Chapter 2: Wandering Ghost

12 1 0
                                    

Chapter 2:
Wandering Ghost

NAVEEN

Three Days had passed. I am still roaming inside the library. Wondering on how I could get out of this darn place.

Like a wandering ghost, I keep on thinking if I still have a mission on earth? Kaya di pa ako kinukuha ni San Pedro?

Or siguro dahil di ko pa tanggap na patay na ako? How can I? I don't even know how I died.

Dang. I don't know. All I know is I am just a ball of energy, with eyes only and have no voice at all. Ni hindi ko nga makita ang sarili ko sa salamin o sa kahit anong repleksyon.

Wala akong ibang magawa sa loob ng library kundi magmasid.

I got so bored kaya lumapit ako sa isang nagbabasa. It was the same guy, the first guy I met here. Pansin ko lang, tila mas mamahalin ang kanyang kasuotan kaysa sa ibang mga lalaking narito.

Kulay itim ang buhok niya at maayos ang gupit. He has a dimple on his chin. Almost look like a broken chin. His jawline are sharp. High nose bridge, pointed nose.. thick and dark brows.. and almond shape eyes. Mahaba ang pilikmata niya. He has a great facial features. Kulay brown na mata. Hindi ko maipagkakaila na gwapo siya. He's good looking.

Salubong ang kilay niya habang nagbabasa. Tila galit..

Tiningnan ko ang binabasa niya at patungkol iyon sa isang war.

Is that a history book?

Binasa ko ang nasa pahina kung saan siya nagbabasa.

Ayon doon, nagkaroon ng matinding digmaan sa mga kalapit na kaharian dahil lamang sa kagustuhan na syang maging makapangyarihan. Ang mga Herrera ang siyang nasa pwesto noong mga panahon na iyon sapagkat sila ang pinaka-mayaman at magaling sa pamumuno ng bansa. Ngunit dahil sa kataksilan na ilan pang pamilyang gustong mamuno, pinagkaisahan nila ang mga Herrera hanggang sa humantong ito sa madugong labanan na ikinamatay at ikinabagsak, hindi lang ng mga Herrera kundi maging ng buong bansa.

Ang mga nagnais ng kapangyarihan, bagaman naging matagumpay nilang naalis sa pwesto ang Hari ay hindi nito nagampanan ng maayos ang pamumuno ng bansa. Bumagsak ang ekonomiya, nagutom ang kanyang nasasakupan. Sa huli, nagrebelde ang mga tao. At ng malaman nilang ang bunsong anak na lalaki ng namayapang Hari ay buhay pa, bumuo sila ng hukbo upang mapaalis sa pwesto ang mga taksil na nagnais lamang ng kapangyarihan.

Naging matagumpay ang pag-aklas. Nakabalik sa pwesto at naging Hari ang mga Herrera ng bansa. Hanggang ngayon, ang mga panibagong henerasyon ang naging pinuno at naging payapang muli ang bansa..

That was what written on that page. And what history is this? History book ba ito or fictional book? As far as I remember, that never happened in the Philippines. Walang hari.. walang reyna dito. Even before na colonization, wala.

Nilipat n'ya ang pahina ng aklat. Pinilit kong basahin ang sunod..

"Prinsipe Hendron.. Ika'y pinapatawag ng iyong ama."

Isang lalaking tila heneral ang suot. May espada pang nasa gilid ng kanyang tagiliran.

Now I'm really confused.

Prinsipe?

Itong lalaking ito?

He's a prince?.. wait, Am I still on my own country?

Pero nagtatagalog sila!

I am still in the Philippines! But.. may parte ba sa Pilipinas na may Prinsipe at Princesa? Is this some kind of joke? 'cause it's not funny at all!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NonentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon