CHAPTER 1
Cute
It's the third week of the month, and everyone's busy since papalapit na din yung prelims. These past few weeks, I became close with my other blockmates thanks to Addie and Ean, and the circle I have right now is quite big. Marami na din kaming naging kaibigan na girls na nadagdag sa circle.
"May celebration daw sa ancestral house nina Seth, invited daw tayo." sabi ni Ean habang naghahanda na kami pauwi.
Tumingin sakin si Addie ng nakanguso, "Punta ka, Bing, please! Hindi ka sumasama samin sa mga gala, kahit yan lang," aniya.
Nang mag start kase yung klase, bahay and school lang talaga ako. Ayoko muna ng distraction sa pag-aaral, and isa pa kailangan ko rin tulungan sila Mama sa bahay. Kaya pag nagkaaayaan sila, hindi ako sumasama, minsan nga naggu-guilty ako pero wala akong choice, I mean meron pero...
"Uhm kailan ba yan?" tanong ko kahit nagda-dalawang isip pa akong sumama, kailangan ko rin magpaalam pa kay Mama at Papa.
"Next week, Saturday after exam." Nakatingin silang tatlo sakin habang hinihintay yung sagot ko, napressure ako bigla wait lang.
"Sige, ano, paalam muna ako kina Mama at Papa."
"Nice! Sunduin ka namin nila Zen ha, don't forget!"
Pabagsak akong napahiga sa kama habang nakatingin sa kisame. Tama bang pumayag ako? Sa ancestral house nila Seth diba? So nandun siya? Pwedeng wala?
Bumuntong-hininga ako, I don't hate him naman eh. I just find him intimidating. Feel ko rin ayaw niya sakin? Last time kase nung nasa cafeteria kami, tinitigan niya talaga ako, parang hinusgahan buong pagkatao ko. Buti na lang hindi ko siya nakakasalubong sa campus, ayaw ko talaga siyang makita. Sabi naman nila Addie mabait daw yun pero medyo masungit at tahimik nga, hindi na din ako nagulat nung sinabi niya na masungit, obvious naman.
Mabilis ang takbo ng oras at ngayon ay last day na ng exam week. Natapos na din namin yung exam, pagkalabas namin ng room nag bigay agad sila ng kanya-kanyang komento.
"Over naman si Ma'am Jen, ang hirap ng exam sa Accounting. Iiyak talaga ako pag-uwi!" ani ni Riya, isa sa mga blockmates namin na naging close ko rin.
"Gago mali ako sa balance sheet putangina! YUNG 15 POINTS!" naiiyak na sabi ni Addie. Natatawa ako sa reaksyon niya na parang batang nagdadabog.
"Mali din ako sa balance sheet, kulang ng piso! May piso ako dito pwedeng ito na lang ibigay ko kay maam para mabalance yun?" sabi ni Ean kaya natawa kaming lahat. Hindi naman ako masyadong nahirapan, madali mo naman maintindihan yun. Need kase talaga sa Accounting yung analyzation, pag nagets mo na yun maso-solve mo na agad.
"For sure perfect ni Bing yung exam. Hay sana all!"
"Huy, hindi! may mga mali ako dun, di ako sure sa answer ko sa multiple choice."
"Asus! Halos maperfect mo nga yung major sub natin."
"Di na ako magugulat pag nasali si Bing sa Dean's List, talino eh!"
Inasar nila ako ng paulit-ulit kaya tumawa lang din ako. Wala na din ako ine-expect sa Acads, basta hindi lang ako mabagsak sa isang sub, okay na yan sakin. Nag desisyon sila na pumunta ng Cafeteria para mag lunch pero hindi na ako sumama, half day lang din kase kami ngayon kaya kailangan ko umuwi agad. Nang papalabas na ako sa exit, narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako.
"Bing!"
Nakita kong si Noah yun na nakangiting kumakaway samin, kasama niya si Seth na nakatingin na sakin. Ngumiti ako sa kanila at lumapit.
YOU ARE READING
Taste of Cherries (EL DULCE #1)
Teen FictionBL Story! Cherries are sweet, same as your lips.