a/n: those first words na naka-all caps at the beginning ng sentence ay palatandaan na umpisa na or umpisa ng next scenario na, thank you.-
GALILEA's
BATA pa lamang ako istrikto na sa akin ang mga magulang ko, hindi ko rin naman sila masisisi dahil only child lang ako at malamang sa malamang, overprotective sila dahil sa mga nababalitaan nila kung saan saan na maagang nakapag-asawa, maagang nabuntis at mga nananakaw na mga bata. Naiintindihan ko lahat yun noon pa na bata pa ako dahil inilalagay ko ang sarili ko sa kanilang sapatos, panis tagalog. Naiintindihan kong overprotective sila sa akin dahil kahit ako rin naman siguro kung magiging isang magulang ay poprotektahan ko rin sa anumang harm ang mga junakis ko. Hindi naman ako tanga na hahayaan ang anak ko na madisgrasya, pagsamantalahan, apihin at tarantaduhin lang ng kung sino sino.
Pero hindi ko rin malaman bakit ako lumaking ganito, going to club and partying for straight 5 fucking days in a week after class. Hindi lang ako nagpaparty kapag weekends dahil dun ko ginagawa ang assignments and projects ko. Siguro dahil ayoko lang umuwi sa bahay dahil palaging may sigawan doon, yes, palaging nag-aaway ang parents ko, sigawan dito sigawan doon, nakakarindi sobra.
Bakit nga ba sila nag-aaway? dahil lang naman sa akin. Elementary palang ako pinepressure na nila ako sa academics, ang hirap kasi may mga magulang kang mataas ang expectations sayo. Expecting you to have 95+ grades kada kuhaan ng cards? Expecting you to bring them lots of certificates? Expecting you to be always top 1 on class? Expecting you to ranked higher sa school nyo, that's fucking hard. Hindi ko nga alam kung may natututunan pa ba ako sa lahat ng napag-aralan ko, ang ginagawa ko nalang ata pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan. Hindi naman ako ganoon katalino, hindi naman ako katulad ni einstein, hindi naman ako robot.
Nung nag-junior high ako natutong sumuway sakanila, ginagawa kasi nila akong preso, you know, girls just want to have fun, that's all.
May mga kaklase ako noong mga lalaki na nagiging kaibigan ko or di kaya sunud sunuran ang iba sa akin, eh kasi maganda ako at magpasahang ngayong senior high 2nd year na ako. Sakanila ako natutong mag-club at lokohin ang iba sa edad ko. After class ko yun ginagawa at talagang late na ako kung umuwi sa bahay kaya dun din nagstart ang pagsumbat ng mga bagay na ginawa sa akin ng mga magulang ko, naiintindihan ko yun, kaya kahit ganun ang mga pinaggagagawa ko kada pagtapos ng eskwela ay ipinagpapaliban ko muna ang pagpunta sa club tuwing araw ng sabado at linggo, dahil dun ko ginagawa ang mga gawain ko sa eskwelahan. Hindi naman ako nawawala sa top at with honors dahil inilalaan ko talaga ang oras ko kapag nasa loob na ako ng kwarto ko. I am a bad girl but still a good girl ano.
Iniready ko na ang mga gamit ko at ang susuotin kong dress na pang party mamaya after ng class ko. Hindi ko alam kung nasanay lang talaga ako sa loob ng club at gusto ko magparty o dahil ayoko lang makita ang parents ko at magsalita nanaman ng kung ano ano sa akin.
Bumaba na ako at agarang lumabas ng bahay. Naghintay ng taxi at sumakay. Ganito lang palagi araw araw, walang bago. Skipping breakfast, dali daling paglabas sa bahay at paghahanap ng taxi huwag ko lang makasalubong ang parents ko. Nasanay nalang ako magtago sakanila, pero they are still giving me my baon, not actually directly, kasi ibinibigay nila iyon kay manang naomi, one of the old maids sa bahay na mas itinuring kong ina kaysa kay mommy. Siya ang nakatokang magbigay sa akin ng baon kong money every week dahil sila mommy at daddy ay nasa trabadadu nila, at miminsan lang sila nasa bahay pero kailangan ko pa ring magmadali dahil hindi ko alam kung kailan sila nandyan o wala.
Nakasakay na ako ng taxi at nasabi ko na rin sa driver ang destinasyon ng paaralan ko.
Maya maya lamang ay may nakita akong nagsusuntukan sa kalye, maraming tao ngunit walang pumipigil sa kanila, anak naman ng teteng.
"Kuya kuya can we stop saglit? Don't worry magbabayad ako, may pipigilan lang ako!" Dali dali akong bumaba dahil saktong traffic.
Pumunta ako sa dalawang lalaking nagsusuntukan, sanay na ako sa ganito, lagi akong nakakakita ng suntukan sa club eh, madalas akong malapit sa mga nagsusuntukang iyon kaya napipigilan ko, pero ngayon kahit malayo ako tatakbuhin ko para lang may katahimikan.
Ano ba naman kasi tong mga tao na to, ang dami dami nila ayaw umawat, nakita ko pang may mga malalaking katawan pero nasa malayo lang at tuwang tuwa pa. Dahil nagmamarunong ako at nabobother ako hindi na ako nag-atubili pa at tinakbo ko na sila at inawat.
"ANO BA KAYO??? KUNG MAGSUSUNTUKAN KAYO WAG DITO WALANG PIPIGIL SA INYO DITO WALANG PAKE MGA TAO!" sigaw ko sakanila. "Aba buti nalang at napatigil ako rito at pinuntahan kayo, kung hindi ay baka nagkapatayan na kayo!!" dagdag ko pa.
Agad kong narinig ang reklamo ng mga tao, kingina nila sila pa ang galit! ako na nga ang nagmamarunong at nagmamabuting loob tumulong sa dalawang gwapo na 'to!
"CUTTTTTT!!!! CUT! CUT! CUT!" galit na sigaw ng isang ginoo na lumabas sa isang tent. Huh? saan galing yung tent? wala ako nakitang ganon kanina ah.
"Sino ba tong babae na to?! Hindi niya ba alam na may shooting dito?!!" sigaw niya.
ha?
>.> o.0 <.<
GUY 1 AKO GUY 2tangina.