Chapter 6

263 7 0
                                    

"Bakit ba parang ang lalim-lalim ng iniisip mo?"

"Ha?"

"Kanina ko pa napupuna. If you are thinking about last night, I'm sorry, I've been such a jerk. In a way tama ka, kasi masyado nang lumalaki ang ulo ni Rain. Pero ano ba naman ang magagawa ko? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, siya pa ang itinitibok nito." Itinuro ng binata ang dibdib.

Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya na para bang sinasalamin ang magiging damdamin niya. Nasaktan si Rose Ann ngunit nanatiling naka-plaster sa mga labi ang isang pekeng ngiti.

"'Buti ka pa, Rose Ann, hindi ka pa nai-in love."

"Paano mo namang nasabi 'yan?" Umakto siyang kumukuha ng tortilla chips para hindi nito makita ang tunay niyang nararamdaman.

"Don't tell me, may nagugustuhan ka."

Sapanting niya, para bang napakaimposibleng mangyari noon. Iyon ang pahiwatig ni James sa kanya.

"Bakit naman?"

Tumawa si James. "Girls are very much different from us guys. Pero iba ka. Nakaka-blend ka namin without hurting our ego na baka effeminate na kami."

"You want to say I'm one of the guys. Ganoon ba?"

"Oo. Tama ka. You're just like one of us."

Ang sakit namang pakinggan. Kasalanan ba niya kung hindi siya kasing-appeal ni Larraine? Kasalanan ba niya kung ipinanganak siyang walang kaartehan sa katawan?

"Did I say something wrong?" Mabilis na naramdaman ni James ang kanyang uneasiness ngunit hindi niya iyon ipapakita nang ganoon na lang.

"Nothing! Totoo naman iyong sinabi mo. I am definitely one of the guys." Nagboses-lalaki pa siya.

"Right!" sang-ayon naman ng binata na ang akala ay talagang natutuwa siya.

Mayamaya'y natigilan ito nang may maalala.

"How about Gary?"

"What about him?"

"I pity the guy, you know..."

Lumabi siya. "Bakit naman?"

"Naaawa kasi ako sa kanya, wala naman siyang aasahan sa iyo."

"Enough of that nonsense. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na walang gusto sa akin si Gary?"

"What will it take to convince you na may gusto sa iyo yung tao?"

"I know him, James. Samantalang ikaw, isang beses mo lang siyang nakita," salungat niya sa sinasabi nito.

"So what? Lalaki rin ako, Rose Ann; kaya alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang lalaking tulad ko."

"So, assuming na may gusto nga siya sa akin, that doesn't necessarily mean I can't go with him just because I don't love him," tukso niya sa kausap. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito.

"You mean, sasama kang makipag-date sa kanya?"

"Oo. Bakit hindi?"

"You can't be serious. It's too dangerous to go out with a man you don't really love."

"Sobra ka naman. Date lang, dangerous na agad."

"You don't understand how this world works yet, do you? With just one date, lalo na sa tulad mong inosente pa sa passion, it can ruin your whole life."

"Well, I won't let the passion interfere with my life that way. I'm all grown up and mature. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko sa kalakaran ng mundo," pagkikibit niya ng balikat.

Mahal Kita Kaibigan - Daisy Lou GonzalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon