87

21 3 0
                                    

"Take a rest, Shanie." I looked at Ate Tatianna. That's when I noticed that they were all looking at me.

I didn't say anything in response and looked back at the coffin. Do I deserve to rest? Do I, Ate?

I pushed back the tears that's forming in the sides of my eyes and averted my gaze. I can still feel their eyes on me. Slowly, I stood up from my seat and walked upstairs. I don't want to walk away. I don't want to turn my back on her because she never did on me.

Dalawang araw palang ang nakakalipas mula nang gabing 'yon. Lagi akong sa baba natutulog. Hindi lalagpas ng tatlong oras ang nagiging tulog ko sa loob ng dalawang araw na 'yon. At alam kong mahahalata na ang pagod sa mukha ko.

Pero kahit na gano'n ay hindi ko maramdaman ang pagod ko. Basta kasama ko si Ate ay ayos ako. Maayos ang pakiramdam ko.

I was about to enter my room, but my eyes locked on hers. Scenes from that night flashed through my mind. Slowly, I walked towards her room and opened the door. It was so peaceful.

"Apo?" I turned around when I heard Lola's voice.

"'La," I whispered.

She smiled at me. "Magpapahinga kana ba? Gusto mo ba diyan? Sandali, kukunin ko ang electric fan."

"Ako na po," pagpigil ko. Kinuha ko ang electric fan na nasa gilid at ipinasok ito sa loob.

Nanghihinang umupo ako sa kama. Naramdaman ko ang pagtabi ni Lola. Silence prevailed in the whole room. I hope you're here, Ate. I hope you're here to calm us. Ikaw at ikaw lang ang tanging may kakayahan na pakalmahin kami.

"Nakita ko ang... Ate mo." Napalingon ako kay Lola. Diretso ang tingin niya at may ngiti sa labi. "Dinalaw niya ako sa panaginip ko."

Napayuko ako. "M-maayos po ba siya doon? Ma... maayos p-po ba ang pakiramdam niya doon?"

Naramdaman ko ang pag-tango niya. "Payapa siya. Wala na siyang iniinda."

"May sinabi po ba siya?" Tumingin ako sa kaniya.

Nilingon niya ako at nginitian sa kabila ng pangingilid ng mga luha niya. "Mahal na mahal ka ng Ate mo, Apo. P-pangalan mo ang huling binanggit niya bago ako nagising."

Muli kong niyuko ang ulo ko at madiin na pumikit. Napadilat ako nang maramdaman ang kamay ni Lola sa akin. Nakita ko ang isang cellphone na inabot niya.

"Nakita ko 'yan no'ng isang araw. May note na nakadikit. Ang sabi ay para sa'yo."

Cellphone ito ni Ate. Hindi na ko sumagot pa at pinanood siyang maglakad palabas ng kwarto. Muli niya akong nginitian bago tuluyang nawala sa paningin ko. Katahimikan ang bumalot sa akin.

Binigyang pansin ko ang cellphone na aking hawak. Ayoko sanang buksan ito dahil gamit ito ni Ate. Pero si Lola na mismo ang nagsabi na para sa akin ito. May gusto ba siyang ipakita sa akin?

Binuksn ko ito at natigilan nang makita ang lock screen. Unti-unting gumuhit sa labi ko ang isang ngiti habang pinagmamasdan ang picture naming dalawa no'ng bata pa kami. If I'm not mistaken, I was four years old at the time, and she was six. This was the time before our mother's death and before our father's cruelty.

I swiped it, and it automatically opened. Hindi ba siya naglalagay ng password? Ngunit natigilan ako nang recorder app ang bumungad sa akin. And I saw three recordings of audio.

Free yourself, Bunso.

Breathe, Mr. Saint.

It'll be fine, Luvs.

Tears once again formed in the corner of my eyes. My trembling finger went on the screen. I traced every letter of what she called me. Bunso. And with my trembling hands, I clicked the play button.

Beauty of Open Sky (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon