Prologue

9 2 0
                                    

Prologue:
Nonentity

NAVEEN

I saw a glowing door. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. I was in an empty dark space. May tila humahatak sa akin papunta sa pinto na iyon. I just found myself going near that glowing door. At habang papalapit ako, I saw my own body, slowly becoming a shadow. Nagiging kasing kulay ko na ang espasyong iyon.

My dark, transparent hand extended and trying to reach that glowing door..

Nagising na lamang ako mula sa aking pagtulog. Agad kong sinuri ang kamay ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi ito maitim, hindi rin tumatagos ang liwanag doon.

I heave a sigh.

It's just a dream Naveen. Just a dream..

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Hera. Busy siya sa pag aayos ng make up niya.

Narito kami sa study kiosk. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

"Yeah." I answered while fixing myself.

"A bad dream?" Tanong niya habang pinupunas ang lipstick na lumampas sa kanyang labi.

"A very weird dream." Sagot ko't tiningnan ang wrist watch ko. It's almost 5:30 pm.

The library closes around 6 pm.

We are required to visit the school library for 30 minutes everyday. Kaninang 4:00 pm pa natapos ang klase namin. Magpapahinga lang sana kami saglit sa study kiosk ngunit tila napalalim ang aking idlip.

"Tara na sa lib." Aya ko kay Hera.

"Hindi ba natin hihintayin si Mino?" Tanong niya. Agad akong umiling. I'm still mad at that dude. Ayoko na siyang makita pa.

Tumango naman siya't inayos na din ang gamit.

Saktong 5:30 pm nong mag time in kami ni Hera sa Library.

Pumasok na agad ako. A warm air welcome me. I felt like something soothed my body.

Kumunot ang noo ko't napalingon sa aking likod. Ang mainit na hangin ay tila dumaan lang kasi sakin dahil agad kong naramdaman ang lamig sa loob ng library pagkatapos non.

Hindi ko din alam kung ba't pa ako lumingon. As if naman makikita ko ang hangin?

"What?" Tanong ni Hera na syang nalingunan ko.

"Wala." Iling ko na lamang at dumeretso na nga ng tuluyan.

Naghanap ako ng librong mababasa. Si Hera naman ay nakasunod lang din sakin at naghahanap din.

Medyo nadudulas-dulas pa ang paa ko sa sahig. Paano ba naman kasi, bawal ang sapatos sa loob ng library. Kaya ito kami, naka-medyas lang.

Ang library ng school namin ay ang pinakamatandang building rito. Dito ang may pinakamahigpit na rules sa mismong building na ito.

Luma na ang mga gamit at may ilang mga librong mga antique na rin.

As much as possible, gusto nilang ipreserba ang lahat ng nandito kaya hindi rin gaanong ginagalaw ang structure ng building.

"Ewan ko ba sa kanila, ba't ba tayo nire-require na may 30 minutes allotted time dito." Reklamo ni Hera na kunwari ay binabasa ang librong hawak niya.

Walang mesa dito sa library, wala rin upuan. Talagang sa sahig ka lang pwede magbasa. Ayos lang din dahil nga hindi pwede ang sapatos rito, malinis naman ang sahig na gawa sa kahoy.

Malamig ang aircon sa loob kaya okay lang din naman. Sadyang, masyado na kaming gabi makakauwi dahil almost 6 pm na.

"Nav.. Alam mo ba na may mga nagsasabi na may multo raw dito sa library? Kadalasan, bandang alas sais nagpapakita." Bulong sakin ni Hera.

NonentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon