Chihiro

7 0 0
                                    

"Aya..." rinig kong tawag niya. Nag kunyari akong hindi ito narinig. Binaba ko ang gamit ko sa table ni nurse dyso saka kinuha ang mga kailangan sa panggamot.

Sa totoo lang, ang awkward ng eksena namin ngayon. Parang kada galaw ng isa kinikilatis ng iba.

I put my gloves on at lumapit na kay Chihiro. Umupo ako sa gilid ng kama kung saan may upuan.

"Higa ka nalang para hindi ka mangalay habang ginagamot kita." tipid na ngiti ang ibinigay ko sakanya. Nasa kaliwang bahagi ng noo niya ang sugat. Mas lalo ko tuloy na feel ang awkward dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Where did you get this from?" tanong ko sakanya.

"I was riding my motorcycle when something flew on my forehead. A glass or sharp stainless, maybe. My friend just saw it when I get here." paliwanag naman nito.

Tumango ako, "Base na nakikita ko you have a laceration. It's quite pretty deep and it's too exposed so I need to stitch it. Should I proceed or you'll just go to the hospital?" muling tanong ko sakanya. Mahirap na baka kapag nasaktan siya ako pa sisihin niya. Labag na nga sa loob ko madadagdagan pa sama ng loob ko.

"Nah- it's okay. I'll trust you." narinig ko din yan eh.

Lumapit si Giselle para tulungan ako. "I will stop the bleeding for now then I'll proceed with stitching." I started using pressure and gauze to stop the bleeding, it didn't took that long kasi nagawa na din pala ni sir Páez kanina. After that, nilinis ko na ito saka kinuha ang needle driver-- tissue forceps in, thread in, and needle in. 

"Aw-" napa tigil ako sa pag tahi at tinignan siya.

"I'm sorry, bear with it for a while." mahinhin kong sambitla sakanya.

Teka.. bakit ganito boses ko? Serious nga e.

"Shai, I'll be gone for a while. May kukunin lang sa lib. Balikan kita rito." I glared at her.

For freaking sake Giselle hindi ko na nga magawa ng maayos tong trabaho ko, iiwan mo pa ko.

"Same thing, Hiro. May dinaan raw si dad sakin. Kunin ko lang sa guard house." pati ba naman kaibigan nito?

Pareho kaming walang nagawa, sabay na lumabas ang dalawa saka nag karon ng katahimikan sa paligid namin.

Mas tahimik pa kanina kahit di naman nag sasalita yung dalawa.

Buti nalang patapos na ko kaagad. Ayoko na dito feeling ko na susuffocate ako.

"Tagal kitang hinintay."

"May sinasabi ka?" hindi ko naintindihan ang sinasabi niya dahil sa pag ka focus ko sa ginagawa.

"Kamusta ka?" balik tanong niya. Dito na ba mag sisimula lahat?

Natatakot ako. Ganito din yung pakiramdam ko non, eh.

Hindi ako sumagot. Ni hindi rin ako tumitingin sakanya.

"You're still mad?" napa igting ang panga ko.

"I don't wanna talk about it." seryosong sagot ko sakanya.

Baka mabalik nanaman ako sa dati. Bago ko pa lang nakikilala at nahahanap ang sarili ko, ayokong bumalik nanaman sa dati ang lahat. 

Depression? Anxiety? Trauma? nadaan ko na yan, ayoko ng balikan pa. 

"Hanggang kelan mo 'ko iiwasan?" sunod niyang tanong na siyang ikinatigil ko. "Hanggang kelan mo hahayaang hindi tayo maging okay? Aya, please. Talk to me. I missed you, Alyha." kita ko ang pananabik sa mga mata nito.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First love Where stories live. Discover now