ng jacket sa bag ay napansin pa. "Yuki, pababaan mo naman oh wala akong jacket."

"Labas ka nalang, Seb." Simpleng sagot ni niya bago bumalik sa ginagawa.

Natahimik yung Seb.

"Kumain ka na," Sabi uli ni Kyle.

Gumaya ako kay Xenon at umupo rin sa sahig para mas abot ko ang pagkain ko. Nagsimula akong kumain.

"Hindi ka ba mag-aalok?" Tanong niya at umupo sa gilid ko.

Hindi ko sya pinansin. At least I tried dahil ramdam kong nakatingin lang sya sakin. Umirap ako sa hangin at tinusok ang isang siomai. Inabot ko sa kanya. Kinuha nya naman.

"Akala ko ba akin to?"

"Matuto ka kasi mag-alok." Inangat niya nag siomai na kinagatan niya, akmang susubuan ako. "Oh."

Aabutin ko sana nang iiwas niya sakin bago itapat uli sa bibig ko. Parang lulubog ako sa lupa nang makita ko si Xenon na nakatingin. Mabilis itong nag-iwas ng tingin at nag-suot ng headphone.

Kumagat ako sa siomai. "Ang daming arte, Ky." Bulong ko.

Hinila nya ang kanin at sumandok doon. Muli nyang itinapat sa may bibig ko.

"Kain." He said.

Suminghal ako sa kanya bago isubo ang kanin. Huli niyang hinila ang sawsawan at tubig papunta sa harap niya. Mukang paninindigan nya pagpapakain sakin. Walang pakealam yung tatlo samin kaya nabawasan yung hiya ko pero kung iisipin, hindi na naman ako nagugulat na ganito si Kyle ngayon.

Pahintulot (Epistolary) ✔️Where stories live. Discover now