A/N:
Truma Attack
• - Yuna - •
Boring naman. Hiramin ko kaya PS5 ni kuya Kyle? Kunin ko nalang, baka di ako payagan eh.
Pumasok na ako sa kwarto ni Kuya. Hinanap ko na ang PS5 niya. Nang makita ko binitbit ko yun.
Sa kwarto nalang ako maglalaro baka mahuli ako pag dito.
Ano ba naman yan sobrang bigat naman pala nito baka mahulog pa to.
Palabas na sana ako ng bigla kong mabitawan ang PS5.
Hala! Papagalitan ako nito! Pero manghuhula ba ako!?
Tinignan ko kung may nasira ba.
Gasgas lang naman pero sobrang halata. Tapos may dent din. Ano gagawin ko ngayon?
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at sinara ang pinto.
Sasabihin ko ba? Bahala na masama magsinungaling eh! Saka malalaman din naman niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger.
Sa gc ko sasabihin para may back up ako. HAHAH
Me:
Kuya Kyle....Kyle:
Why?Me:
HehehehehehheElijah:
Why? Are you okay?Me:
Opo:))))Michael:
Mamaya pa ko uuwi pero gusto mo pasalubong?Me:
.......Kyle:
Bakit?Me:
Kasi po...Max:
Bakit ba kasi?Josh:
Ano ba nangyari sayo?Aaron:
Are you okay? Yuna?Me:
Opo, pero yung ps5 ni kuya Kyle. Hindi. Nahulog, nagasgas, nasira.Kyle:
WHY WE'RE YOU IN MY ROOM!?Me:
Ihh...Kyle:
Lets talk, nasaan ka ba!?Me:
Huhu, kuya Elijah. Papatayin daw akoKyle:
HA!? Wala ako sinasabi!Elijah:
Tigilan mo nga Kyle!Nakaktakot pa naman si kuya Kyle pag galit.
"Yuna Michaella Mae Atienza!" Tawag ni kuya saakin habang kumakatok sa pinto ko.
Nilock ko yun so di niya mabubuksan haha.
Lalong lumakas ang pagkatok niya "Yuna!" Sigaw niya ulit bago kumatok ng malakas. Nagulat ako at napaatras. Kumatok ulit si kuya ng malakas sa sobrang gulat ko napasigaw ako.
Bakit ba ganto ako!?
May kumatok ulit, pero hindi na si kuya yon. Dahil wala na ako sa kwarto ko. Nasaan ako? May kumatok ulit, nang magbukas ang pinto may lalaking nakatayo don. Hindi ko makita ang muka niya kaya akala ko si kuya yon.
"K-kuya? Ikaw ba yan?" Tanong ko habang nakatitig sa lalaki.
'Wala na ang mga Kuya mo! Iniwan ka nila!'
'Hindi ka nila mahal kaya sila umalis!'
'Your so useless!'
'Palamunin ka!'
'Walang kwenta!'
Nangyayari nanaman nakikita ko nanaman siya. Naririnig ko nanaman siya. Sino ka ba!?
Bigla nalang nawala ang taong yun, naging madilim ulit. Ilang saglit pa bumlik yung imahe ng lalaki, sinasaktan niya ko. Pinapalo, sinusuntok, sinasamapl at sinasabunutan.
Natatakot ako, kuya tulong!
Sa sobrang takot nanginginig na ko at umiiyak. Nag dilim nanaman ang paligid at naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko. Umiiyak ako sa sahig. Pero may malay pa ako.
• - Elijah - •
"Kyle tumigil ka na nga!" Sita ko sakanya
"Yuna! Lumabas ka jan!" Sagot niya
Lumapit ako sa pinto at nilapit ang tenga ko. Walang nagsasalita, pero merong...
"Umiiyak si Yuna!" Tarantang sabi ko
"H-ha?" Sabi ni Kyle
Kumatok ako sa pintuan niya. "Yuna? Si kuya Elijah to, buksan mo to please."
"Layuan mo ako!!" Dinig kong sigaw ni Yuna habang umiiyak.
Nangyayari nanaman? Hindi pwede to! Baka masaktan niya sarili niya.
Kumatok ulit ako sa pintuan. "Yuna sige na please."
"Tumigil ka na! Layuan mo ako!" Sigaw niya ulit habang umiiyak.
"Ano gagawin natin??" Tanong ni Max
"Hindi ko alam." Sagot ni Dave
"Sumayaw ka daw" Sagot ni Josh
"Baliw ka na?" Inis na tanong ni Max
"Nasaan ba ang susi nito?" Tanong ko
"Nakay Kuya Michael" Sagot ni Josh
"Imessage niyo!" Sigaw ni Kyle
Kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Kuya Michael.
Me:
Kuya, Si Yuna.Michael:
Ano nangyari?Me:
Nasaan yung susi? Nagkulong siya sa kwarto.Michael:
Nasa kwarto ko. Sa may bed side table.Me:
Sige.Binulsa ko ang cellphone ko at dumiretso sa kwarto ni kuya. Kinuha ko ang susi sa bed side table niya. Patakbo akong bumalik sa kwarto ni Yuna.
"Nakuha mo?" Tanong ni Max.
"Oo" Tipid na sagot ko.
Lumapit ako sa pinto at hinanap ang susi para sa kwarto ni Yuna. Ang dami kasing susi, para sa mga kwarto namin lahat to.
• - Yuna - •
May nagsusubok magbukas ng pintuan lalo pa akong umiyak ng malakas at sumigaw.
"LAYUAN MO AKO!" Sigaw ko sa kung sino
Nagbukas ang pinto at pumasok si Kuya Elijah.
Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit.
"K-kuya? S-sino yun?" Umiiyak na tanong ko sakanya.
"Shhh, andito na kami. Tahan na."
YOU ARE READING
My Seven Brothers And Me
SonstigesIn a world where Yuna Michaella Mae Atienza is the only girl and youngest among her siblings. With the help of her cousin Kiana, Yuna tries to uncover her forgotten past. Until she meets Kyle Mico Martinez a Senior High School STEM student. She find...