Prologue

15 1 0
                                    

----------------

"hindi ko alam, hindi ko na alam gagawin ko"

Alam ko naman na may mali rin ako. Tama naman ang desisyon ko, siguro? Nakita ko na he's happy, maayos siya.

"Sana iniisip mo rin ang sarili mo Bambi." Alam kong galit na siya o naiinis pero pilit niyang ginagawang mahinahon ang boses.

Hindi ko siya masisisi. Wala akong magawa, walang kwenta ang luha ko dahil sa katangahan na nagawa ko  Kahit anong pagpunas ko ay parang gripo ang mga mata ko. Kahapon pa ito, di pa ubos?

"What's your plan?... "

Sa totoo lang, walang akong maisip na matino ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa kakaisip sa bagay na 'yun. Parang sirang plaka, paulit-ulit na bumabalik sa utak ko lahat. LAHAT.

"You have to fix your self first Bambi,.. Ano ba kasi pumasok sa isip mo at ginawa mo yun? Umabot pa sa punto na... na ganito." tanong niya ng mahinahon.

Tumingin ako sa mga mata niya. Kita ko ang awa at sakit. Bakit? Bakit hindi nalang siya? Kung sa una palang siya na ang pinili ko, hindi mangyayari lahat ng ito.

Naramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko.

"please, stop crying... Kung nasasaktan ka, nasasaktan rin ako..." hinawi niya ang luha ko. "But I know na mas masakit ang nararamdaman mo."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"Kurt.......nakipaghiwalay ako sa kanya kasi ayaw kong maging sagabal.. a-at....ito... i-ito.... hindi 'to kasama sa plano,.." sa bigat ng nararamdaman ko, halos hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

Ramdam ko ang haplos niya sa buhok ko. Na mas lalong nag paiyak sa akin.

"shhh..  It's fine, you don't have to tell me right now... Kung di kapa handa na sabihin sa akin, I'm willing to wait..."

Dahil sa sinabi niyang iyon, parang nabawasan ng kaunti ang pasan ko sa dibdib.

Iniyak ko lang ang sakit.

Hindi ko muna iisipin ang mangyayari bukas. Gusto ko naman ipahinga ang utak ko kahit ngayon lang. Nakakapagod ang mga kaganapan sa buhay ko.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal na niyakap si Kurt, pero ramdam ko na ang pagod, at ang pamimigat ng talukap ng mata ko. Bago ako makatulog ng tuluyan sa bisig niya ay narinig ko ang sinabi niya.

"Bambi... kung inuuna mo rin kasi sana sarili mo hindi ka masasaktan hindi katulad ngayon.... Kung sana lang... I'm sorry"

Sana nga Kurt. Pero wala akong laban sa puso ko.

I'm sorry....

-----------

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon