Prologue

3 0 0
                                    

Staring blankly at the places we past by is what i do the whole ride.

Lulan ako nang kotse at nakaupo sa passenger seat while my dad is the driver tahimik kami pareho.

Huminto ang sasakyan sa tapat nang brown gate nang isang hindi kalakihang bahay.  Bumusina si dad at may matandang lalaki naman ang lumabas duon at pinagbuksan kami ng saradong gate.

Pinasok ni dad ang kotse sa loob. At paglabas ko pa lang ay sumalubong na saakin ang presko at malamig na hangin malapit na rin kasing gumabi.

"Magandang hapon po sir Albert at maam" salubong nang matandang lalaki sa amin binati naman ito pabalik ni dad.

Hindi ko ito binigyan pansin, narinig ko naman ang paghingi ni dad nang tawad sa inasal ko sa matanda.

Kinuha ko nalang ang gamit ko sa sasakyan, tinulungan naman ako ni dad at tinuro kung saan ang magiging kwarto ko.

Pagpasok sa kwarto ko ay nilibot ko agad ang tingin sa buong bagong
silid ko. Hindi na din masama dahil malaki naman ang space. Halatang bagong linis ang buong lugar at talagang inalagaan. Kulay puti ang pintura nang pader, may medium size na kama, may isang pink na sofa na halatang bagong bili at may study table sa tapat nang bukas na bintana at ang kurtina na kulay brown ay sumasayaw sa hangin may isang aparador din.

Pinalapag ko nalang ang mga gamit ko sa lapag.

Nang marinig ko ang pag-alis ni dad ay naglakad ako patungo sa kama at ibinagsak ang katawan  sa malambot na kama at tumitig sa kisame. Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko narinig ang pagpasok muli ni dad sa kwarto ko.

Nagulat nalang ako nang magsalita ito "Nagustuhan mo ba ang bagong kwarto mo?" Marahang tanong nito sakin.

Hindi ko naman minulat ang mata ko para ito'y tignan bagama't sumagot ako habang nakapikir parin. "Okay naman."

"Mabuti naman kung ganon." Ramdam ko ang pilit nitong pagpapasaya sa boses nito pero dahil alam kong makaramdam ay alam kung pilit iyon. "Kakain na nga pala."
Eek
"Mmm, busog pa ko dad at gusto ko nalang munang magpahinga." Pinikit ko ang mata ko dahil wala akong ganang kumain at gusto nalang matulog at mamahinga.

"Ganon ba nak, kung gutom ka andun sa ref ang pagkain initin mo nalang. Sige at magpahinga  ka na at may pasok ka na pala bukas." Paalala nito sakin bago umalis ay hinaplos muna ang buhok ko.

Nang mafamdaman ko ang pag-alis ni dad  ay siyaka ko minulat ang mata at tumulala ulit sa kisame hanggang sa tangayin nang antok.

KINAUMAGAN ay maaga akong nagising. Nadatnan ko si dad sa may kusina na nagluluto.

Nang makita ako ay hinagkan ako saglit sa ulo at hinalikan sa noo.

"Mag breakfast ka muna bago umalis." Tumango ako at umupo habang si dad naman ay naglagay nang plate at spoon and fork sa harapan ko.

Ang nakahain para sa almusal toasted bread, egg, ham, bacon, at gulay.

Sinabayan naman ako ni dad na kumain at pinaalalahanan na wag magpapagutom.

Tumango na lamang ako.

-----

PAG pasok ko sa eskwelahang papasokan ko ay may ilang napapatingin sa akin dahil siguro naka civilian ako. Wala pa kasi ang uniform ko.

Alam ko na ang magiging schedule ko pero ang room ko ay hindi pa kaya napagpasyahan ko itong hanapin na.

Pag tapat ko sa room 22 kung nasaan ang room ko ay maingay ang loob pero pag pasok ko ay medyo natahimik sila. Hindi ko pinansin iyon at nilibot ko nalang ang tingin ko at tiningnan kong saan pwedeng may maupuan. Banda sa likuran ko napiling umupo.

EnnuiWhere stories live. Discover now