Chapter 1

7 3 0
                                    

"Problema ng mga 'to? Kinulang yata sa pansin noong pinanganak,"

-Charisse

TITA SHEENA AND LYKA

Bunny's Point of View:

Maaga akong nagising nang marinig ko ang sigawan ni Mama at Papa na nasa-baba, ganyang na ang palaging bumubungad sa'kin tuwing gigising ako ng umaga, pag-aalis at pag-uuwi ako.

At kung ano man ang pinag-aawayan nila? Ay tungkol sa pera, pera.... At pera.

Palagi kasing humihingi si Mama ng pera kay Pap para may pambayad at pang-taya si Mama sa casino, at 'yun ang ikinaka-galit ni Papa pero hindi 'yun ang dahilan kung bakit nag-hanap ng iba si Papa.

And sad to say, pero may kapatid ako sa labas, kaya nag-simula na sirain ni Mama ang buhay niya dahil 'dun.

Tinakpan ko nalang ang tainga ko gamit ang unan para hindi ko na sila marinig, pro walang epekto ang unan kaya napilitan nalang akong bumangon at maligo.

Mabuti nalang at medyo maingay ang tunog ng shower, dahilan para hindi ko na sila marinig.

Pagkatapos kong maligo, ay nag-bihis lang ako ng simpleng brown hoodie jacket at brown jogging pants. Atsaka ko kinuha ang headset ko, 'tsaka ko sinalpak sa cellphone ko.

Sinuot ko muna ang white shoes ko, bago lumabas ng kwarto ko.

Napatigil ako nang makita ko sina Mama at Papa sa kusina habang nag-aaway, nag-iwas nalang ako ng tingin atsaka ko sinuot ang headset ko bago lumabas ng bahay.

Ganito na ang everyday routine ko, gigising sa umaga, mag-jojogging, kakain sa 7/11, at uuwi para matulog, at lalabas ulit para kumain sa 7/11.

Bakasyon na kasi, kaya diretso lang ako sa kwarto ko para doon ubusin ang oras ko.

Ako nga pala si Charisse Nevada, 17 years old. 5'4 ang height, may wavy brown hair, maganda ang kilay, matangos ang ilong. In short, maganda.

Pagkatapos kong mag-jogging, ay sakto na tumigil ako sa tapat mismo ng 7/11.

Kumuha lang ako ng proyo, at ng ulam na may kanin na nakalagay na sa lunchbox at kailangan nalang ipa-init sa oven dito, kaya hindi ko na kailangang umuwi para mag-luto ng ulam at kanin ko.

Alam ko din naman na hindi sila mag-luluto, dahil si Papa ay laging out of town para sa kumpanya na, at minsan naman ay doon nalang siya umuuwi sa bahay nila ng babae niya.

Habang si Mama naman ay syempre nasa Casino nalang, halos doon niya na nga ubusin ang oras niya atsaka nalang siya uuwi kapag naubos yung pera na binibigay sakanya ni Papa.

Habang kumakain ako dito sa 7/11, ay bigla nalang tumawag si Papa.

"Bakit po?" tanong ko.

Ano nanaman kaya ang sasabihin sa'kin ni Papa?

"Pwede ka bang umuwi?" saad ni Papa.

Weird.

Ngayon lang ako tinawagan ni Papa para pauwiin sa bahay.

"Sige po," saad ko nalang.

Atsaka ko pinutol ang linya.

Hindi ko na tinapos ang pag-kain ko, at agad na akong nag-lakad pa-uwi.

Palapit na ako sa bahay pero nasa gate palang ako, ay dinig na dinig ko na ang sigawan nila sa loob ng bahay.

Napa-buntong hininga nalang ako bago pumasok sa loob.

Making the Bad Boy FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon