Prologue

45 4 7
                                    

"Benjamin! Bangon na!"

Mabilis akong napabangon dahil sa sigaw ni mama. Umagang umaga umalingawngaw agad ang boses niya. Nang tignan ko ang oras 7:15 am na. Mabilis akong kumilos para maligo at magbihis. 8 am start ng klase ko, nakalimutan kong i-on yung alarm kagabi sa sobrang kaba ko. Halos hindi na nga ako makatulog.

I am wearing a white long sleeves polo na pinaresan ko ng beige v-neck sweater vest, khaki pants, and white sneakers. First day of school ko ngayon as a college student. I am really nervous, new school means new environment. Mas double ang kaba kase baguhan lang din kami dito sa El Dulce. Inisip ko nga kagabi na kung wala akong magiging kaibigan, magiging cold mysterious person na lang ako, kaso naalala ko masyado palang pasmado bibig ko para dun. 

"Bing, okay na ba mga gamit mo? Nasa may TV yung allowance mo ha, pang isang linggo na yon." sabi ni Mama pagkababa ko. Tumango ako at nagpasalamat pagkatapos ay nagtungo sa kusina para mag almusal. Nang paalis na ako, nakita ko si Papa na papasok pa lang sa kusina. Halatang kakagising lang din nito.

"Oh, aalis ka na, Bing?" tanong niya na humihikab pa.

"Opo, Pa. Baka malate pa ako." Nagpaalam ulit ako sa kanila at halos patakbo ako sa paradahan ng Jeep na hindi naman kalayuan samin. 20 minutes din ang layo ng University mula sa bahay namin kaya napangiti ako ng 7:45 am nakarating na ako sa University. Nang makapasok ako agad kong tinungo ang room ko para sa first subject ko. Nasa 4th floor ito kaya nag elevator na ako, ilang minuto na lang din kase bago mag 8 am.

I double-checked it first before entering. Nung nakita ko na tama nga ang room number, pumasok agad ako. Sinalubong ako ng malamig na hangin pagbukas ko palang ng pinto. It feels like para akong karne na nasa freezer.

I looked for a vacant seat. I saw some students looking at me. Nasa mga around 20 lang mga students dito. Some of them are friendly with each other, some are busy with their phones and I am part of that some. Paninindigan ko siguro pagiging cold mysterious person.

I was busy reading a manhwa when a guy approached me.

"Hi!" bati niya sakin, umupo siya sa vacant seat na katabi ko. May kasama din siyang dalawang lalaki, yung isa pag tinignan mo palang alam mo na kaagad na tahimik ito. Yung isa namang nakangiti saakin, halata na friendly. Ngumiti ako pabalik sakanila.

"Hello," sabi ko na halos pabulong na. Nahihiya parin ako.

Mahinang natawa yung bumati sakin. "Huy wag ka mahiya. I'm Addie, btw." pagpapakilala niya sakin, pagkatapos ay tinuro niya yung mga kasama niya, "Siya si Ean," yung lalaking mukhang friendly din. "And that's Third." turo niya sa lalaking tahimik lang. Tipid akong ningitian ni Third.

"Benjamin Flores, but you can just call me Bing." pagpapakilala ko. Nagkwentuhan kami nila Addie at Ean minsan din ay sumasabat si Third sa usapan pero mostly tahimik lang siyang nakikinig samin.

I also learned na they are all gay, I mean halata kay Addie at Ean pero nagulat ako nasi Third din pala. These three have soft features, lalo na si Addie its like he came out straight from a BL manhwa. I, myself, is bisexual. I have a lot of ex-flings, and most of them are guys. Nagka-girlfriend din ako once, 2 years din kami nagtagal kaso nag cheat.

"Nga pala, bago ka lang dito?" tanong ni Addie kaya napatingin ako sakanya at tumango. Natahimik din ako kaya nakinig na lang ako sa kanila. To be honest, the last place give me hell, I am hoping that here in El Duce, I'll find peace and it will help me heal from that trauma.

"Huy, Addie! Gaga ka bakit di ka nagchat kay Zen? Nagrant si ate gurl sakin, sasakalin ka daw niya pagdating niya." natatawang sabi ni Ean kay Addie na napangiwi.

Taste of Cherries (EL DULCE #1)Where stories live. Discover now