Chapter 2

0 0 0
                                    

'My dreams came true,
when I found you...'
'I found you,
my miracle...'



Tuloy-tuloy na pagkanta ni Jeron sa videoke. Nakikinig nanaman ako sa may bintana namin. Marinig at mapagmasdan lang siya ay masaya na ako. Sana lang ay nagpapasya siya ng girlfriend niya.



Nagsusulat ako ng tula ngayon. Hilig ko nang gawin 'yon sa tuwing naiinip ako. Sa tula ko lang naibubuhos ang mga nararamdaman ko, kung hindi ko masabi sa taong gusto kong sabihan.



Habang nakikinig ako kay Jeron sa pagkanta niya, nagsusulat naman ako ng tula na patungkol sa mga salitang gustong-gusto kong sabihin sana sa kaniya, ngunit bawal.



Kinuha ko saglit ang phone ko para buksan ang facebook ko. May bagong post ang girlfriend ni Jeron, naka-tag si Jeron kaya nakita ko sa newsfeed ko. Silang dalawa ang nasa litrato. Silang dalawa lang.



Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ba gustong-gusto kong tinitingnan ang update ng girlfriend niya lagi, kahit alam ko naman sa sarili ko na masasaktan ang puso ko, kagay ngayon.



"Lea..." Agad kong ibinaling ang tingin ko kay kuya Leo na pumasok sa kuwarto ko. Umirap naman ako.



"Kuya, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kumatok ka muna bago ka pumasok."



He chuckled. Nag-ayos ako ng upo at agad sinarado ang bintana. Naupo na rin siya sa harap ko.



"Bakit nanaman?" Iritado kong tanong sa kaniya.



"Hapon na hapon ang init ng ulo mo. Easy ka lang bunso. May itatanong lang ako." Sabi niya habang natatawa pa.



"Siguraduhin mong importante 'yan, dahil kung hindi..."



"Kung hindi, ano?" Hamon niya.



"Wala! Ano na nga 'yon? Dalian mo na, mqy ginagawa pa akong importante." Sabi mo bago mag-iwas ng tingin.



"Sus!" Humagalpak siya sa tawa. "Importante ba talagang pakinggan mo sa pagkanta si Jeron?"



Namilog agad ang mga mata ko. "Pumunta ka ba rito para inisin nanaman ako? Hindi ko nga kasi siya pinakikinggan!"



Halatang halata tuloy na nagsisinungaling ako. Ang lakas ng boses ko!



"Bunso, h'wag ka nang mag-deny pa. Ako lang naman 'to. Matagal ko nang alam hoy!" Sabi niya bago guluhin ang buhok ko, na kinainisan ko.



Oo naman. Alam ko namang matagal nang alam ni kuya. Ayoko lang sabihin 'no, kung sasabihin ko man na gusto ko si Jeron, gusto ko kay Jeron ko mismo masabi. Pero mukhang malabong mangyari 'yon, malabo talaga.



"Alis na kuya!"



"Teka naman... tatanungin lang sana kita kung gusto mo si Jero— Aray!" Hindi ko na siya pinatapos at binato ko agad ang unan ko sa kaniya. Nang-iinis talaga siya!



"Isa, kuya." May diin ang boses kong nagbabanta.



Tumawa siya. "Ano ba! Agad-agad kang nagr-react diyan, patapusin mo muna kasi ako."



"Nang-aasar ka lang, kuya eh!"



"Hindi kaya. Ang sinasabi ko lang kung gusto mo ba Jeron— oh ayan nanaman 'yang mga tinginan mo, patapusin mo muna ako."



"Oo na, dalian mo."



"Gusto mo ba si Jeron na lang ang maghatid sa'yo sa eskuwelahan bukas?"



The Heart I've Held SecretlyWhere stories live. Discover now