CHAPTER 6

6 0 0
                                    

YURIELLE BAUTISTA


After the weekend, nagkaron rin naman ako ng maayos na tulog. Hindi naman panggulo ang kapatid kong si Leiru. Infact, siya pa yung nagpipilit sakin matulog.


Bago pumasok, naisipan kong suotin yung jacket na isinuot sakin ni Jeo nung umiiyak ako. Nasa akin pa pala to? Napansin kong ang ganda ng tela ng jacket, may brand din ito na nakalagay.



Tuluyan na akong umalis ng apartment para pumasok, nagjeep ulit ako. Habang nasa terminal ako, sa medyo gitna na ako umupo. Nakaka-trauma sa dulo.



May mga nagtitinginan sakin na mga lalaki sa harapan ko. Hindi ko sila pinapansin at baka assuming lang ako, tagal naman mapuno!




"Oh! Dalawa pa!"sigaw nung dispatcher. Habang nagaantay ng pasahero, kinuha ko sa backpack kong nakakandong sa hita ko yung snacks na binaon ko.


Actually yung snacks na to, galing to sa admirers ni Leiru, sinabi niya kasi na ayaw niya sa matamis pero ayaw niya rin naman masaktan yung nagbigay sakanya pag tinapon niya yon, kaya binigay nalang sakin. Helpful rin naman ang chocolate while nagrereview, gan'to nga ginagawa ko nung high school eh.


"Oh pogi! Sakay na!" Sabi nung dispatcher, naramdaman kong may tumabi sakin at di ko napansing si Jeo pala yon. Naneto, rich kid tapos nagjejeep?


"Yo lablab" bati niya sakin, tumingin siya saglit sa kinakain kong chocolate at nanghingi. "lablab, pahingi!" Mahina nitong sabi, para di maabala yung mga katabi naming nasusuffocate na.


Umandar na yung jeep sa wakas, pinakagat ko ng kaonti si Jeo sa chocolate.  "Naks, binili mo? Mamahalin to eh." Tanong niya sakin, I tilted my head and replied.


"Uh hindi, binigay to ni Leiru. Kapatid kong erpats ng tolongest mo." I looked at him, ang gwapo talaga ni Jeo, may pagka gentleman rin. Prangka nga lang.


"Ah, onga pala...hinatid ka ba ng safe ni-" naputol siya nang magring ang phone niya. shala lodz naka iphone 11 promax, latest phone pa naman yan ngayong 2021.


Nakita kong si Joshua 'yong tumawag sakanya, sinagot niya naman yon. "Oh?" Tanong niya. Lumapit ako nang kaonti kay Jeo para marinig yung conversation nila.


"papunta na, kulit neto kakalabas ko lang ng hospital tapos ganyan ibubungad mo sakin." Mahinang singhal nito sa kapatid, narinig ko naman ang response ni Joshua. "Stop being maarte, you're okay now."


Binaba ni Jeo ang tawag. Tinanong ko siya kung bakit at anong gagawin nila ni Joshua? "ba't? Saan kayo pupunta ni Joshua?" Mahinhin kong tanong, he averted his gaze to me. "Sabi kasi ni Dad, kailangan ko ipakita worth ko para ma-mana yung company niya so gagawin niya muna raw akong intern." I nodded, well tama naman, hindi naman dapat ganon kabilis ibibigay yung mana eh.

Unravel (Sta. Rosa Girls #2) Where stories live. Discover now