Chapter 2 : Cousins
HERMIONE'S POVSubrang sakit ng katawan ko, nabali ata ang mga buto ko hanip na lalaking yon arghh! gusto ko siyang pagpira-pirasuhin tapos ilalagay ko sa blender ang mga laman nya at ipapakain ko sa pating ang pinong laman nya!
Kung hindi lang talaga ako umuwi dito sa pilipinas para magtago, patay talaga sakin ang Mr.Langit na'yon kainis!
"Are you done torturing me on your mind Miss"
hinihilot-hilot ko ang leeg ko habang nakaupo dito malapit sa Veranda ng kwarto ng lalaking ito ng pumasok ito kaya masama ang tingin ko na tumayo at nilapitan ito
"Oo, nagawa na nga kitang patayin sa isip ko."
umismid sya sa sinabi ko yabang nito ahh
"Aalis na ako, ayaw ko na dito bwisit ka! pinaglalaruan mo ako tapos piniringan mo pa ako para lang isakay sa ruler coaster nayon, alam mo bang may trauma ako dun? tapos ganun pa ang pinarusa mo. sige na paalam Mr.Langit wag sanang malugi ang Resort mo tch!" napakurap-kurap naman ito sa sinabi ko, inirapan ko ito at binangga ang balikat nya
"S-sandal---" pigil nito sakin kaya hinarap ko ito at pinanlakihan ng mata
"Tch!" inirapan ko ito at nilampasan
Tuluyan na nga akong umalis dito sa Heaven Resort na impyerno naman dahil sa Langit na yon na pinaglaruan ako sa roller coaster wat da pak!
Kailangan ko nang makauwi sa Mansion nila Kuya Gio at para makaganti ako sa kanya ng malala.
"Taxi!" sigaw ko dito sa tabi ng kalsada at nang may pumara na taxi ay sumakay ako
"San tayo Ineng?" tanong nito sakin
"Williamson village please."
pinaandar na ni Manong ang taxi at maya-maya ay natatanaw ko na ang isang malaking Village kung saan nandito ang bahay ni Kuya Gio, village ito meaning nandito rin ang iba kung pinsan
"Dito na po" tumigil ito at bago ako bumaba ay tumingin ako sa metro 170 ang tinakbo kaya kumuha ako ng 1K at inabot ito
"Barya lang Ineng" ngumiti ako saka lumabas
"Keep the change Manong ingats po!" kumaway ito bago umalis ako naman ay nawala ang ngiti ng humarap sa pinto ng village
"Be ready!"
nilabas ko ang baril ko at kinasa ito saka ko tinapat sa pinto ng gate at pinaputukan ito
"BANG! BANG! BANG!"
"NILULUSOB TAYO!"
"PUTANGINA MAG SI KALAT KAYO!"
"ANO PANG HINIHINTAY NYO ILABAS ANG MACHINE GUN NOW NA!"
natawa ako dahil sa mga natataranta nilang boses kaya sinipa ko ang gate at mabilis na tinutukan ang nagtangkang hampasin ako
Nagulat naman ito ng makita kong sino ako kaya ngumisi ako dito na ikinakaba nito
"M-milady?" I smiled
"Yes, I am." I answered
"Ano pang hinihintay nyo? barilin nyo sy--- Putangina! Princess!" gulat na sigaw ni Kuya Daemon na nginitian ko saka kinawayan
"Missed me?" tanong ko at nakita kong lumabas din ang iba ko pang pinsan take note lahat ng pinsan ko ay lalaki at ako lang ang nagsusulong anak na babae sa pamilya namin.
YOU ARE READING
Hermione and the last section
ActionHermione Lawrence, a mafia princess carrying a crown of luxury and a target on her head, decided to escape her gilded cage. In search of safety, she found herself in the Philippines, where she hid among the students of Smith High. However, her arriv...