Sierra's pov
Today is the day, nagpromise si Valentino na ngayung araw na daw siya papasok sa school namin, kaya exited na ako. Maaga akong pumasok para sana makapagkita kami ni Valentino bago kami pumasok sa mga room namin, but sabi niya baka malate daw siya. Hindi n'ya pa alam room niya sa ngayun, so baka mamayang recess pa kaming magkikitang tatlo. Super happy din si Jasper, of course.
Pagtingin ko sa bintana nakita kong papasok palang ang ABCD boy's sa room nila, syempre naka sunod ang mga fans nila sa kanila kaya napangiwi ako, tsk.
Sobrang sikat ba talaga nila?
Napansin ko iba ang room ng kabilang section, walang bintana at need pang may card para makapasok, alam ko namang school 'to ng mayayaman but feeling ko iba kase yung treatment sa kabilang room, siguro sila yung pinaka mayaman sa school na ito?
tsk mayaman din kaya ako, Hindi ba nila kilala ang apelido ko?
Bigla kong naalala na sinabi ko nga pala kay Dad na ayokong maging kaklase yung big bro ko kaya kung maaari sa ibang section n'ya ako ilagay, well siguro mas mabuti na ito.
Toktoktok!
Napatingin kaming lahat sa pintuan, pumasok ang isang teacher, at napa-smirk ako nang kasunod nito si Valentino.
"Nandito na ba yung hinahanap mo? Take a look, Mr. V" saad ng teacher na 'yon kay Valentino.
Nilibot ni Valentino ang mata niya sa buong klase at nakita na n'ya ako, enerapan ko ito.
"Yes." Tipid na sagot nito.
"Finally, Mr. V!" masayang sabi ng teacher.
"Thank you for assisting me; I'll give you a bonus a later" Kalmadong saad nito.
"Thank you very much Mr. V, ma-una na ako" saad nito at lumabas na ng room.
Pagkaalis ng teacher na nag-assist kay Valentino ay binalot ng bulong-bulongan ang buong class room dahil kay Valentino hindi n'ya ito pinansin at alam kong natutuwa pa siya dahil pinag-uusapan siya.
Naglakad ito pa pumunta sa akin, pagkatapat niya sa akin ay enerapan ko ito at nagflip ako ng buhok. Nakita kong na pa ngisi siya.
"Umalis ka nga dito sumasakit yung mata ko" biro ko na parang hindi ako sabik kaninang makita siya, umarte pa akong sumasakit nga ang mata ko.
"Sasakit talaga yan sa hand...some...ness ko" sabay kindat nito.
Ew, yuckieee.
"Tabi tayo" sabi nito.
"Wala nang space dito, doon ka nalang sa likod" sabay turo ko doon sa nag-iisang space sa likod.
"Hey" Valentino said.
Napatingin ako sa katabi ko dahil tumapat sa kan'ya si Valentino, sa pagkakaalam ko wala naman siyang kakilala sa school na ito bukod sa kapatid ko at si Jasper.
All of my friends, si Valentino lang ang nakakita na sa mukha ng kapatid ko and the rest? Ang alam lang nila ay may kapatid akong lalaki at kung tatanongin nyo kung paano nakita at nalaman ni Valentino na magkapatid kami ng Kuya ko ay 'yon yung nahuli niya kaming nag-uusap sa likod ng school noon.
"I want to sit here, here's 10k, can you sit at the back?" Alok ni Valentino sabay labas ng 10k at patong sa desk ng lalaki kong kaklase, tinignan ito ng lalaki at napangisi.
Alam kong tatanggapin ng lalaki ang pera kase narinig kong kinuha ng dad niya ang credit card niya, so need niya ng cash para sa mga luho niya.
"My pleasure" saad ng kaklase namin at kinuha ang pera na nasa desk, umupo ito sa likod.

BINABASA MO ANG
The Main Queen
RomanceVianna Seirra Evreux •Kilala siya bilang masungit at mataray which is totoo, may 7boy's siyang kaibigan at lahat sila ay siya ang priority like a QUEEN. Bukod sa 7 niyang kaibigan ay wala na siyang naging kaibigan dahil nga mahirap makuha ang loob...