"She may be the reason I survive.
The why and wherefore I'm alive.
The one I'll care for through the rough
and ready years.Me, I'll take her laughter and her tears.
And make them all my souvenirs.
For where she goes I've got to be
The meaning of my life is she."
"Ito na yata ang pinakamalungkot na kantang narinig ko.
It's been five years since naghiwalay kami ni Tommy pero sya pa rin talaga ang mahal ko.
After all these years, sya pa rin.
Ang dami kong what ifs.
Ang dami kong sana.
Na sana matured na ako mag isip that time.
What if naging mas patient pa kami sa isa't-isa?
We would have made it..We could have made it.
Ngayon, may iba na. Masaya na sya.
May pamilya na sya."
Yan ang mga tumatakbo sa isipan ni Ara habang pinapanood ang Tiktok video ng ex-boyfriend nyang si Tommy na para sa asawa nito.
Batid ni Ara na masaya ang dalawa dahil alam nya kung paano magmahal so Tommy.
Nangingilid ang luha sa mga mata ni Ara habang paulit ulit na nagpi-play ang video na may background music na "She" by Elvis Costello.
Sino nga ba ang may alam ng mga magaganap sa buhay natin?
Wala. Kasi kung alam lang natin lahat na pwedeng mangyari, edi sana mas minahal natin yung mga taong mawawala din pala sa atin.
June 2014
Napaka-busy ng kalsada dahil linggo at marami ang nagsimba kahit umuulan. Tamang tama at ang tumutugtog na music sa mp3 player ni Ara ay yung version ni Aiza Seguerra ng Laughter in the Rain.
"Strolling along country roads with my baby
It starts to rain, it begins to pour
Without an umbrella, we're soaked to the skin
I feel a shiver run up my spine
I feel the warmth of her hand in mine
Oh, I hear laughter in the rain
Walking hand in hand with the one I love
Oh, how I love the rainy days
And the happy way I feel inside"
Tinanggal ni Ara ang isang earphone dahil naramdaman nyang nagvibrate ang phone nya dahil may tumatawag.
"San ka na? Nandito na ako."
Kinakabahan na sumagot si Ara: "Andito ako sa may entrance ng simbahan. Dito nalang kita hihintayin."
Ito ang una nilang pagkikita sa personal ni Tommy. Sa text lang kasi sila nagkakilala. Ibinigay ng officemate ni Ara ang number nito kay Tommy at naging mag textmates ang dalawa.
Kakabalik lang ni Tommy galing sa probinsya nila at nagkasundo silang magkita. Pumayag si Ara dahil komportable na sila sa isa't-isa dahil mukhang mabait naman itong si Tommy.
Nakita na ni Ara si Tommy, dumating na sya.
Dumating na ang lalaking hindi akalain ni Ara ay magiging malaking parte ng buhay nya.
YOU ARE READING
My Tommy
RomanceIn just a blink of an eye, everything changed. Totoo pala yung TOTGA. The one that got away. Ano ba'ng mas appropriate term. Baka the one who let us go?