Chapter 26

6 0 0
                                    

"Please ate steph" Itiniklop ko ang librong hawak ko at tumingin kay zinya na nakadapa sa higaan namin habang nakapangalumbaba.

Kanina niya pa ako kinukulit na ipaalam ko siya kay tita salome na sasama siya sa akin papuntang baylehan mamayang gabi. Nagsimula na ang baylehan sa baryo tuwing sabado, malapit na rin kaseng mag fiesta sa amin.

"Zinya, hindi naman ako pupunta don" Mahinahon kong saad sa kaniya at muling binuklat ang libro. Sa totoo lang hindi ako mahilig pumunta  sa mga baylehan o fiestahan.  Napapikit ako ng hablutin niya ang hawak kong libro.

"Parang awa mo na ate steph samahan mo na ako, hindi ako papayagan ni mama kung ako lang pupunta don mag isa" saad niya habang sinisilid sa loob ng damit niya ang librong binabasa ko.

"Wag ka na lang kaya pumunta" Pang iingganyo ko sa kaniya, sinamaan niya ako ng tingin.

"Dalaga ka ba talaga?" Pang aakusa niya sa akin.

"Please ngayon lang naman ako makakapunta don eh, kase hindi umuwi sila kuya" Pangmamakawa niya pa.

"Okay" pagsuko ko.

"Yehey" bigla siyang tumayo at hinila ako. Nanlaki ang mata ko nang mahulog sa lupa ang libro.

"Sandali lang zin" Binitiwan niya ako, pinulot ko ang libro at ibinalik sa bag. Nagsuot ako ng tsinelas at nauna nang lumabas sa kaniya.

Sabay kaming naglakad papunta sa bahay nila. Naabutan namin si tita salome na naghuhugas ng pinggan, lumingon ako kay zin nang itulak niya ako, nasagi ko ang lamesa nila kaya naglikha uto ng ingay. Lumingon si tita.

"Oh steph, may kailangan ka?"lumingon ako kay zin na ngayon ay nagtatago na sa may kurtina. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay tita. Sinenyasan niya ako , nangunot ang noo ko kase hindi ko naman mintindihan. Napairap si zin sa hangin.

"Steph" Naabaling ang tingin ko kay tita na nagpupnas na ng lamesa.

"Ahmm tita pwede ko bang isama si zin sa baylehan mamaya?" Nahihiya kong saad.  Nangunot ang noo ni tita. Huminto siya sa pagpunas at nagtungo sa lababo

"Magbabayle ka na?" Tanong nito. Kumabog ang dibdib ko, sana hindi siya pumayag. Ayoko talagang pumunta don. Boring kaya.

"Opo" walang pag aalinlangan kong sagot, pero ang totoo ay hinihiling ko na hindi siya pumayag.

"Okay, basta wag mong pababayaan yan" saad niya habang nagpupunas siya ng lababo. Nagpaalam na ako kay tita at nanlulumong lumabas ng bahay nila, samantalang tumatalon talon naman sa tuwa si zinya habang nakasunod sa akin.

***

Nang sumapit ang alas siyete ng gabi ay nagbihis na ako ng pambahay, kaya lang nung makita ni zinya ang suot ko ay nagalit siya at umalis. Hindi naman ako magsasayaw don ah. Sasamahan ko lang naman siya. Ba't siya nagalit. Malalim akong napabuntong hininga at  Kinalkal ang karton na kung saan  pinalalagyan ko ng maayos na damit. Inilabas at tiningnan ko paisa isa ang mga damit. Naubos ko na itong mailabas at matingnan ay wala parin akong mahanap na pwede kong suutin sa baylehan puro mga dress ang andon na galing lang naman kay zinya at ate hazel.

"Ate" Napatigil ako sa ginagawa ko ng pumasok si haya sa kwarto. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng pantalon at blue na tshirt.

"Aalis na ba tayo?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Tayo?" Umirap si haya at lumabas ng kwarto. Habang ako ay naguguluhan parin sa kung ano ang susuutin ko. Maya maya pa ay si zin naman ang pumasok sa kwarto na may mga dalang damit.

"Pili ka"saad niya. Inilapag niya sa katre ang mga damit na dala niya at nakapameywang na humarap sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay -kahit wala naman siyang kilay, ng hindi ako gumalaw.

When Will You Be MineWhere stories live. Discover now