Ang simula

2 0 0
                                    


Hi ako si Roxanne Perez nagtapos ako sa kursong education. Pangarap ko na kasing maging isang guro simula pa nung bata ako. Gusto kong magturo lalo na sa mga bata. natutuwa kasi ako sa kanila dahil kahit wala silang kamuwang-muwang sa mundo ay  gusto pa rin nilang matuto at mahilig silang magexplore sa mga bagay bagay. kaya nga nung pumili ako ng kurso hindi na ako nagdalawang isip pa na kuhanin ang kursong education.
Sa ngayon wala pa akong trabaho. tambay mode muna ako sa bahay tumutulong sa mga gawaing bahay kasi kakagraduate ko pa lang naman at hindi pa ako tinatawagan ng mga school na inaplayan ko.
isang araw nagulat ako ng magpunta sa bahay ang dati kong klasmeyt na si jessica hatid ang isang magandang balita nirekomenda daw niya ako sa isang school at tanggap daw ako natuwa naman ako sa balita niya,kaya Kinabukasan din ay bumiyahe kami papunta dun sa  nasabing eskwelahan. Nagulat ako ng ang napuntahan naming lugar ay liblib at malayo sa kabihasanan.

Ilang araw ang lumipas at nagsimula na akong magtrabaho sa paaralang iyon. mahirap man sa umpisa dahil napakalayo ng tinutuluyan ko sa paaralang iyon ay tiniis ko iyon para sa mga estudyante ko bata man o matanda ay tinuturuan ko dahil ang mga taong naroon ay kulang sa edukasyon, kaya kahit mahirap ay nagtitiyaga akong turuan sila dahil alam ko na ako lang ang makakatulong sa kanila. Ang trabaho kong ito ang pinakamagandang nagawa ko sa buong buhay ko masaya naman ako sa ginagawa ko dahil nakakatuwa silang tignan na matuto sa simpleng pagtuturo ko sa kanila ay nagkakaroon ako ng ambag sa mundo upang mabawasan ang mga mang mang sa mundo naipapamulat ko sa kanila ang katotohanan. Ang katotohanang ang tao ay ginawa para di maging utos utusan. ginawa din ito upang umunlad hindi ang maghirap.

Ang Kendi TitserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon