CHAPTER 5

10 7 0
                                    

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising, hindi ko namalayan na sa sala pala ako nakatulog kagabi,

Agad akong bumangon para kumuha ng maiinom sa kusina,at nag tungo sa aking kwarto, ayaw ko sanang pumasok ngayun dahil magang maga parin ang aking mga mata at ayaw ko namang pag tawanan ako ng mga kaklase ko, pero hindi pwede dahil May exam kami at kailangan ipasa yung report namin ngayun,

Pagkatapos kong maligo ay nag linis na muna ako dahil napaka dumi ng buong bahay puno ng mga basag na plato at punit punit na mga litrato,

Diko maintindihan kung bakit hindi nila sinabi sakin na May balak pala silang maghiwalay,I feel I didn't belong in this fvking house

Sarili kong magulang iniwan ako mag isa, hindi ba nila ako. Inaalala??
O wala talaga silang pakialam sakin??so unfair naman,I miss my little sis,I miss lil

"Mikaaa"tawag sakin Nina Roxy at Luna sa labas ng aming bahay

Kaya't agad konang kinuha ang aking bag at ipinusod ang aking buhok,at nag tungo na Sakanila.

"Nakakapanibago, tahimik ata ang bahay nyo Mika, wala ba Jan si tita Ellen??"nagtatakang tanong ni Luna sakin kasabay ang pag silip nito sa aming bahay

"A-ahh nag bakasyon sila nila lil at daddy" pag sisinungaling ko Sakanila dahil ayokong mag alala pa sila sakin

"Ahh kaya naman pala,buti Dika sumama??"

"Look Luna ang daming mga school activities at reports at May exam pa,sa tingin mo makakapag bakasyon ako sa lagay na yun??"

"Sabagay, correct ka Jan sis"

"Mas maganda, lumakad na tayo dahil late nanaman tayo Neto!!"bulyaw samin ni roxy

"Waitttttt"sigaw ko habang nag mamadali sa pag-sasapatos

Pagkatapos kong mag sapatos ay agad ko nang kinuha ang aking bag at lumabas na ng bahay, hindi na nga ako nakakain dahil sa pag mamadali

"Ayan tinanghali nanaman si mikay hay nako talaga!!"Naka pamewang na saad sakin ni Luna

"Alam mo Luna kung mag bubunganga ka lang naman mas magandang lumakad na tayo dahil late na tayo Ho!!"taas kilay kong saad kay luna

Agad din naman silang sumunod at nag si takbuhan kaming tatlo, dahil late na kami,

"Ayy pusang kabayo, lumayas ka nga sa daan paharang harang!"sigaw ko nung nabangga ko ang lalaking maangas na naglalakad sa gitna ng hall way,

"Teka miss ha, ikaw ang umayos,takbo ka kaya ng takbo"saad nito sakin ngunit hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad

***
"Miss Mika Lianne,miss Luna, miss roxyanne late nanaman kayong tatlo!!!"
Malakas na bulyaw samin ng aming prof pagka apak pa lamang sa pintuan

"Itong miss kilayan na'to galit nanaman, tanggalin ko kilay mong peke eh"pabulong na saad ni Roxy

"May sinasabi ka miss roxyanne???"
Taas kilay na tanong ng aming prof kay Roxy

"Oo,este wala ho"

"Go to your proper sit"

"Kayong tatlo!!"

Agad din naman kaming nagsi-upong tatlo

"Gaga ka Roxy"natatawang saad ni Luna kay Roxy

"Syempre ako pa!"sagot naman ni Roxy sabay ang pag kindat

Mabilis ding natapos ang aming klase dahil break time na kaya't nag tungo na kami sa cafeteria kahit na hindi pa ako nagugutom

"Guyss alam mo ba na bagong transfer lang daw si Hiro Jan nung past 2month ata"chismis samin ni Roxy

"Ah kaya pala di pamilyar ang pag mumuka"saad naman ni Luna

Hindi ko sila maintindihan dahil hindi ko kilala ang sinasabi nilang Hiro

"Sino ba yun?"tanong ko sa kanilang dalawa

"Si Hiro Ace,yung bagong transfer,yung Naka bangga mo kanina"saad ni Roxy sakin

"Ah iyon ba?"

"Oo yun nga!"

"Bhee bhee"tawag sakin ni Roxy habang inuugug ako

"Ano ba yun kumakain yung tao eh"

"Andito si Hiro"

"Ano naman"
Pagkasabi kong iyon ay biglang nag salita si Hiro na nasa aking harapan na pala

"She's Mika Lianne right?"tanong nito kay Roxy kaya't agad akong napatayo

"Oo at anong kailangan mo sakin??"taas kilay kong tanong sakanya

"Nothing,by the way nice to meet you Mika"saad nya sabay alis na parang walang nangyari

Ah ganun lang?? akala ko makikipag away na eh

"Gagi Mika ibigay ko naba number mo??"pang aasar ni Roxy sakin

"Ulul"irap ko sakanya

"Ibigay mo na para magka-"

"Manahimik"pag putol ko sa sinasabi ni Luna

***********
You end this chapter!!, super thank you!!!🍂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

sky of love Where stories live. Discover now