THIRD PERSON'S POV
Sa isang madilim at liblib na lote ay may nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ng mga kalalakihan na puros tattoo laban sa isang babae na mayroong balingkinitan na katawan.
"Hindi magtatapos ang gabing ito habang hindi napapasaamin ang iyong ulo...Prinsesa at pag nangyari iyon ay kami na ang maghahari sa buong Korea HAHAHA"
humalakhak ang lalaking may bilugang mukha at may malaking tiyan, may gintong kwentas at puno ng tattoo ang buong braso siya si Puto ang leader ng gangster na gustong kalabanin si Hermione ang mafia princess.
"Ganun ba? tch!"
walang ganang usal ni Hermione sa kanyang kaharap at pawang hindi natatakot sa kayang gawin ng mga ito laban sa kanya.
Hindi makaramdam ng takot si Hermione at swabe lamang itong nakasandal sa pader habang nilalaro nito sa kanang daliri nito ang isang dagger.
Nakahanda na sumugod ang lalaki habang mahigpit na hawak nito ang kaniyang armas na palakol
"Sa gabing ito amin ang iyong ulo Hermione! AHHHHHH"
Sumugod ang lalaki na nag ngangalang Puto habang nakataas ang kanyang armas na palakol, kaya napaayos ng tayo si Hermione at pinaglaruan ang dagger nito.
Malapit na si Puto at ng akma nitong ihahampas ang palakol ay naka tabling agad si Hermione papunta sa likuran nito at agad nya itong sinipa mula sa likod na ikinatilapon ng lalaki.
Oo nga pala likas na malakas si Hermione dahil sa isang sipa lang nito ay kaya na nitong paliparin ang kanyang kalaban, habang ang suntok nito ay magsasanhi ng pagkatulog na maaaring humantong sa comatose o kaya habang buhay na itong matulog sa hukay nga lang.
Tumayo si Puto sa pagkakatilapon at pasuray-suray itong tumayo at tinuro ang mha tauhan na pawang nanginginig at takot sa nag iisa nilang kalaban si Hermione
"Anong pang hinihintay nyo? patayin nyo ang babaeng yan!"
Galit na utos ni Puto at nag katinginan naman ang mga tauhan nito na baka ang takot sa kanilang mga mata. dahil alam nila sa oras na labanan nila si Hermione ay katapusan na nila
"B-boss umatras na t-tayo!"
nanginginig na sigaw ng mga tauhan ni Puto at nanginginig na umatras habang nakangisi lamang si Hermione na pawang nang e-enjoy sa kaniyang nasaksihan
"MGA DUWAG! PATAYIN NYO ANG BABAENG YAN KUNG GUSTO NYO PANG MABUHAY ANG INYONG PAMILYA!"
Gigil na sigaw ni Puto at akmang susugod ang mga tauhan ay tumawa naman si Hermione
"HAHAHA nakakaawa ka naman Puto, gustong gusto mong makuha ang ulo ko bilang titulo sa pagkapanalo pero... hindi ka magtatagumpay. dahil ngayon din ay dito kita ililibing ng buhay."
Sumugod si Hermione at unang pinuntirya ang mga tauhan ni Puto gamit lamang ang dagger na bawat matamaan nito ay nawawalan agad ny hininga dahil sa may lason ang dagger nito.
Bumwelo si Hermione at lumipad sa eri at pagbagsak nya ay saktong sa ulo ni Puto tumama ang dagger nito.
Napaluhod ang lalaki at tumingin kay Hermione na nakangiti ngunit hindi isang ngiti dahil nabuhay na ang pangalwa niyang katauhan na brutal at walang awa kung pumatay.
"Sorry ka nalang Puto hahaha dahil nagbago ang isip ko. hindi na kita ililibing ng buhay kundi ililibing kita kasama ng mga tauhan mong bahag ang bayag na hiwalay-hiwalay ang mga parti ng katawan HAHAHAHAHA"
nakakapanginig sa laman na tawa nito habang sa paligid ni Hermione ay nakapalig ang putol na ulo, putol na katawan, putol na paa at iba pang parti ng katawan ng mga tauhan ni Puto.
Dumanak at dumilig sa liblib na lote ang mga dugo ng mga ito.
"D-Demonyo ka! wala kang puso! lumayo ka sa akin... isa kang demonyo!"
Naghihingalong wika nito at pilit na gumagapang palayo sa dalaga ngunit sadyang nakasulat na sa libro ni Kamatayan ang pangalan niya dahil sa sandaling iyon ay isang palakol ang humati sa katawan ni Puto.
He's dead tuluyan ng namaaalam ang lalaki. halos umagos ang masaganang dugo na humahalik sa lupa mula sa mga katawan ng mga pinatay ni Hermione.
"Rest in hell, fuckers!"
huling sambit ni Hermione at nilisan ang nasabing lote kung saan naroon nakaiwan ang mga putol-putol na katawan.
***
"Iha, hindi kaba natatakot sa ginawa mo? paano kung ikaw naman ang napatay nila? paano kami ng mama mo?"
sermon ng ama ni Hermione sa kanya ng makarating ito ng Mansion at nabalitaan ang pagtatangka sa kanya ng grupo ni Puto na ngayon ay namamahinga na.
nakaupo sa sofa si Hermione habang sinakop ng kaniyang braso ang sandalan ng sofa at nasa harap nito ang kaniyang Ama na hinihilot ang sintido.
"Look dad, I'm alive. buhay na buhay ako at yong mga nanghamon sa akin naihatid kuna sila sa impyerno."
sagot nito sa kanyang ama na masama na ang tingin sa kaniyang Unica Ija nasi Hermione
"Hermione Lawrence, bukas na bukas din ay uuwi kana ng pilipinas ng sa ganon ay humupa muna ang away at nang hindi ka masundan ng mga Yakuza at ibang grupo na nag nanais ng korona mo."
"But dad---"
"No buts, Hermione Lawrence. go back to your room ang pack all your things. para sayo rin ija ang ginagawa ko."
hindi na nakaangal si Hermione at tumayo saka humalik sa pisngi ng ama bago tahimik na umakyat sa hagdan
"I guess hindi ko na mababago ang pasya ni Dad, haystt sana lang walang mga fuckers na kumanti sa akin dahil sinisigurado kong hahatiin ko sila sa apat."
Dito na magsisimula ang pakikipagsapalaran ni Hermione laban sa grupo ng mga Gangster na naninirahan sa pilipinas at doon din niya makikilala ang namununo dito at walang iba kundi si Thanatos Smith ang Gangster Lord.
YOU ARE READING
Hermione and the last section
Hành độngHermione Lawrence, a mafia princess carrying a crown of luxury and a target on her head, decided to escape her gilded cage. In search of safety, she found herself in the Philippines, where she hid among the students of Smith High. However, her arriv...