1

2 0 0
                                    

"Liv listen to me okay, kailangan ko magkaron ng girlfriend." she looked at me uninterestedly.

"Bakit?" tanong tanong pa halata namang wala siyang pake.

What do you expect Siti?

"Wala lang, our schoolmates are unaware that I am attracted to girls." I shrugged and then sat beside her as she continued playing with her phone.

"You don't have to let them know." she coldly said and that made me roll my eyes.

"Hindi mo ba talaga gets? If I have a girlfriend edi malalaman nila, 'pag nalaman nila, madali na lang akong makakapull ng girls." pag explain ko pa sa kanya.

"Siti, if you have a girlfriend, why would you still want to pull other girls?" now she answered looking straight into my eyes.

This bitch really makes my heart beat so fast.

"Wala akong ibang maisip na way okay? Last year na natin dito sa school na 'to pero kahit isang beses walang nagkagusto sa'kin. We're already in 12th grade, and I feel like I'm missing out." honestly I really want to experience high school dating, pero hindi naman ako basta-bastang pipili ng kahit na sino.

This lady is just so dense.

"There have been a bunch of people confessing to you and wanting to court you, but you've rejected them all." She doesn't fail to give me headaches.

"Olivia they are all guys"

"Stop calling me Olivia, Felicity. If you truly want them to be aware, then come out. It's not like you can't do that"

"Shut up, don't talk to me."

It's the first week of our class this school year, maiiwan ko na rin 'tong school na 'to.

As if naman wala akong choice na umalis dito.

Right, hindi ako nag-transfer ng school pagtapak ng senior high because of her, I even take the HUMSS strand kahit engineering ang kukunin ko sa college.

Oks na 'yon may loyalty award.

"May transferee raw" biglang sabi niya. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta sa assigned seat ko.

Maya-maya pa ay dumating na ang adviser namin.

"May I have all of your attention" Dumiretso ako ng tingin sa harapan.

Napansin ko and babaeng kasama ni ma'am.

Tangina ang puti, allergic ba siya sa araw?

"Iha introduce yourself."

"Hi everyone, I'm Aria. I am looking forward to getting to know each of you." Nakangiti niyang pagpapakilala.

Maganda siya, not that tall, light brown mid-length hair, cute cheeks, doe eyes-

Since when have I been interested in scanning people's faces?

"Please sit beside Ms. Muñoz." napatigil naman ako nang banggitin ang apelyido ko.

Tinitigan ko siya habang naglalakad palapit sa'kin.

"Aalis muna ako class ha, may meeting pa sa faculty. Please behave." deklara ni ma'am at sabay-sabay naman kaming sumagot pasang-ayon bago siya lumabas.

"Hi, I'm Felicity. Siti na lang." nakangiti kong bati sa kaniya pagka-upo nya pa lang.

"Aria." inilahad niya ang palad nya para makipagkamay sa akin.

"Saang school ka galing?" panimula ko ng usap namin.

"Actually galing pa akong Quezon Province. I just moved here kasi nag-offer ang school ng scholarship for volleyball." paliwanag niya.

Pano siya hindi nangangalay ngumiti.

Pero bagay naman sa kaniya.

"Ohh vartisy." natawa naman siya nang sinabi ko 'yon.

"Yes, I just grabbed the opportunity kasi sayang din. Madamot kasi magbigay ng scholarship yung previous school ko." she's lively. Nakakagaan kausap.

"Siti sama ka ba mamaya sa band practice?"

Nandito pa nga pala 'to.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko. Napansin ko rin na lumabas sa classroom ang ilan sa mga kaklase namin. Palibhasa walang teacher eh.

"Pass muna ako Liv." bigla namang kumunot ang noo niya nang sabihin ko 'yon.

Problema nito? As if naman mamimiss niya ko.

"Ay oo nga pala, Aria this is Liv kaklase rin natin."

"Bakit di ka sasama?" nagulat naman ako nang hindi niya pansinin si Aria. Sumulyap naman ako kay Aria at kita ko rin na nagulat siya.

"Ang rude ha, pinapakilala kita kay Aria."

Bigla na lang siyang tumayo at dumiretso palabas ng room.

That leaves Aria and me startled.

Kung 'di lang ako nag-iisip ay aakalain kong nagseselos siya.

-

OMG FIRST CHAPTER DONEEE!! Please let me know if may nagbabasa and don't be shy to interact with me hihu >~<

KALEIDOSCOPE (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon