Chapter 3

0 0 0
                                    

"H-Ha?" Wala sa sarili kong tanong. Tama ba ako nang rinig o nagha-hallucinate lang ako?



"Ang sabi ko, nandito ako para sunduin ka. Bakit? Tatanggi ka nanaman ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.



"A-Ano?" Wala akong masabi, bwiset!



"Tumanggi ka nang ihatid kita, tatanggihan mo nanaman ba ako ngayon para sunduin ka? Sayang naman, nandito na ako oh." Sabay pagngiti niya sa akin na kinanganga ng bibig ko.



"U-Uh..." Walang salitang lumalabas sa bibig ko ngayon.



"Tara na, gabi na." Tatalikuran na sana niya ako para maglakad patungo sa motorsiklo niya nang magdesisyon akong magsalita na.



"Teka... bakit mo ba ako gustong ihatid kanina? A-At n-ngayon naman... gusto mo akong sunduin." Gusto ko lang makasiguro 'no. Gusto ko mismo manggaling sa kaniya at ayokong mag-isip nang kung ano-ano.



"Hindi ba puwede?"



"H-Hindi naman sa gano'n, Jeron..." Hindi ko talaga mapigilang mautal sa harapan niya.



"Teka, Lea. h'wag mong sabihing... may magagalit kung gawin ko ang mga 'to sa'yo? May boyfriend ka na ba?"



Agad na nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pagka-kuryoso. Mukhang gusto talaga niyang marinig ang sagot ko. Medyo kunot ang kaniyang noo.



"Wala! Wala akong boyfriend!" Agad kong sagot. Bakit ba napalakas ang sagot ko? Nakakahiya naman.



Ngumiti siya sa akin at humakbang nang kaunti palapit. Inilagay niya ang kanang kamay niya sa ulo ko. Nayuko ako nang kaunti at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.



"Tama 'yan, Lea. H'wag ka munang magb-boyfriend ha?" Tinaasan niya ako ng kilay.



"Bakit naman?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.



"Dahil bata ka pa. Bawal pa." Nag-iwas siya nang tingin. Nagsalubong ang dalawang kilay ko.



"Hindi na ako bata. May tamang pag-iisip na ako." May diin kong sabi.



"Bata ka pa, you're only sixteen."



"Kahit manliligaw, bawal?"



"Bawal din." Tanging sagot niya.



"Bakit ba? Hindi lang naman siguro dahil bata pa ako? May ibang dahilan?" Ha? Anong sabi ko? Ba 'yan! Nahihibang na talaga ako. May ibang sagot ba siya na gusto kong marinig? Imposible naman kung... Ah wala wala. Erase erase!



"Basta, bawal pa. Kapag nasa tamang edad ka na, sige puwede na."



"Hindi ko rin alam. Baka maaga akong mahulog..." Oo, maaga nga akong nahulog. Sobrang bata ko pa, at nahulog ako sa taong nasa harapan ko na nagsasabing bata pa ako at bawal pa akong mag-boyfriend.



"Ayos lang. Basta crush muna, hm?" Nginitian niya ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka makita niya pang namula ang pisngi ko.



"Ah basta. Atsaka kung magkagusto man ako sa isang tao o magkaroon ng manliligaw, wala ka na ro'n."



"May pakialam ako doon, Lea. Parang kapatid na kita at parang nanay ko na si tita. Kaya dapat kitang bantayan, tsaka hindi lahat ng lalaki, katulad ko 'no."



Aray naman. Talagang sinabi niya pa. Kapatid, salitang hindi ko inaasahang masakit pa lang pakinggan. Kung hindi lahat ng lalaki, katulad niya, bakit hindi na lang siya ang maging... boyfriend ko? Dahil bawal, Lea. Bawal.



The Heart I've Held SecretlyWhere stories live. Discover now