Nagising na lamang ako ng tumama ang ilaw sa mata ko ang nanggagaling sa kisame, puti ang mga pader.
Mapatingin ako sa lalaking nakayukong nakaupo at nakahawak sa kamay ko, kung anong damit ang gamit niya nang gabing wasakin niya ako, ganon pa rin ang suot suot niya.
Nakasuot na rin ako ng blue gown ng hospital at may puting nakatusok sa kamay ko, nanghihina ako dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng mga nangyari sa gabing iyon.
Napahawak ako sa tiyan ko.
Sariwa pa ang mga alalang iyon, ang pagdaladusdos ng crimson na likwido sa hita ko.
Nagpanick agad ako.
Gumalaw ako ng gumalaw at hinahanap ang doctor.
"Nasan ang doktor?" sigaw ko
"Doc!!!" ulit ko.
Ano ba ang nangyari sa baby sa tiyan ko.
Kailangan kong malaman na buhay pa rin siya.
Iniangat ni James ang kanyang ulo at mabilis na tumayo, at pinatatahan ako.
"RELAX MAHAL, kailangan mo pa nang lakas" nag-alala niyang sabi at niyakap ako.
Ngunit kahit na anong gawin niya naggugulo parin ako, gusto kong malaman kung okay lang ba ang anak ko, kung normal parin ba iyon sa sikmura ko.
"Ja--james ang anak natin" nanghihinang sabi ko at binabayaan na ang mga luhang tumulo.
"Calm down" kalmado niyang sabi habang nakayakap parin sa akin "Everything will be okay, okay?" pagpapatuloy niya, wala akong magawa kundi ang tumango tango sa katang*han.
"Kumusta ang anak ko?" tuliro kong tanong.
Nakaupo na siya sa sofa ngayon at nakatingin lang sa akin.
"James?, kumusta siya?" ulit ko "Okay lang ba siya o di kaya normal lang?" peke pa akong tumawa na para pang pinapagaan ko ang loob ko.
Umiling si James.
"Bakit ka umiiling?, Sagutin moko James!" nagsimula na akong mataranta.
Nakita ko ang pagbagsak ng luha ni James sa sahig at yumuko ito, hindi ko alam ang gagawin ko.
"J--james anong ibig mong sabihin, h--hindi kita maintindihan!" sigaw ko dahil hindi kona alam kung anong magiging reaksyon ko
"W-wala na siya" nagcraked pa ang boses niya ngunit namamanage niya paring magsalita nang malinaw.
Para akong binaril sa puso nang marinig ko iyon.
Tumulo ang luha ko, hanggang sa ang iyak ko ay napalitan ng hagulgol, lumapit na rin si James sa akin at nagtawag na ito nang mga nurse.
"Sorry Archi, kasalanan ko ang lahat ng ito" iyak niya, yayakap pa siya sa akin ngunit itinutulak ko ito papalayo sa akin.
Kung hindi lang siya nagloko, hindi mangyayari ito.
Kung naging responsable at naging mabuti lang siyang partner sa akin hindi mamatay ang anak namin.
I looked at him painfully.
"Oo, kasalanan mo, dapat ikaw ang masisi dito" naluluha man ay buong buo kong nasabi ang mga iyon.
"I--im so sorry"
"SORRY?,sa tingin mo James anong magagawa nang sorry mo? maibabalik ba iyan ang anak ko?" dinuro duro ko siya "Bat mo toh ginagawa sa akin?" napayuko ako at pinabayaan ang mga luhang tumulo sa bedsheet.
"Alam mo James sa lahat ng puwede manakit sa akin, ikaw ang hindi ko inaasahan sasaktan at wawasakin ako ng ganto" napahilamos ako sa mukha ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mga nurses ang iniluwal non, lalapit sila sa akin ngunit pinigilan ko sila.
"Ang sakit sakit James, para lang sa babaeng iyon nagawa mong saktan ang katulad ko, ganon na rin ang magiging anak natin dalawa" nasisinok kong saad "T-tama na siguro ang sakit na ito"
"Please Archi don't do this, lalaban tayong dalawa"
"Sigruo dito na nagtatapos ang kwento ni James at Archi, na pangakong mong hindi mo'ko sasaktan at mamahalin mo'ko at hindi pagsasawaan" depensa ko, hindi pa rin alam ng mga nurses ang gagawin at nakikinig lang rin sa usapan namin.
"Wag mo tong gagawin sakin Archi, mahal na mahal ---"
Tinutol ang sasabihin niya dahil ayokong marinig ang kasinungalingang iyon.
"Maghiwalay na tayo"
YOU ARE READING
Why Do You Hate Me?
Storie d'amorePaano ba magmahal? Yan ang tanong ng nakararami. Hanggang saan ba ang hangganan ng pasensya mo sa taong pinakamamahal mo?O baka naman susukuan mona lang siya na hindi alam ang totoong rason sa lahat. Sabi nila ang pinakamalakas na pangyarihan sa mu...