Groupings

3 0 0
                                    


"Okay class, group yourselves into 5"

Yes, bumalik na nga ako sa school kasi napaka-grade-conscious ko. No one knows diba, baka magdrop grades ko.

"Group 3...

Sino kaya mga ka-group ko? Sana si Julius, s'ya lang mukhang ma-tino at seryoso sa classroom namin.

Jillian, Riley, Savinah, Geo"

Yes! Ka-group ko si bro! Kaso, ano kaya gagawin namin? Sana naman.. Madali-dali. After five minutes, na-realize ko na sina Riley at Geo, yung classmates ko pala nung kinder, pati si Jillian! Dito kasi ako pina-laki ni mommy bago pa kami lumipat ng "Rome, Italy"

 After five minutes, na-realize ko na sina Riley at Geo, yung classmates ko pala nung kinder, pati si Jillian! Dito kasi ako pina-laki ni mommy bago pa kami lumipat ng "Rome, Italy"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Si Jillian, yung katabi ko, yung katabi nya naman si Geo, pinaka-bata at makulit samin. Si Riley naman yung nasa dulo, playful pero mahiyain.

"Role-play ang gagawin nyo.. Shh! Tahimik nga muna, class! Role-play ha? Role-play. Isip na din kayo ng genre tsaka pumili na kayo ng mag-didirect... Mag-fifilm..."

"Okay teacher!"

"Opo ma'am!"

"Hoy sino group 7?!"

"Teh place namin 'to"

Ang ingay naman, asan na yong si Jillian? Yung group 3?

"Sino group 3?"

Sigaw ng isa naming classmate.

"Ako, ako!"

"Bro! Tara na, punta na tayo dun kay Geo! Kasama na nya si Riley, ikaw nalang kulang!"

"Ay.."

Nagstart na kami mag-vote kung sino mag-didirect kasi yun yung pinaka mabigat na role. Since onti lang kami, napagplanuhan namin na mag-multi-tasking nalang. Si Riley yung mag-didirect, at the same time may role sya. Ako naman yung mag-fifilm kasi ako lang yung may dala-dala lagi na "Kid's Camera". Actually, lahat kami magfifilm kasi pag-wala na sa eksena yung character na 'yon, s'ya naman yung mag-fifilm. Bongga!

"Class, pasa n'yo 'yan bukas ha. Tomorrow morning ang deadline, para ma-present sa class"

Natapos na yung subject na handle ni ma'am. And hindi na din school hours kaya, after namin mag-bihis.. Nag-meet up kami sa park para i-film yung role-play namin. Si Riley yung nag-gawa ng script namin kasi s'ya lang yung dalawa lang yung role. Si Geo kasi, taga-hawak ng ilaw, at may dalang props, nag-a-acting pa. Ako naman, nag-dala ng sandamakmak na halaman para sa background, nag-fifilm at nag-a-acting pa! Si Jillian naman nagpapaalis ng mga tao sa park, sagot nya pa food mamaya, nag-a-acting pa. Nakakahiya kaya yung roles ni Jillian!

"Pa-gabi na bros! Asan na ba si Riley?"

"Present! Oh heto, script."

"Ayos bro!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayos bro!"

After i-explain ni Riley yung script, nag-act na kami.

"Ang Munting Kapaligiran!"

'Yan yung na-pili nilang title, kasi ang role-play namin, about sa nature.

"Ma'am! Na-basa nyo po ba yung sinend ko sainyo sa "Messenger"?? Na-pasa ko na ma'am! Kagabi pa po."

Sigaw ni Riley pag-pasok na pasok nya ng room.

"Ma-buti naman kung ganon 'nak. Ang sisipag n'yo! Later, i-prepresent 'yan sa class ha."

"Opo ma'am, thank you po!"

Nag-apir kami ni Riley ng umupo sya sa upuan nya.

"Ayos bro! I-i mean direk! Love ka na namin!"

"For real, tayo nalang"

"Baliw!"

"Huy bro, thanks ah! Galing ng role-play natin!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Guy's In Love With You, Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon