7 ִִֶֶָָ࣪☾. narration

68 10 0
                                    

Zephanie Lynn

Bawat patak ng ulan ay sinasalo ko sa aking kaliwang palad habang
Pinapanood ang kapaligiran.

Ang mga students na mga walang payong na nasa labas ay mga nagsisitakbuhan dahil unti-unting lumalakas ang ulan. Ah..rain makes me calm as always.

Naglakad ako sa malapit na staircase at umupo sa dulo. Binuksan ko ang sandwich na dala-dala ko at kumagat doon. Kakatunog lang ng bell kanina kaya break time ngayon at sakto ring umuulan.

While chewing i remembered that i forgot something. I just sighed and was about to stand up when someone patted my head and sat beside me.

"Hula ko may nakalimutan ka 'no?"

Napatingin ako a nagsalita at nakitang si Hayden pala iyon.

"Ba't mo alam?" I glared at him at tinawanan lang ako ng kumag.

"Kase makakalimutin ka?"

"Di wow"

Nakita kong dala niya ang tumbler ko at nilagay sa tabi ko.

"Kawawa tumbler mo. Hindi mo daw priority," halakhak niya.

Narinig ko palang tawa niya, nasamid na'ko sa kinakain ko at kinuha ang tumbler para uminom.

"Manahimik ka nga. Parang makina ng jeep tawa mo."

"Sabi ko nga mananahimik na'ko" sumimangot naman siya.

Maya-maya pagkatapos kong lumunok ng sandwich ay nagsalita ako.

"Wait wala akong watch. Patingin kung anong oras na."

"Huh? Diba may phone ka?"

Napatahimik kaming dalawa ng mga ilang segundo.

"Pocha sira pala phone mo, ha-ha"

"Nakalimutan mo ba o sinadya mo lang?"

"Sinad- nakalimutan ko i swear"

"Bwisit kang kumag ka,"

Piningot ko tenga niya at umungol siya sa sakit.

"Aray! Aray ang sakit ha!"

"Ano uulitin mo pa huh?"

"Hindi na nga! Masakit!"

"Good."

Tumigil ako sa pagpingot sakaniya at hinawakan ko yung wrist niya para tignan yung watch kung anong oras na.

"Malapit na tayong ma late. Tapos na recess." Rinig kong sabi ni Hayden.
"Ayun sila Ma'am Villaroman naglalakad patungo dito oh." Dagdag niya habang tinuturo sila.

Napalingon naman ako sa tinuturo niya at tama nga. Naroon sila Ma'am Villaroman.

"Wag mo ngang ituro! Pagnakita tayo baka kung ano pang gawin niya hoy" ibinaba ko naman ang kamay niya na nakaturo kela ma'am at tumayo.

"Tara na nga"

"Sige sige"

Tumayo ako at naglakad paakyat sa hagdan pero napansin kong nahuli si Hayden.

"Ginagawa mo?"

"Kinuha ko lang tumbler mo. Nakalimutan mo nanaman." Sabi niya sabay taas ng kaniyang kamay kung saan dala niya ang tumbler ko.

"Matanda ka na nga. Makakalimutin ka na kasi."

I glared at him at dire-diretsong umakyat.

"Hoy sandali!" Rinig kong sigaw niya.

"Bahala ka diyan ang ingay mo." Suplada kong sagot at iniwan siya pabalik ng classroom.

"Hintayin mo'ko!"

I Got A Wrong NumberWhere stories live. Discover now