Chapter 4
"May cancer ako"
"Ma--may sakit ako"
Halos sumabog ang puso ko ng marinig ko ang katagang sinabi niya.
Dali dali ko siyang hinarap at pailing-iling na tumingin sa kanya, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang hirap ng pinagdadaanan niya, ang mga patuloy na pagtulo nang mga luha nito at ang pamumula nang mga iyon ay, sanhi nang panginginig ng katawan ko.
Hindi ito totoo, nagsisinungaling lang siya para hindi ko siya iwan.
Sana nga nagsisinungaling lang siya.
"I-ito ba?!, ito ba ang naiisip mong paraan para mapigilan mo ako James?" halos mapiyok na ako dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko non.
Yumuko siya.
Hindi umiimik.
Hindi nga totoong may sakit siya, bat ba ang mga taong manloloko , 'tsaka lang nila makikita ang halaga nang mga naloko nila, pag-iiwan na sila.
I don't know lang ha, sa pagmamahal ba habol lang ang mahalaga.
Nakakacool ba ang pagloloko, nakaastig pag ang pagchecheat?
Hay nako pag-ibig.
"K-kung ito ang rason na na-iisip mo James, hindi nakakatawa at kapani-paniwala" peke pa akong tumawa at lumayo sa kanya, hindi ko kaya ang mga titig niya.
"Sana nga nagbibiro lang, sana nga nagsisinungaling lang ako, sana nga hindi totoong may sakit ako" sa bawat pagbigkas niya non ay may kasamang pagdiin sa bawat salita "Kung ang pagkakaroon ko ng sakit na cancer ang magpapapigil sayo sa pag alis mo, gustuhin kona lang na mas lumama ito para hindi mo lang ako iwan" nagcraked na ang boses nito.
Masama ko siyang tinignan.
"W-wag kang magbiro nang ganyan James!" maharan ko siyang itunulak dahil hindi kona talaga kaya ang presensya niya.
"Hindi ako nagbibiro" diin niyang sabi.
"Hindi ito nakakatawa!" sigaw ko pabalik, at dali daling binuhat ang dalawang bag. Lalabas na sana ako ng may kunin ito ang isang kulay puting papel sa bulsa niya.
Hinawakan niya ako sa pulsuhan at inilagay sa kamay ko ang papel na iyon.
Nung una hindi ko pa iyon pinagtunan ng pansin, ngunit dahil sa nararamdaman kong kuryusidad sa aking katawan, binuksan ko iyon at binasa.
Habang binabasa ang mga nakasulat doon, hindi ko namalayan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata at ang pagbagsak non sa papel na aking binabasa.
Tumingin ako sa kanya, napabuntong hininga ako at hinahabol ko ang pagkapos ng aking hininga. I need air.
"Ja-james,---"
"Kung hindi kapananiniwala, Archi, hindi kita masisi, marami na akong naging atraso sayo, ilang beses na rin kitang sinaktan, kaya kung ang pagkakaroon ko ng sakit na ito ay karma, buong puso kong tinatanggap" isinandal niya ang kanyang ulo sa pader sa tuminingala sa kisame.
Habang ako ay nakatingin lang sa kanya, at ang malaking bag na buhat-buhat ay dahan-dahan ko iyon ibinababa.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
James has stage two cancer of the blood.
Ang daming tanong sa aking isipan na nais kong masagot.
Gusto kong magtanong sa kanya pero hindi ko mabuka bukas ang aking bibig, animo'y para akong nanigas sa aking kinatatayuan.
"Bat mo ito ginagawa sa akin James" hindi ko rin alam kung bakit ko nabitawan ang papel na hawak-hawak ko.
"Pasensya kung nasasaktan kita"
"B-ba-bakit ngayon mo lang ito sinabi?"
"Ayaw kong masaktan ka" simple nitong sagot at ngumiti sa akin.
"A-ayaw mo akong masaktan?" natatawa ko pang sabi at itinuturo ang aking sarili.
Tumango niya.
"Pe-pero ano sa tingin mo at ginagawa mo sa akin ngayon James?, hindi mo lang ako sinaktan, para mo rin akong p*natay, para mo na rin akong pinagkaitang mabuhay" nanghihina ang mga tuhod ko.
Patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko.
"Hindi mo ako naiintidihan, Archi",
"Dahil ang hirap mong intindihin James!!!" para akong naubusan ng lakas ng bigla bigla na lang akong napabagsak sa sahig. Napa squat ako.
Napahilamos sa mukha at tumingala ako para pigilan ang mga luha sa pagtulo.
Kitang kita ko ang pagtayo nang matuwid ni James at tumakbo ito sa pwesto ko, nagdadalawang isip pa siyang yakapin ako, pero sa huli napagdesisyunan niyang yakapin ako.
Inilublob ko ang mukha ko sa balikat niya, hindi ko na mapipigilan ang emosyon ko, hindi ko alam pero gusto ko rin na nakayakap ako sa kanya.
"Kung hindi mo na kaya ang sakit, puwede bang ibigay mo sa akin yan para hindi kana masaktan?" bulong niya sa akin.
Mas lalo lang akong naiyak at pinagbugbog ang dibdib niya.
"Nakakainis ka, ang hirap mong mahalin James." patuloy parin ako sa pagsuntok sa dibdib niya.
"Puwede bang wag ka munag magsawang mahalin ako, Archi?" tanong niya at mapait na ngumiti sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Puwede bang mahalin mo ulit ako ka-kahit na, kahit na isang araw, buwan, at taon, hanggang hindi pa niya ako kinukuha?" tumingala niya at ngumiti.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Pangako kong babawi ako, ipaparamdam ko sayong nagsisi ako sa lahat ng mga ginawa ko sayo. Please Archi, mahalin mo ulit ako" tumulo ang luha nito at yumuko "Kahit na hanggang sa mawala lang ako, gusto ko lang makabawi sayo, kara" sa pagkakasabi niyang yun hindi ko alam kung bakit nagsimula nanamang umagos ng mga luha ko.
Niyakap ko siya.
Marupok na kung marupok.
Ngunit, hindi ibig sabihing pinapatawad ko siya, hindi ibig sabihin nun kami ulit.
Wala na kami.
Siguro ay aalagaan kona lang siya, at pagbibigyan.
Habang yakap-yakap ko siya, at yakap-yakap niya rin ako, hindi ko mapigilang mapatingin sa pag-iiba nang kulay ng balat nito.
Ang kulay kayumanggi niyang balat ay nahahaluan ng pamumula nun, mabilis kong kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya nang maramdaman ko ang biglang pag iinit ng katawan niya.
"Ja--james, okay ka lang?" nag-alalang tanong ko.
Tumango siya ngunit hindi nagsalita, ni hindi niya ako tinignan.
Hinawakan ko ang mukha nito at itinutok sa akin.
At halos mahulog ang eyeballs ko nang dahan dahan niyang ibaon ang ulo niya sa dibdib ko.
Nanghihina siya at nawalan siya nang malay.
"James-----james---!!!!! ano ka ba???!!"
Nagsimula na akong magpanick, hindi alam ang gagawin.
Hinawakan ko ang pulsuhan niya, hindi na iyon pumipikit, hindi ko na rin maramdaman ang paghinga nito.
Patuloy lang ako sa pagsisigaw, pinangungunahan ako ng emosyon ko kaya hindi kona alam kung ano bang dapat ang gawin ko.
Niyugyog ko siya ngunit wala namang nangyayari.
Ang alam ko lang na sumunod na nangyari ay sigaw lang ako nang sigaw.
Nanlalabo man ang paningin ko , tumingin parin ako sa mukha ni James. Hindi na ito humihinga, pula at pamumuti na lamang ang makikita ko sa mukha niya.
James is dead.
YOU ARE READING
Why Do You Hate Me?
RomancePaano ba magmahal? Yan ang tanong ng nakararami. Hanggang saan ba ang hangganan ng pasensya mo sa taong pinakamamahal mo?O baka naman susukuan mona lang siya na hindi alam ang totoong rason sa lahat. Sabi nila ang pinakamalakas na pangyarihan sa mu...