8 | LITTLE HOPE

24 5 2
                                    

The birds chirped while the plants swayed gently in the wind. I was humming as I wrote in my book. Sunlight filtered through the trees, making patterns on the ground. The breeze was soft, and everything felt peaceful. My pen moved smoothly on the paper, and I enjoyed the calm moment.

Nasa ilalim ako ng lilim ng mga puno, ramdam ang malamig na simoy ng hangin.

“Nothing can compare to this peacefulness,” I whispered.

Habang patuloy akong nagsusulat, I looked up and noticed the clouds slowly drifting across the sky.

A little butterfly landed beside my book, parang gusto rin niyang makisama sa tahimik kong sandali.

Ngumiti ako sa simpleng kagandahan ng paligid. It felt like time had slowed down, allowing me to soak in every detail and enjoy the serenity around me.

Everything around me was in perfect harmony, and I felt deeply connected to the world. Pinikit ko ang aking mga mata, dinadama ang bawat hinga, bawat tunog, bawat paggalaw ng hangin. Ang mga simpleng bagay na ito ay nagbigay ng malaking kahulugan, at alam kong ito ang mga sandali na tatagal sa aking alaala.

Biglang narinig ko ang malambing na tinig ng aking lola mula sa malayo. "Hija, halika na't merienda na," tawag niya. Bumalik ako sa realidad mula sa aking pagninilay-nilay, ngunit may ngiti pa rin sa aking labi.

I packed my book and stood up, feeling the warmth of the moment still with me. Ang mga halaman ay patuloy pa ring sumasayaw sa hangin, at ang mga ibon ay nag-aawitan sa himig ng kalikasan.

"Lola, andyan na po ako!" sigaw ko pabalik habang tinutungo ang direksyon ng kanyang boses.

Pagdating ko sa veranda, nakita ko si Lola na nakangiti, hawak ang isang tray ng masarap na kakanin. "Nag-enjoy ka ba doon sa ilalim ng puno?" Masayang tanong niya.

“Opo, Lola. Napakasarap ng katahimikan doon,” sagot ko habang umupo ako sa tabi niya.

Sa veranda, habang tinitikman ko ang mga kakanin na inihanda ni Lola, nadama ko ang mainit na pagmamahal na lagi niyang ipinapakita. Ang araw ay nagiging mas banayad habang papalubog ito, ang mga huling sinag ng liwanag ay nagbibigay ng gintong kulay sa paligid.

Si Lola, na nakaupo sa tabi ko, ay nag-umpisa ng isang kwento mula sa kanyang kabataan. "Alam mo, hija," sabi niya, "nung bata pa ako, madalas din akong magpunta sa ilalim ng mga puno sa aming bukid. Doon ko nararamdaman ang pinakakatahimikan, parang lahat ng alalahanin ay nawawala."

Habang nagsasalita si Lola, nakita ko sa kanyang mga mata ang matamis na alaala. "Minsan, sumasama sa akin ang mga kapatid ko," dagdag niya. "Nagkukwentuhan kami, naglalaro, at minsan ay sabay-sabay kaming kumakain ng hinog na mangga na pinitas namin mula sa puno."

Ngumiti ako habang iniimagine ko ang kanyang mga kwento. "Ang saya naman po nun, Lola. Ang dami niyong masasayang alaala," sabi ko, habang kumukuha ng isang piraso ng suman.

“Oo, hija. Ang simpleng buhay noon, pero punong-puno ng kasiyahan,” sagot niya, habang tinikman niya ang kanyang sariling paboritong bibingka. "Kaya naman laging mahalaga para sa akin na makita kang masaya at nasa kalikasan, kasi dito ko rin nahanap ang tunay na kapayapaan."

Ngumiti siya ng malapad, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa kagalakan. "Alam mo, hija, ang mga ganitong sandali ay mahalaga. Hindi natin lagi makukuha ang mga ito, kaya kapag andyan, sulitin natin."

Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa mga plano ko sa hinaharap. "Lola, gusto ko pong maging manunulat," sabi ko. "Gusto kong magbahagi ng mga kwento tungkol sa kalikasan, sa mga alaala natin, at sa mga simpleng kasiyahan na nagbibigay ng tunay na kahulugan sa buhay."

Ngumiti siya at tumango. "Maganda yan, hija. Ang pagsusulat ay isang paraan para mapanatili natin ang mga mahalagang alaala at maipasa sa susunod na henerasyon. Alam mo ba, noong bata pa ako, pangarap ko rin ang maging manunulat?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. "Talaga po, Lola? Bakit po hindi niyo itinuloy?" tanong ko, full of interest.

"Maraming bagay ang nangyari," sabi niya habang nakatingin sa malayo, tila inaalaala ang mga nakalipas na panahon. "Kailangang magtrabaho ako para makatulong sa pamilya, at nagkaroon ako ng responsibilidad na alagaan ang mga kapatid ko. Pero hindi ko pinagsisihan yun. Sa mga pangyayaring iyon, natutunan ko ang halaga ng sakripisyo at pagmamahal."

"Hindi po ba kayo nanghihinayang?" tanong ko, nadarama ang bigat ng kanyang mga karanasan.

"Hindi," sabi niya ng may ngiti. "Kasi, kahit hindi ko natupad ang pangarap kong maging manunulat, nakita ko ang sarili kong mga kwento sa buhay ng mga mahal ko. At ngayon, narito ka, na may pangarap na katulad ng akin. Para sa akin, sapat na yun. Parang ipinagpapatuloy mo ang aking pangarap."

I felt the weight of her words. "Salamat po, Lola. Hinding-hindi ko po kakalimutan ang mga kwento niyo. Gagawin ko pong inspirasyon ang lahat ng mga sinabi niyo."

Habang kami ay nag-uusap, napansin ko ang paglamig ng hangin at ang pagdilim ng kalangitan. The crickets began their evening song, adding a gentle background to our quiet conversation.

"Mahalaga ang bawat sandali," sabi ni Lola, na para bang binabasbasan ang gabi. "At sa bawat pagdaan ng oras, laging may bagong kwento na naghihintay na isulat."

Ngumiti ako at tinignan ang aking book.

Ngumiti siya sa akin."Alam kong magiging napakaganda ng iyong mga kwento, hija. Laging sundin mo ang puso mo, at huwag kang matakot na ilagay ang lahat ng iyong nararamdaman sa iyong pagsusulat."

Habang hinawakan ko ang kanyang kamay, naramdaman ko ang bigat ng aking sikreto na matagal ko nang gustong ibahagi sa kanya. "Lola," nagsimula ako nang may alinlangan, "may kailangan po akong sabihin sa inyo."

Napansin ni Lola ang pagbabago sa tono ng aking boses. "Ano yun, hija? Sabihin mo lang, nandito ako para makinig."

Huminga ako ng malalim bago ko sinabi ang mga salita na matagal ko nang kinikimkim. "Lola, may heart disease po ako."

Nagulat si Lola at kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "Kailan mo pa nalaman, hija?" tanong niya ng marahan.

"Nalaman ko po noong isang buwan," sabi ko, habang pinipilit kong manatiling kalmado. "Ang sabi ng doktor, kailangan ko ng maingat na pag-aalaga at tamang gamutan. Pero... pero minsan, natatakot ako, Lola."

"Natatakot po ako na baka hindi ko matupad lahat ng pangarap ko," sabi ko habang naramdaman ko ang mga luha na nagsisimulang pumatak sa aking mga pisngi. "Paano kung hindi ko magawa lahat ng gusto kong gawin, Lola? Paano kung..."

Bago ko pa matapos ang aking pangungusap, niyakap ako ni Lola nang mahigpit. "Huwag kang mag-alala ng sobra, hija," sabi niya habang hinahaplos ang aking likod. "Ang mahalaga ngayon ay ang bawat sandali na mayroon ka. Gamitin mo ang oras na ito para gawin ang mga bagay na mahalaga sa iyo. At alalahanin mo, hindi ka nag-iisa. Nandito ako, ang pamilya natin, at lahat ng nagmamahal sa iyo para suportahan ka."

Pero parang walang pakielam si Mommy sa akin..

"Alam mo, hija," sabi ni Lola, habang hinawakan ang aking mga kamay. "Sa kabila ng lahat ng pagsubok, lagi nating hanapin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin. Laging may liwanag sa bawat dilim. At habang buhay ako, gagawin ko ang lahat para tulungan ka."

"Maraming salamat po, Lola. Mahal na mahal po kita."

"Mahal na mahal din kita, apo." Tugon ni Lola sa akin.

As the night got darker, the stars began to shine in the sky. Each star was like a memory, a little bit of hope glowing in the dark.

Moments of the SunsetWhere stories live. Discover now