10 ִִֶֶָָ࣪☾. narration

63 10 0
                                    

Zephanie Lynn

Kinabukasan pagkapasok sa classroom ay ibinaba ko sa upuan ko ang bag ko at pinuntahan ko kaagad yung nakayuko sa desk niya.

"psst"

Nakayuko pa rin.

"Hayden?"

"Huy"

Tinapik ko balikat niya at maya-maya pa ay umayos na siya ng upo at tumingala sa akin.

"Oh?"

"Envelope ko na saan na?" Tanong ko sabay lahad ng kamay.

"Luh, naiwan ko yata sa bahay."

"Subukan mo lang-"

"Just kidding. Eto na oh. Happy?"

Inabot niya agad sa akin ang envelope bago ko pa siya makaltukan.

"Pasalamat ka at nakita ko sa library dahil kung hindi tsk tsk tsk."

"Naging butiki pa pero thanks."

"Butiki talaga? Grabe ha." Dramatic niyang nilagay ang kamay niya sa dibdib at umaktong nasaktan.

I Got A Wrong NumberWhere stories live. Discover now