🦂24

562 18 0
                                    

Nakangiti pa nga si Gaia habang ikinukwento na simula pa daw first year highschool ay Mom and Dad na din tawag nilang dalawa sa mga magulang ng isa't isa. Ang cute lang, parang kwento ng Dad ko at Dad ni McZinn.

Almost 6 na ng matigilan kami ni Gaia sa pag kukwentuhan. Sapilitan kasi kaming hinila nina Yves kasi kulang daw ng dalawang players. Mas masaya daw kasi kung walo kami sa banana boat. Hindi ko gets kung anong pagkakaiba kung anim lang sila pero sumunod na lang din kami ni Gaia ng tahimik.

Ng makompleto kami ay agad na din kaming inasis nina Josh. Ipinaliwanag nila ang mga dapat at hindi namin dapat gawin para sa safety namin. Nilagyan din nila kami ng life vest kahit lahat naman kami ay marunong lumagoy para daw mas safe.

Si ate Cali ang nagpresentang umupo sa unahan at si Jhoy naman sa huli. Bali si ate Cali, Ako, McZinn, Solene, Gaia, Yves, Lindsey, at Jhoy ang pagkakasunod sunod ng pwesto namin.

May malaking bangka sa unahang bahagi na siyang maghihila sa banana boat na sinasakyan namin.

Nung una ay nag aasaran pa kami at sinasabing bumaba na ang takot kasi wala ng atrasan pag nagsimula, pero walang kahit na sino ang bumaba kaya agad na naming sinenyasan sina Josh na magstart na.

Nang magsimula ay agad nagtilian yung mga OA samantala sina Gaia ay natawa lamang.

Ilang segundo ang lumipas ay nakaramdam ako ng kunting pagkahilo kaya natahimik ako. Napansin ata ni McZinn dahil agad siyang lumapit sa likod ko. Hinawakan niya ang braso ko gamit ang kaliwang kamay niya habang ang Isa ay nakahawak naman sa handle para hindi siya mahulog.

“brhrbrbvrb...” Bulong nito.

“Ano?!” Pasigaw kung tanong na nakaakit ng atensyon ng iba. Bahagya silang natahimik at napalingon din saken si ate Cali.

“I said, are you okay?!” Pasigaw nitong tanong.

“Oh, oo ayos lang, hindi lang siguro ako sanay.” Sagot ko sa normal na boses.

“Okay, let me hold you then.”

“Thank you.” Sagot ko at napangiti ng mapansin ang masasayang sigawan ng iba naming kasama. Enjoy na enjoy, not until muntik na tumaob ang sinasakyan namin. Agad ako yumakap ng mahigpit sa bewang ni ate Cali. Naramdaman ko naman ang pag tawa nito.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin kay ate Cali, at bigla akong namula. Sobrang lapit ng face namin kasi nakapatong ang baba ko sa balikat niya habang nakahug ako sa kanya. Kakalas na sana ako ng hindi matuloy dahil sa biglaang pang salubong na malakas na alon samin, at tuluyan na nga kami nagtaob.

Magkakasabay na umahon ang lahat habang nagtatawanan.

Ilang sandali pa ay lumapit na din sina Josh para kunin kami, at ngayon kay kasalukuyan na kaming nakasakay sa bangka.

Agad akong inabutan ng towel ni ate Cali at pinyuhan ako na magpatuyo para hindi ako magkasakit. Matapos yun ay inabotan din nito ng towel si Yves, Solene, at Gaia.

Pinagmasdan ko naman ito kung bibigyan din niya sina Jhoy at Lindsey pero imbis ay inutusan lang nito si Jhoy na kumuha ng towel para sa kabilang dalawa ni Lindsey. Feel ko may alam din tong si ate Cali about sa relasyon nung dalawa e.

Napailing naman ako dahil sa sariling isip.

Ilang sandali ay agad akong napalingon sa tabi ko ng may kung sinong umupo dito. Si McZinn lang pala. Tahimik lang ito at salubong ang dalawang makapal na kilay habang deretsyong nakatingin sa harapan. Anong nangyari dito at bigla nag iba ang mood?

“Oy.” Mahina kong pagtawag dito at bahagya pang hinawakan ang kamay niya. Tumingin siya sa kamay namin bago tumingin sa mukha ko. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon n’ya at blako lamang akong tingnan.

Ilang sandali ay medyo napaatras ako dahil sa gulat ng bigla nitong hawakan at bahagyang hilahin palapit sa kanya ang kamay ko, napalunok din ako dahil sa tingin niya.

Alam kong pansin niya ang reaksyon ko dahil bahagya ng nagbago ang ekspresyon nito.

Awkward siyang ngumiti at nag iwas ng tingin habang hawak parin niya ang kamay ko.

Bahagya akong lumapit dito at ipinatong ang isa pang kamay sa magkahawak naming mga kamay.

Lumingon ito sa akin at sa mga kamay namin na nakapatong sa thigh niya. Ngumiti ako sa kanya at masuyong iniayos ang pagkakaupo bago isandal sa balikat niya ang ulo ko.

“Hoy Isa! Pag kami nilanggam dito ha.” Malakas at agaw atensyong ani Yves. Hindi namin siya pinansin, ramdam ko din ang tingin ng iba, nandito din sina Josh at kuya Carlos na busy sa pakikipag usap sa ibang kasama ni Josh, kaya't ipinagsawalang bahala na lang namin ang mga ito.

Wala namang masama sa ginagawa namin, diba?

Ilang sandali ay sa wakas nahsitigil na din sina Yves sa pang aasar at ngayon ay busy na sa pag selfie at pag picture sa sunset, habang kaming dalawa ni McZinn ay nasa kaparehong posisyon parin habang tahimik na pinapanood ang sunset.

Third person's POV
Samantala habang payapa ang dalawang dalaga sa presensya ng isa't isa ay hindi nila napapansin ang dalawang pares ng mga mata na mula sa dalawang magkaibang taong lihim na nakamasid sa kanila.

“Hindi pwede ‘to, McZinn. You don't deserve her. Alam ko kung gaano ka kagago. Siya ang pinaka mamahal ko kaya hindi ako papayag na mapapunta siya sayo.”—perosn1

“Papansin ka talaga kahit kelan. Mang aagaw ka simula pagkabata, lahat na lang inagaw mo saken, pero ngayon hindi na ako makakapayag na tuluyan mong maagaw saken ang babaeng mahal ko. Magkamatay man tayo. Hindi ako muling magpaparya sayo.”—person2

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon