SIMULA

5 0 0
                                    

Isang mag-asawa ang nagngangalan na Mario at Milen ang nanirahan sa gitna ng kagubatan. Natapon sila doon dahil sa kasalanang pag-aasawa ng maaga at wala sa wastong edad. 


Ganon kasi kahigpit ang nayon sa Venolen.

Ang Venolen ay puno ng kahigpitan at kasakiman, lahat ng gawin mo mapatama o mali ay mapupuna at hahanapan ng butas para pahirapan ka.

Isang araw ay nagdalang tao si Milen at labis ang ikinatuwa ni Mario sa magandang balita ng kanyang asawa. Habang lumalaki ang tiyan ni Milen ay nagpupursigi si Mario na punan ang pangangailangan ng kanyang mag-ina. Kung kinakailangan na tumawid ng kabilang nayon upang doon makapag trabaho ay ginagawa ni Mario.

Ngunit isang araw. Habang masaya silang kumakain ng kanilang almusal ay may kumatok sa kanilang pintuan at sabay pa silang nagkatinginan.

Wala silang inaasahan na bisita dahil bukod doon wala rin nakakaalam kung saan sila nakatira.

Lakas loob si Mario na binuksan ang pintuan at isang bata na lalaki ang bumungad sa kanila, may malawak na ngiti ngunit ang mga mata ay nakatutok lamang sa malaki at umbok na tiyan ni Milen, bago sinabing; "Pagmamay-ari ko ang bata na nasa sinapupunan mo, edad-18 ay kukunin ko ito at papakasalan ko."



--- ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN THE FOREST CALLS ME (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon