Nagising ako dahil kumakal yung sikmura ko. Marahan akong nag mulat ng mata at babangon nang mahiga ako ulit dahil sobrang sakit ng ulo ko.
Pumikit lang ako at bumalik ulit sa higaan para alalahanin yung nangyari kagabi. Paano ako naka uwi? Ang alam ko iniwanan ako nila drebs sa venue kagabi.
Naudlot yunh pag iisip ko nang may maamoy akong mabango sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako ulit at pikit matang nag lakad papuntang cr ko para sana mag ayos ng sarili nang bigla akong mauntog sa pader.
"Dito yung cr ko eh, nalipat na?" wala sa sariling tanong ko bago mag mulat ng mata
Napatakip pa ako sa bibig ko ng marealize ko na hindi ko kwarto 'to. Hindi ko 'to bahay.
Agad akong tumakbo sa banyo para ayusin yung mukha ko saka marahan na binuksan yung pintuan ng kwarto at sumilip doon.
May dalawang lalaki sa kusina na nag uusap. Yung isa naka upo lang sa lamesa habang nag luluto naman yung isa. Hindi ko makita yung mukha nila dahil naka talikod silang pareho sa'kin.
'Gago ka sai. Anong ginawa mo kagabi?'
Agad kong kinapa yung phone ko sa bulsa pero naka off 'yon, sinubukan kong buhayin pero ayaw talaga. Na lowbat nga pala 'to kagabi.
"Ginawa mo pa akong taga luto paps" reklamo nung nag luluto habang nilalagay n'ya sa plato yung mga naluto n'ya
"Wag ka na ngang masyadong mag reklamo, laxus, hindi ako marunong mag luto." sagot nung isa
Kilala ko yung boses na 'yon ah.
"Edi sana nagpa-deliver ka na lang" sabi nung isa ulit
"Hayaan mo na" sagot n'ya sabay ayos ng pagkain sa isang bed tray saka akmang pupunta sa kwarto na 'to
Agad akong tumakbo at dumapa sa kama para hindi n'ya ako abutan na gising. Nag balot din ako ng kumot hanggang ulo ko dahil tanga ako pag dating sa tulog tulugan na'yan.
"Hey wake up" dinig kong dani n'ya sa'kin saka ako tinapik tapik
Hindi ako gumalaw.
Gago anong ginagawa ko rito sa bahay ni montero?
"Hindi kita mahahatid sa inyo kung hindi ka babangon d'yan" medyo malakas n'yang sabi
Napipikon na yata. Agad akong mag alis ng balot kong kumot at naupi sa kama. Nakatayo lang s'ya sa harap ko hawak yung pagkain na nasa bed tray, naka tayo lang s'ya ron at hindi nag sasalita
"Good morning" awkward kong sabi
"Kumain kana, lumabas ka sa living room pag tapos mo, Ihahatid kita" seryoso n'yang sabi bago ilapag yung pagkain sa side table saka lumabas ng kwarto
Nag apura naman akong kumain dahil gusto ko na rin umuwi. Gusto mo rin sana s'yang tanungin kung anong nangyari kagabi pero natatakot ako dahil baka kung ano anong kahihiyan yung ginawa ko.
Dahan dahan naman akong sumilip sa pinto pag tapos ko kumain, wala namang tao sa living room.
"are you done?" halos mapatalon ako sa gulat nung lumabas s'ya sa kabilang kwarto
"Oo, salamat" maikling sagot ko
"Then grab your things, we're leaving" seryosong sabi n'ya ulit saka dumiretso sa living room
Sumunod naman ako sa kan'ya dahil wala naman akong ibang dala kundi yung wallet ko na nasa bulsa, saka phone kong deadbat.
"Let's go?" tanong n'ya sa'kin kaya tumango naman ako sa kan'ya
Nag lakad na s'ya palabas ng condo n'ya kaya sumunod lang ako. Tahimik lang akong naka sunod sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"Hop in" maikling sabi n'ya matapos n'ya ako pag buksan ng pinto
Nakatitig lang ako sa kan'ya dahil may pagka gentleman naman pala 'tong masungit na 'to.
Tinaasan n'ya lang ako ng kilay kaya agad naman akong sumakay. Umikot s'ya papuntang driver's seat at nag simulang mag drive.
"Give me your address" tanong n'ya
"sa sakayan na pang kaya ako ng jeep? nakakahiya" mahinang sagot ko sa kan'ya
"Cargo de konsensya kita since ako yung nakitang huli mong kasama kagabi, I'll drop you off sa bahay mo para sure akong safe ka" mahabang sagot n'ya
"sige, salamat" muling sabi ko
"your address" pag uulut n'ya sa tanong n'ya kanina
"sa malate ako, sa taft avenue , doon sa vista taft dorm" sagot ko sa kan'ya
Hindi s'ya nag salita at tumango lang, gusto ko talaga s'yang tanungin tungkol sa kung anong nangyari pero nahihiya talaga 'ko.
"I was there at the party last night, your with a girl at nag kita tayo sa bar counter, you said your friends left you, you don't know anyone there and you also don't know the girl you're with she tried to convince you to sleep at the hotel she booked and tried to kiss you so I decided to take you home since hindi kaya ng konsensya kong iwan ka ron knowing na ako lang yung kakilala mo" mahabang sabi n'ya
'Marunong naman pala 'tong mag salita ng mahaba'
"Hindi mo ako sinasagot kapag tinatanong ko sa'yo yung address mo kaya napilitan akong sa condo ka dalhin, nakausap ko rin yung kaibigan mk kagabi pero hindi na s'ya nag reply nung tinanong ko yung address mo dahil na deadbat na yata" dagdag n'ya pa
"May ginawa ba 'kong kahihiyan kagabi?" nahihiyang tanong ko sa kan'ya
"bukod sa pag iyak mo sa venue kagabi dahil hindi mo alam kung paano ka uuwi, sa paulit ulit mong tanong saka sa pag kanta mo ng malakas, wala naman" sagot n'ya
Hindi ko alam kung naiinis ba s'ya or sarcastic yung pagkakasabi n'ya. Wala manlang kasi ka rea-reaksiyon yung mukha n'ya.
Hindi na ako ulit nag tanong pag tapos non.
Ilang minuto pa s'ya nag drive bago kami makarating sa dorm ko."Dito na lang ako, thank you" pasasalamat ko sa kan'ya na tinanguan n'ya lang
"Baba na ako ha? salamat ulit" paalam ko bago buksan yung pinto ng sasakyan at lumabas
Tumayo lang ako sa tabi ng kotse n'ya at hinintay s'yang umalis bago sana pumasok sa gate pero bumaba lang s'ya sa kotse at lumapit sa'kin.
"Next Time..."
"Don't try to get wasted..."
"Lalo na kapag wala kang kasama kasi..."
"Baka mapahamak ka..."
____________________________________
📍I think the previous chap is so short so I publish
another one
YOU ARE READING
Code : Synéchise
FanfictionThis story is inspired by @snkdior (twt acc) Code : Synéchise,and what i mean in inspired is i used some of the story and others is on me. this story must be a fluff(?) crack(?) or can't be finished by the author for some reasons, but i'll try my be...