2

1 0 0
                                    

Aria and I exchanged our socials, even our numbers. Hindi ko alam pero nakakagaan siyang kasama.

Habang ini-stalk ko ang FB account ni Aria ay bigla namang nag-notif ang IG ko.

May story si Liv?

"Pucha talaga." singhal ko nang makita kung sinong kasama niya sa story niya.

Malamang magkakasama sila, bandmates nga diba?

"Kelan ba aalis ang ex mo sa buhay natin." kunwaring pagkausap ko sa kaniya sa picture nila.

May ex si Liv, dati rin naming kaklase pero lumipat siya ng school noong senior high na kami.

Nagkakilala sila dahil nagkaron ng battle of the bands ang eskwelahan namin, magkalaban ang banda nila noon pero bigla na lang silang bumuo ng isa pang banda na magkasama sila.

Isang taon din silang nagtagal at isang taon na rin ang nakalipas simula nang maghiwalay sila, pero hanggang ngayon close pa rin sila.

"Ganyan ba mga type mo? Bokalista? Matangkad? Gwapo? May bayag?" natawa na lang ako dahil sa mga sinasabi ko.

Hindi ko namang mapigilan na mag-reply sa story niya.

me:
tanga

Ilang segundo pa ay nakitang kong na-seen niya na ang reply ko.

Leche anong gagawin ko sa crying emoji?

React lang talaga Liv?

Until now I still don't know the details of their breakup. Pero dahil lalaki yung gagong 'yon, siya na agad ang may kasalanan.

Habang sinusumpa ang picture nilang dalawa ay nakita kong nag-message si Aria.

Aria:

free ka ba sa sat?

me:

hmm?

Aria:

kailangan ko kasi mamili ng gamit for my apartment

Nabanggit nga niya na wala siya masyadong gamit. Mahihirapan daw kasi siya magdala, galing pa siya sa Quezon.

Sabay kaming umuwi kanina at tinuro niya rin sa'kin kung saan ang apartment niya.

me:

okay, samahan kita

Aria:

YAYY THANK YOU SITI ILYSM

Luh ILYSM daw kanina nga lang kami nagkakilala.

me:

Virgin pa ko

Aria:

?

Nag-haha react na lang ako, maiintindihan niya naman na joke lang 'yon.



Papasok pa lang ako ng classroom ay nakita kong nagkakagulo ang mga kaklase ko sa pwesto ni Aria.

"Siti." Napatingin ako sa gilid ko dahil may kumalabit sa akin.

"Bakit late ka na?" Tanong ko, limang minuto na ang nakalipas simula noong nag-time. Buti na nga lang at wala pa si ma'am, Philosophy pa naman ang subject ngayon.

"Parang 'di ka late ah." Sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

"Well, it's unusual for you to be late. Ako lifestyle ko na." Sagot ko sa kaniya at inirapan ko siya.

"Felicity and Olivia, bakit kayo nakaharang sa pintuan?"

We turned our heads to see who was behind us. Shit nandito na si ma'am

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KALEIDOSCOPE (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon