One

7 0 0
                                    

New friend

"huh?! Bakit mo tinanggihan? Teh jackpot kana sa kaniya." kulang nalang sabunutan ako ng kaibigan ko dahil sa inis.

"Eh sa wala pa sa plano ko ang mag paligaw, graduate muna bago jowa." tumawa naman ako dahil kita ko kung paano umikot ang mga mata niya.

And ano naman kung jackpot? Siya ba maglalagay ng grades ko sa grading sheet? Siya ba ang papasok sa mga subject ko na pamatay sa hirap? Parehas kaming student, marami akong dapat i-prioritize. At isa pa, hanggang crush lang muna.

"Eh bakit mo nga tinanggihan?" makulit na tanong nito.

"Moira, gwapo lang 'yun." tumango naman siya bilang pag-sangayon. "Pero di siya matalino." Pagbibiro ko.

Hinampas naman niya ako sa braso. "Aray ko naman."

"Bastos ka, at paano mo naman nalaman na hindi siya matalino , aber? Pinakita niya ba yung portal ng grades niya sayo?"

Bumuntong hininga naman ako. " Seriously, Moira. Yung nililink mo sa akin is incoming 2nd year."

"Eh ano naman, age doesn't matter, year pa kaya." pagdidipensa niya.

"Yun na nga, wala namang kaso sa akin, pero teh, gagawin pa yata akong tutor, masyado pa siyang malaro. Not all the time ay makakapag reply ako sa mga chats niya, busy tayo. And kung maka-demand ng oras, akala mo naman kami na." hindi naman sa lahat ng pagkakatoon ay makakapagbigay ako ng oras, hindi naman kami. Gusto ko may "me time" pa rin ako. Stress na nga sa school tapos ma-stress pa ako sa lalaki. Wag na lang.

"Tatanda kang dalaga kung di ka mag papaligaw." pananakot niya.

"Okay lang, duh." wala namang kaso sa akin maging matandang dalaga. Parang ang peaceful nga kapag ganoon.

Pero syempre normal pa rin naman akong babae, nagkakagusto din, pero hindi sa punto na umaabot sa ligawan. Siguro hindi pa talaga oras para ma in-love? Or wala pa talaga sa isip ko. Alam ko naman na may tamang oras at panahon para doon.

Isa pa, mahirap na, hindi ko naman nilalahat pero may mga ilang lalaki na mas gusto pa munang mag explore sa mga bagay bagay. Paano kung makapasok ako sa ganoong set up? What if hanggang practice era lang pala ako? Gusto ko iyong may plano " sa amin" in the future.

Kung wala mang lalaki na nakalaan for me, then tatanggapin ko, mag se-serve ako sa simbahan hanggang sa kunin na ako ni Lord.

~

Matapos namin mag kwentuhan ni Moira pumunta na kami sa building namin. We are Psychology students, incoming 4th year. Inaasikaso na namin yung mga kailangan namin para sa internship.

Nag papapirma kami ng mga documents. Kaso nga lang ay pahirapan.

"Epal naman nila. Para pirma lang, kahapon pa sila ganyan sa faculty."reklamo ng kaibigan ko. Matabil din dila nito. Walang sinasanto. Pero grabe rin naman kasi ang pahirap sa aming mga students. Kung minsan ay parang hangin lang kami sa loob ng faculty.

"Mag sm na muna tayo, gutom na ako." pag-aya ko sa kaniya kahit 11 am palang. Lunch break ng faculty members na kasi, tapos 1 or 2 kung mag resume..Nakaka stress ang ginagawa namin kaya kailangan ko itong ilamon, at isa pa wala akong umagahan kanina, tinamad akong mag luto.

"Go, for sure hapon na tayo asikasuhin diyan sa loob. Kaloka."
masyadong malakas ang pagkakasabi niya kaya hinila ko na siya, baka mamaya may makarinig pa at makarating sa loob, malay ba namin kung may spy dito sa waiting area. Mas maigi na yung sigurado. Wala rin kasing preno bibig nitong babae na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon