Episode 1

31 2 2
                                    

Author's Note:

Hi, mga taga-Barangay GG!

Maraming salamat po sa inyong suporta sa Ay! Parang Tanga! Vol. 1!

Ang "Mang Upo: Tay, Parang Empty" ay spin-off ng Ay! Parang Tanga! Vol. 1 and, unlike APT Vol. 1, hindi ito short story collection. Dugtungan po ito.

Ito po ay mag-uumpisa one year after ng ending ng story 6: Ang Milagrong Natamasa ni Mang Panata. Dahil dito, marami pong characters sa APT Vol. 1 ang featured dito. Mas maganda po, para mas mag-enjoy kayo, kung mababasa o mapapakinggan ninyo ang Vol. 1, lalong-lalo na ang Milagrong Natamasa ni Mang Panata (Story 6).

Gaya po ng mga kwento sa APT Vol. 1, available rin po ang istorya sa YouTube. Pero, this time po, may video na. :D

YouTube: https://www

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=DCqzxesHpaY&list=PLDaksqOdwSyjRhCA16Q5DUngAJmLqixC0&pp=gAQBiAQB

We hope you enjoy this one! Happy reading! 😊

***

"Tay, parang empty," sabi ni Mang Upo habang namamasyal sila ni Mang Panata sa isa sa mga pinakasikat na harbor city sa buong mundo.

Hindi makuha ni Mang Panata kung paanong nakuha pa ni Mang Upo na magbuntong-hininga. "Anak? Paanong nangyari iyon?"

"..."

Nalungkot si Mang Panata. "Anak, hindi ba ang tanging pangarap mo ay magbiyahe kasama ako? Halos lahat ng bansa narating na natin. Lahat ng wonders of the world, nakapagpakuha na tayo ng litrato."

"..."

Pilit na ngumiti si Mang Panata para pasayahin ang anak. "Anak, huwag kang malungkot. Hayaan mo, tutulungan kitang hindi maging empty."

"Tay, gusto ko nang umuwi. Huli na ang lahat," sagot ni Mang Upo, tunog empty pa rin.

"Anak, huwag ganoon." Hinawakan ni Mang Panata sa balikat ito. "Nakalimutan mo na ba iyong sinabi ni Junjun? Hindi pa huli ang lahat. Malakas pa tayong dalawa."

"Tay, buong buhay akong naupo sa sofa at nanuod ng TV Mass para maisip n'yong yayain akong mag-tour. Kayo naman, buong buhay na namanata araw-araw para sa pangarap ko noong 5 ako, na hindi ko na natatandaan." Habang nagsasalita, patamlay nang patamlay si Mang Upo. "Kung hindi dahil kay Junjun, hanggang ngayon nagkakalituhan pa rin tayo kung ano talaga pangarap ko. 66 na 'ko. 88 na kayo. Naubos na ang buhay natin."

"Iyon na nga. Lumipas na ang maraming taon," nagbuntong-hininga si Mang Panata at pilit na ngumiti. "Pero, hindi na tayo bumabata. Gusto ko bago ako tawagin ng Panginoon, matunghayan man lang kitang nakatayo at hindi empty."

"Tay, gusto ko na lang umupo ulit. Hindi ko na alam ang gagawin. Buong buhay ko, akala ko ang gusto ko ay isa lang, ang mag-tour kasama n'yo." Nangilid ang luha ni Mang Upo. "Pero, ngayon, halos isang taon na tayong nagbibiyahe, na-realize ko na parang wala na pala akong gustong gawin kung hindi maupo."

Mang Upo: Tay, Parang Empty (w/ YT Podcast!)Where stories live. Discover now