15 ִִֶֶָָ࣪☾. narration

61 10 0
                                    

Sep. 10 | 9:30am

Zephanie Lynn

Mula kahapon ko pa chinachat si Scarlett pero hindi pa rin nagrereply.
Anong nangyayari sa babaeng iyon?

Matanong nga mamayang break time.

Nang makarating ako sa canteen ay nag order muna ako ng fries, bread, at kumuha ako sa cooler fridge ng smart c calamansi bago pumunta sa usual spot na'min ni Scarlett para magtambay.

Makalipas ang ilang minuto ay naubos ko na ang fries at bread pero wala parin siya. Napagdesisyonan ko na puntahan ang section niya para sakaling makita siya.

Pagkarating ko ay tinanong ko ang isa sa mga classmate niya.

"Hello, nandyan ba si Scarlett?" Tanong ko.

"Ma'am Belza called her para magpatulong."

"Ganun ba? Thank you."

Akmang aalis na'ko ng magsalita ulit yung lalaki.

"Wait. Are you Zephanie?"

Ha?

Bakit parang narinig ko yata ang pangalan ko?

Mukhang ako nga dahil wala ng iba sa hallway. Napakurap muna ako ng ilang beses bago sumagot.

"Ah oo ako nga, bakit?"

"Just asking." Sagot ng lalaki at ngumisi.

"Okay bye"

Sino naman yun?

I Got A Wrong NumberWhere stories live. Discover now