Stress

148 8 0
                                    

Alice Pov:
Its already Friday, isang araw nalang bago mag linggo, nakakuha narin ako ang lawyer para sa darating na senate hearing. Until i realize..

Na nawawala ang aking birth certificate...

"Wait... Nasan ang birth certificate ko?! Diba nasa files ko lang yun?! Asan na?!"

Nag papanic ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko, alam kong maraming maitatanong sa akin ang mga senador.

"Bad timing naman oh! Kainis?!!!"

Bigla nalang akong napahawak sa ulo ko, kahit sabihin kong nawawala ay hindi nila ako papaniwalaan.

Hindi ko nanga alam ang gagawin ko, nawala pa ang isa sa mga ebidensya ko na inosente ako.

Binuksan ko ang tv sa opisina ko at biglang bumungad ang news.

"Maraming nag reklamo na mga biktima tungkol sa illegal na negosyo na POGO. Sinusuri pa ang mga buildings ng POGO sa bamban, tarlac at panggasinan. Inaalam narin kung bakit may mga illegal na negosyo sa mga lugar na ito." (Peke lang to ahh, agree nalang kayo for the plot)

"Pogo? Diba pinirmahan ko rin ito? Dahil nanghihingi sila ng permit about sa negosyo nila? So... Illegal to?! Bat hindi ko alam?!"

"Sobrang stress ko nanga about sa senado, tas eto pa bubungad?!"

Tinawag ko ang secretary ko para ipagtimpla ako ng kape. Sa boses ko palang ay alam na nyang galit ako kaya hindi na siya nag tanong.

Sino naman kaya ang hindi magagalit diba? Pinaghinalaan ka kahit wala kang ginagawang mali. Tas may tatay kapang sakim.

Nung dumating na ang kape ko ay humigop agad ako nito. Gutom na ako pero hindi ko magawang kumain. Kailangan kong gumawa ng matibay na ebidensya na wala akong ginagawang masama at ako'y inosente.

Hindi ko man alam kung anong sinabi ng sakim kong tatay sa senado, pero ipag lalaban ko ang sarili ko.

Gusto ko uminom ulit, pero bawal, masakit pa ang pasa na natamo ko nung ako'y nahimatay, at kailangan kong patunayan, mag hanap ng matibay na ebidensya, pero wala, yung birth certificate na ipapakita ko sa senado ay nawala.

Hindi ko mahanap kahit anong hanap ko, tiningnan ko sa mga papeles ko, o baka napahalo sa mga papeles ng bamban? Pero wala. I've been searching for almost 3 and half hours pero wala parin.

Kinda interesting, nagamit kopa yun nung last week.. possible kayang may kumuha? Pero parang wala naman.. sino bang pwedeng pumasok sa bahay ko? Eh yung mga kasambahay ko lang naman doon... Baka may kumuha talaga...
NAGUGULUHAN NA AKOO.

San koba talaga nilagay? Gabi na, its already 7:00 pm. Kailangan ko mahanap yun dahil ayun na din ang isa sa mga ebidensya ko. Sumasakit na ang ulo ko, sobrang sakit, naguguluhan ako "pano ba yan, pano ba to, asan na yun."

"Bukas ko nalang hahanapin, sobrang sakit na nang ulo ko, antok narin ako."

Inayos ko na ang mga papeles na nakakalat sa lamesa ko. Inayos ko narin ang mga gamit ko. Umalis na ako sa opisina ko and then sumakay na sa kotse ko.

Habang nasa byahe iniisip ko lamang ang birth certificate ko, bukas ko nalang hahanapin, sobrang pagod rin ako.

Pagkauwi ay dumaretso agad ako sa kwarto ko at naligo. Wala paring laman ang aking utak kundi ang mga problema ko. Nag bihis na ako pagkatapos ko maligo at bumaba para kumain.

Wala akong sinabi kahit isang letra habang ako'y kumakain. Nanibago rin ang mga kasambahay ko dahil palagi kaming nag kwe-kwentuhan pag nakain. Hindi na lamang sila nag tanong dahil alam nila na galit ako.

Sa pag titig ko palang ay alam na nila. Matagal ko na silang kasambahay, halos mga 3 and half years na. Alam nila ang mga galaw at kilos ko, malungkot man, masaya, o galit.

Pagkatapos ko kumain ay agad akong dumaretso ka kwarto ko at humiga. Tila parang ayaw ko nang umalis sa higaan ko. Bigla naman akong nakatulog wala pang sampung minuto.

___________________________________________

Mamaya po uli next chap or bukas, birth month na ni mami Alicia💗💗
Sana maging best po ang july ninyo.💗
-Author


I will insist.Where stories live. Discover now