18 ִִֶֶָָ࣪☾. narration

61 10 0
                                    


Napasinghap ako sa gulat at muntik pang tumama sa akin ang phone ko dahil nakahiga ako ngayon habang hawak ang cp.


Hala gag-


Napa-upo ako sa higaan at dali-daling sinuot ang indoor slippers ko para pumunta sa kwarto para hiramin ang phone ni mama.


"Ma!" Sabi ko sabay katok sa pinto.


Nagulat ako ng biglang bukas ni mama habang naiwan ang kamay ko na kumakatok pa rin.


"Ano nanaman 'yon, Zephanie?"


"Pahiram ulit ng phone, Ma, hehe"
Napakamot ako sa batok.


"Aray ko po!" Pinitik niya ako sa noo bago bumalik sa loob ng kwarto para kunin ang phone.


"At ano naman ang gagawin mo, Babaita?" Sabi ni mama. "Hindi ba't may phone ka na?" Dagdag niya pa.


"Idodouble check ko lang po yung number ni Scarlett. Sa phone mo po kase nakalagay."


Pagkatapos kong kunin ang phone ni mama ay inopen ko kaagad para pumunta sa messages at tinignan muli ang number.

09**********

Kinuha ko galing sa bulsa ng short ko ang phone ko para ipagkumpara ang dalawang number.

09**********

09**********


Kinusot ko ulit ang aking mga mata para tignan iyon ng maigi

Gag-

MALI NGA AKO NG PAGTYPE.

Paano na'to. Nakakahiya ka Zephanie!

I Got A Wrong NumberWhere stories live. Discover now