ONESHOT

206 10 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
____________________________________________

"Are you happy, uyab?" nakangiting tanong ko kay Callie habang yakap yakap namin ang isa't isa.

"Sobra." sabay halik niya sa sintido ko.

Natigil kami nang may biglang tumawag sa pangalan ni Callie.

"Callie." nagulat ako sa biglang paghiwalay sa yakap ni Callie.

"Journee?"

Journee? Siya si Journee?

Si Journee ay Childhood Bestfriend ni Callie.

At siya ang gusto ng mga kaibigan at pamilya ni Callie para sa kanya.

Niyakap siya agad ni Callie.

Mahigpit na yakap.

Hindi ko naman masisisi dahil ang tagal nila hindi nagkita simula nung mag aral sa States si Journee.

Pero hindi pa rin maiiwasan na hindi ako makaramdam ng selos.

"Kumusta? Kailan ka pa nakabalik?" kita sa mukha ni Callie kung gaano siya kasaya na makita ulit ang kababata niya.

"I'm good. Kanina lang kami nakabalik and ikaw agad ang una kong gustong puntahan." sambit ni Journee.

Niyakap siya ulit ni Callie. "Namiss kita sobra."

"Namiss din kita." yakap din ni Journee sa kanya.

Napatingin sa akin si Journee. "Who is she?" tanong niya kay Callie.

Lumingon naman si Callie sa akin at lumapit. "Si Mireia, kaibigan ko." pakilala niya sa akin kay Journee.

Masakit para sa akin 'yon pero alam kong gusto lang ako protektahan ni Callie.

Lumapit si Journee sa akin. Inilahad niya ang kamay niya. "Hi, I'm Journee, Callie's Childhood bestfriend."

Tinanggap ko ang kamay niya. "Mireia." tipid na pakilala ko.

Pinauna na akong umuwi ni Callie dahil ininvite siya ni Journee na magdinner sa bahay nila with her family.

Kahit ipinakilala na ako ni Callie sa family and friends niya bilang kaibigan ay nararamdaman ko pa rin na ayaw nila sa akin.

Masakit pero pinipilit ko na lang maging okay dahil mahal ko si Callie.

Ilang araw na ang lumipas at panay gala pa rin silang dalawa.

Naiintindihan ko dahil ngayon lang ulit sila nagkita. Pero hindi pa rin maalis sa akin na isipin na baka may maging something lalo na gustong gusto si Journee ng pamilya at friends ni Callie.

"Uyy, okay ka lang?" si Sienna nang makita akong nakatulala.

"Huh? Oo."

"Nag ooverthink ka na ba?" biglang tanong niya.

"Hindi ko maiwasan."

"Bakit hindi mo sabihin kay Callie yung nasa isip mo?"

Umiling ako. "Ayaw kong pag awayin namin si Journee."

"Pag awayin? Sasabihin mo lang naman yung gumugulo sa isip mo. Walang mali ron, Reia. Girlfriend ka at may karapatan ka." aniya.

"May tiwala ako kay Callie, Sienna."

"Well, sana nga hindi matukso 'yan sa panunukso ng mga kaibigan at family niya kay Journee."

"Anong ibig mong sabihin?"

A Second Chance at HappinessWhere stories live. Discover now