Chapter 23

2 0 0
                                    

Chapter 23

Ilang araw na ang lumipas simula nang magsagutan si mamang at haya, at  hanggang ngayon ay hindi pari  sila nagpapansinan.

Katulad pa rin ng dati ay Madaling araw parin umuuwi si mamang at papang na labis kong ipinag aalala at pinagtataka. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko parin magawang tanungin si mamang, maging si papang rin. Nararamdaman ko ng mga panahong iyo na may hindi tama sa ginagawa nila. Sa kabila nang labis na pag aalala ay Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at pilit na nagbulag bulagan.

Maging si haya ay hindi rin nagsasalita.

Isang gabi nagising ako na wala sa tabi namin si haya, hindi ako nakatulog ng gabing  iyon. Kinaumagahan non ay nakita kung nakaupo si haya sa duyan at malayo ang tingin. Ilang beses akong nagtangkang lapitan si haya at kausapin pero naduduwag ako. Ilang taon ko nang kilala si hqya, kung may gusto siyang sabihin ay sasabihin niya. Kapag pinilit ko kasi siyang magsalita ay baka sigawan niya lang ako.

"Stephanie, tutulong ako sa pagluluto. Mamayang gabi na kayo pumunta sa malaking bahay, isama mo na rin ang mga kapatid mo" Saad ni mamang habang nagsusuklay ng kulot niyqng buhok na hanggang beywang ang haba. Nag polbos muna ito bago umalis ng bahay. Napatingin naman ako kay haya na kinakalkal yung bag ni mamang.

"Haya itigil  mo iyang ginagawa mo" suway ko sa kaniya, isa sa mga pangaral ni mamang na huwag kaming mangingialam ng hindi namin gamit.

"Haya" pinigilan ko siya sa pagkalkal ng hindi niya pinansin ang sinabi ko. Inalis niya ang kamay ko at tinapunan ak9 ng masamang tingin. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya sa ginagawa niya.

Nang sumapit  na ang alas siyete ng gabi ay binihisan ko na si astra at linden at nagtungo sa malaking bahay. Nang makarating kami ay marami na ang tao. Magkasabay ang bisperas at birthday ni lola at naka ugalian narin ng pamilya namin ang magtipon tipon sa malaking bahay para sabay na i celebrate ang birthday ni lola at ang bagong taon.

Sa may kusina kami dumaan pa pasok ng malaking bahay, pero pinagalitan ako ni mamang at pinalabas kami baka raw kasi makita kami nila tita anya sa kusina at pagalitan siya.

Hawak ko sa magkabila kung kamay si linden at astra. Hinila ko sila papuntang kubo na malapit sa bahay ni lola. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa kubo ng matanaw ko si nick na nakaupo katabi si roro, biglang nanikip ang dibdib ko nang makita ko siya. Ilang linggo ko siyang inabangan na dumaan sa classroom. Pero hindi siya dumaan, ilang linggo ko rin sinubukang dumaan sa classroom nila, maging sa kubo na madalas niyang tambayan, subalit hindi ko siya nakita. Kinurap kurap ko ang aking mga mata at pilit na pinigilan ang mga luhang gustong tumulo.

"Steph" tila umikot ang aking paningin ng tawagin ang pangalan ko ni kuya pen at nang unti unting Nagsilingunan ang mga kasama nila sa loob. Nakatayo si kuya pen sa may pintuan at sinesenyan niya akong lumapit, dumako ang tingin ko kay nick na ngayon ay abala sa pagtipa sa selpon niya. Hindi man lamang ito lumingon. Napabaling ang tingin ko kay kuya pen na naglalakad papunta sa direksyon namin, tumalikod ako at nagmamadaling hinila si linden at astra. Ilang beses pa niya akong tinawag ngunit nag dire diretso lang ako sa paglalakad.

"Ate steph"

"Ate steph"halos lakad takbo na ang ginagawa ko. Habang hila hila ko ang dalawa kung kapatid na walang imik na nagpapatianod sa akin. Napatigil lang ako sa sa paglalakad ng may tumama sa ulo ko.

"Bingi ka ba? Kanina pa kami tawag ng tawag sayo" Napalingon ako sa aking likuran kung saan naglalakad si haya at zinya papalapit sa amin. Hinablot ni haya si linden at astra mula sa akin.

"Kanina ka pa pinapahanap ni kuya pen" nakangiting saad ni zin. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang suot ni zin at haya. Pareho silang nakasuot ng dress at nangangaling ngaw rin ang pabango na gamit nila. Amoy candy.

"Tsaka ba't ganyan ang suot mo?" maarteng sabi pa niya. Napatingin namqn ako sa suot kung pulang jogging pants at  puting sando.

"Gosh ate steph, okay ka lang?" Napatingin ako kay haya na nakatingin sa akin at parang direng direng sa hitsura ko. Umiwas ako ng tingin at tinalikuran sila.

"Stephanie Oliva, saan ka pupunta?" narinig ko pang sigaw ni zinya. Hinayaan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto ako sa paglalakad ng napansin kung padililim na ang paligid at h8ndi ko na makita ang dinadaanan ko. hindi ko narin narinig ang  ang boses ni zinya. May kalayuan narin kasi ako sa bahay ni lola.

"Anong ginagawa mo rito?" napatalon ako sa gulat, nang sumulpot sa harap ko si kuya dave. Na hindi ko alqm kung saan galing.  ipinikit ko  ang aking mata nang tumama sa aking mukha ang liwanag ng flashlight na hawak niya.

Si kuya daveriel ang panganay na anak  ni tita salome at kapatid ni zinya. Katulad ni kuya drey at pen ay malaking tao rin si kuya dave.

"Saan k pupunta" Ibinaba niya  ang hawak niyang flash light.

"Uuwi na"

"Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit.

"Hindi pa"

"Hindi ka pala kumakain, halika na samahan kita" Nagsimula ng maglakad si kuya.

"Okay lang sa bahay nalang ako kakain" Tanggi ko kahit pa ang totoo ay wala namang pagkain sa bahay.  Tumigil si kuya sa paglalakad at humarap sa akin

"Steph, Isang beses sa isang taon lang nangyayari ang birthday ni lola, isang beses lang tayo nagtitipun ng ganito tapos ayaw mo pang pumunta"  Natauhan ako sa sinabi ni kuya. Oo nga naman kase bibihira lang kami magtipo tipon ng ganito tapos hindi pa ako dadalo. Dahil lang sa nasasaktan ako.

College na si kuya pen, drey at dave. Maging si ate hazel ay college na rin. Sa masbate city na sila namamalagi dahil doon na sila nag aaral. Minsan lang din sila kung umuwi rito dahil malayo ang masbate.

Katulad nga nang sinabi ni kuya dave ay sinamahan niya akong kumain, nagulat pa si mamang nang magkasama kaming pumasok sa kusina. Abala si mamang sa paghuhugas ng mga pinggan kasama niya naman si tita salome at tita linda ang mama ni romrom na abala rin sa pagluluto.

"Dave, bantayan mo yang si zinya"bulong ni tita salome kay kuya ng lumapit ito sa amin at may dalang coke.

"Bakit?" Takang tanong ni kuya.

"Eh andyan si paris, baka kung anong kagagahan  naman ang gawin ng kapatid mong yan" Natawa naman si kuya dave sa sinabi ni tita salome.  Samantalang takang taka naman ako.

"Paris? As in paris na pinsan ni nick" tanong ko sa kaniya ng makaaalis na si tita salome.

"Yeah, as in nick your suitor"

"Hindi ko siya suitor" mahinang tumawa si kuya dave sa sinabi ko. Tinusok tusok ko yung hatdog. Naiinis ako bakit ba na mention ko pa ang pangalan niya.

"Hey man" Napatingin ako kay kuya.

"Hey"  Nanigas ako sa kinauupuan ko. Nanindig din ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya.

" oh nick kain ka na" napatingin ako kay mamang na ngayon ay nakangiting inaabot ang plato kay nick.

"Salamat po" kumabog ng malakas ang dibdib ko nang hilahin niya ang upaan sa katabi ko at naupo roon.

"How's the game?" Tanong ni kuya dave. Pinilit kung kumain kahit pa ayaw ng tanggapin ng tiyan ko.  nablangko ang isip ko, tanging pagkabog na lang ng dibdib ko ang naririnig ko. Hindi ko na rin narinig na kanina pa pala ako tinatawag ni kuya. Natauhan lang ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Oyy steph okay ka lang ba?ba't ka nanginginig" Nag aalalang tanong ni kuya dave. Tumango ako at tipid na ngumiti.

Nagpatuloy na kami sa pagkain, unti unti naring nawawala ang kabang nararamdaman ko. Nakikinig lang din ako sa pinag uusapan nila, pero may mga pagkakataon na sumasagi yung braso ni nick sa braso ko na ngdudulot ng kilabot sa buo kung katawan. Binalewala ko na lamang iyon at nag patuloy sa pagkain.

When Will You Be MineWhere stories live. Discover now