LEL XXXV

0 0 0
                                    

LEL XXXV

Ilang minuto nang matapos kaming manood and we're currently heading back. Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Nathan while he's driving.

“How are you? Did you enjoy?” napalingon ako kay Nathan na nakangiting nagd-drive.

“Yeah, alam mo ba? Pagdating ko ro'n, yung mukha ni Ara HAHAHAHA ang lt! Nakabusangotpagkukwento ko sa kaniya at tumawa nang tumawa.

Nakisabay naman siya at nakinig sa mga kwento ko hanggang sa makarating na kami rito sa may kanto.

“Sasama ka ba?” I asked.

“Yeah, I'll go and greet tita and tito and then leave. May aasikasuhin pa kasi ako later sa company na naghire sa'kin.”

Tumango-tango naman ako sa kaniya at hindi na siya sinagot pa. Busy na busy siya, nakaraan pang linggo, marami raw kasi siyang projects na nakatambak sa kaniya. Pero kahit gano'n, kumukuha pa rin siya ng time para makapag-usap at makasama ako. Sabi ko naman sa kaniya magfocus muna siya ro'n at tapusin iyon, ayos lang naman kasi ako. Hindi naman ako mawawala eh, ang kaso ay ayaw niya, gusto niya raw akong kasama. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

Magagawa ko diba? Alangang pilitin ko siya eh gusto ko rin naman siyang kasama.


Papunta pa lang kami sa bahay ngunit napansin kong maraming tao ang nasa labas at parang may pinag-u-usyosohan kaya naman naglakad ako nang mabilis. Wala pa man kami ro'n sa bahay ay naririnig ko na ang boses ni mama at ang boses ng mga tita ko.

“BAKIT NIYO BA PINAGGUGULUHAN 'YANG LUPANG 'YAN?!”

“HA! KUNG MAKAREKLAMO KASI ANG ISANG 'TO AKALA MO MAY KARAPATAN SIYA SA BAHAY NI NANAY!”

“TALAGA! DAHIL AKO ANG NAGPAGAWA NG BAHAY NA 'YAN! TAPOS IBEBENTA NIYO NA LANG NANG BASTA-BASTA?! ABA NAMAN!? SAYANG ANG PERANG GINASTOS KO PARA LANG MAPAAYOS 'YANG LINTEK NA BAHAY NA 'YAN!”

“EDI SANA HINDI MO PINAAYOS! TAPOS NGAYON MANGHIHINAYANG KA?! PUTANGINA, HINDI NAMAN NAMIN SINABING IPAGAWA MO 'YAN!”

Lupa na naman..

Bahay ni lola ang pinag-aawayan nila. Pumanaw na si lola at ngayon ay hindi pa rin maresolba ang problema nila sa bahay ni lola, sa lupa ni lola.

Lumapit ako ro'n at nakita si mama na nakikiawat sa tatlo kong tita. Si Kuya nama'y nakaabang lang kung sakaling may magkasakitan, ganoon din ang Daddy at ang mga pinsan ko.

Nakita ko ang tito ko na nasa bahay ni lola, kasama ba siya sa away?

Napatingin ako kay Nathan at medyo nagulat ako nang nakatingin ito nang deretso sa akin. Nag-aalala siya sa posibleng mangyari.

Ahm Nathan.. I'm sorry ha? Mukhang wrong timing pagpunta mo.. siguro mauna ka na? Hehe pasensya ka na” nahihiya kong sabi sa kaniya at pilit na ngumiti.

“Are you sure?”

“Hmm” ngumiti ako para sabihing okay lang ako.

Luna et Lux (HIATUS)Where stories live. Discover now