[SIMULA]

17 1 0
                                    

[SIMULA]

...

     “INGAT ka po ma!” sabi ko sa mama ko sabay halik sa pisnge nito. Ngumiti sya‘t tumango. Naghahanap ng trabaho ang mama ko since papasok na ako sa bagong university sa susunod na linggo kaya ayon babad sa araw ang mama ko kakahanap ng trabaho.

     At ako naman ay inihanda ang old laptop ko, three years ko na ‘tong ginagamit at hanggang ngayon okay na okay, buhay na buhay. Hindi katulad ng relasyon nyong nanlalamig at wala ng buhay jk!

     Naghahanap ako ng posibleng mapart time job ko kahit dalawang araw pa kami ni mama dito sa lugar na ito ay kanya-kanya na talaga kaming naghanap ngtrabaho. Pero ngayon, wala ng stock ang ref namin kaya maggrocery muna ako.

     Laking pasasalamat ko talaga dahil binigyan kami ng mapa para sa lugar na ito, kahit magulo ay naiintindihan ko pa rin naman ang anggulo at kung saan papatungo.

     Grabe ang laki ng market nila dito parang grandmall. Joke Grand Market kasi kaya ganon. Malaki at aircon wow! Ilan kaya bayad ng bills nito? Makiseryuso na nga, busy ako sa pagkukuha ng gulay  at karne, hindi ko na dinamihan baka uuwi akong maglalakad nito kaya dalawang supot lang ang bitbit ko ngayon papuntang cashier.

     “Thank you Miss... Balik po kayo!” masiglang sabi ng cashier tsaka inabot ang sukli ko. Sa isang libong pesos, singkwenta nalang ang natira!???

      Kahit nakakaiyak dahil ramdam na ramdam ko na talagang walang wala na ako ay ngumiti-ngiti pa rin ako patungong exit. Ingiti ko nalang kahit napakasakit na mawalan ng pera.

    Nang papalabas ako ay may nakita akong isang Ginang, medyo may edad na sya—sa tingin ko‘y 50s na ito, ubo sya ng ubo. Kaya pinuntahan ko‘t nais tulungan.

    Sinabihan ko syang tulungan ko pero panay ang pagtanggi nito. Isa nalang. Bumuntong hininga ako “Masamang tanggihan ang gaya ko po” nakangiti kong sabi.

     “Hindi ko naman po nanakawin iyan tsaka gusto ko lang po talaga tumulong, sabi nga kasi ng mama ko pagmay nakikita akong nahihirapan ay tulungan ko ng walang pag-alinlangan.” masigla kung sabi kaya ngumiti ang matanda.

     Tumango ito “Ang kulit mo! Namiss ko tuloy agad ang anak ko.” sabi nito kaya ngumiti nalang ako.

    Tuluyan ko ng tinulungan si Manang at panay kuwento nya sa alaga nya, hindi naman pala nya anak ‘yong namiss nya kundi alaga nya simula pa noon.

    “Naku! Hija kung sumama lang iyon sa‘kin seguro makikita ko talagang bagay na bagay kayo kaso wala e nabusy sa barkada. Pero alam mo ang bait bait ng batang iyon, malambing at iyakin yon kahit lalaki wala naman kasing diskriminasyon sa pag-iyak atsaka tao rin naman ang lalaki kaya normal lang sa kanila ang umiyak.” mahabang matamlay na pahayag ng matanda, tama. May karapatan silang umiyak kasi yao sila.

     “HAHAHA jusko po! Tama po kayo kaya wala silang karapatan na husgahan ang kalalakihan sa tuwing umiiyak ito sa harapan, tama po ba?” tumango itong nakangiting dumugtong sa salita ko.

     “Alam mo hija... kahit pala ngiti ang alaga ko may bigat syang dinadala iyong tipong kahit buo naman sila na pamilya pero tanging ako lang ang nagbibigay atensyon sa kanya. Abala kasi ang magulang nya sa trabaho kaya hindi na nila binigyan ng oras ang anak...” huminto ito saglit atsaka tumingala sa langit na napalunok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHE WAS MADE OF SUNLIGHT[university series #01]Where stories live. Discover now