para hindi boring ang pagtuturo ko, nagbibigay ako ng candy tuwing nagpaparecite ako para naman ganahan sila sa pagaaral. Natutuwa naman ako dahil gusto nila ang pinamimigay ko, kahit na hindi sila pamilyar sa pinamimigay ko dahil wala namang candy sa lugar na iyon. natuwa nga ako ng nagustuhan nila ang candy na pinamigay ko.
Naalala ko nga nung una kong binigay yung candy sa kanila hindi nila alam kung Tatanggapin ba nila o hindi kasi hindi nila alam ang candy"Iha anu ba itong binigay mu nakakain ba ito?"
Sabi sa akin ni lolo alfredo isa sa mga estudyante ko "candy po ang tawag diyan nakakain po yan masarap at matamis po iyan magugustuhan niyo po yan. Yan ang magiging premyo niyo sa tuwing makakasagot kayo sa recitation"Simula nun nasanay na sila sa pagbibigay ko ng candy sa tuwing nagpaparecite ako. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil mas naging aktibo ang aming talakayan. Mas may gana silang matuto.