-17-

707 22 0
                                    

..

Daniel

"Ohh nandito na agad kayo——napaano ka, Daniel?" Kaagad na lumapit si mang Karo sa amin pagkarating namin sa Chick-Chicken.

Maraming tao rito at busy talaga sila pero sa nakikita ko ay nakakayanan naman nila ang gawain since yung delivery rider ay tumutulong sa kanila ngayon.

Inalalayan ako ni mang Karo papasok ng bahay nila kahit hindi naman na kailangan pero mapilit siya dahil sa nakita niyang benda sa kamay ko.

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni mang Karo kay Zayche.

"Tanungin mo na lang yan, Pa, at may kailangan pa akong asikasuhin sa office. H'wag niyo hayaang maggagawa yan at baka masaktan na naman." Paalala pa ni Zayche kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ginawa mo naman akong bata." Ngiwi kong sambit na ikina-ismid niya.

"Tss. Pa, bantayan niyo na lang siya, mauuna na ako." Baling niya kay mang Karo na nakatingin lang sa amin.

"Oo, sige. Humayo ka na at baka mapagalitan ka pa." Pagtataboy ni mang Karo kay Zayche na nagpaalam muna sa amin bago umalis.

Pagkaalis ni Zayche ay kinausap pa ako ni mang Karo, kinakausap niya ako tungkol dito at syempre nag-sinungaling ako para hindi na masyado lumaki ang gulo diba.

Pinaalalahanan ako ni mang Karo na wag na muna kumilos at kaya naman na raw nila yung gawain doon kaya pumayag na lang ako since ang sakit din nung dibdib ko.




"Masakit pa ba?" Tanong ni Kyleen sa akin habang nakain kami, wala na masyadong tao sa Chick-Chicken dahil tapos na yung peak hour.

Tumango ako, "Hindi nga ako makakilos ng ayos, nababanat yung balat." Sagot ko sa kaniya.

"Tara mamaya sa clinic nung kaibigan ko, I mean sa clinic ng family nila, magaganda gamot nila don." Pag aaya sa akin ni Kyleen.

"Nako, wala akong pera eh." Saad ko kaya napangiti naman siya.

"Ano ka ba, libre na yun kaibigan ko naman." Hagikhik ni Kyleen kaya napailing na lang ako sa kaniya.



Pagkatapos namin kumain ay kaagad nga naman niya akong sinamahan sa clinic nung family nung kaibigan niya raw. Pagkarating namin ay para siyang health center, oo.

Ang ganda pa nang pagkakagawa at mahahalata mong mayaman ang may ari talaga nito eh.

"Bess! Kumusta? May kasama pala akong kaibigan, favor sana na makahingi ng gamot? Natapunan kasi siya ng mainit na kape." Pagbungad agad ni Kyleen pagpasok sa clinic.

Nakangiti akong tumingin sa lalaking nasa may table, nakatingin na ito kay Kyleen at nakangiti. Mukhang may isinusulat pa nga ito.

"I'm okay, how 'bout you?" Tugon nung lalaking naka lab gown at nagtanggal ng salamin niya sa mata, "Kailangan ko muna tingnan yung paso bago ko bigyan ng tamang gamot at ointment." Dugtong nito sa pakiusap ni Kyleen.

"Ay okay rin naman ako at busy busy muna sa negosyo ni papa." Nakangiting sagot ni Kyleen.

"Nabalitaan ko ngang successful yung negosyo ni tito, daan ako roon pag nagkaroon ako ng libreng oras." Sambit nung lalaki at itinuro ang bangko sa harapan ng lamesa niya, "Have a sit."

"Ahh oo nga pala, Dan, siya si Isaac and Isaac, siya si Daniel—Dan for short." Pakilala ni Kyleen sa amin at nag-abot naman ng kamay yung Isaac kaya kaagad akong nag-abot ng kamay din.

"Nice to meet you." Saad ni Isaac pero napangiwi ako dahil ang naiabot ko palang kamay ay yung may sugat, "Eto ba yung napaso?" Tanong ni Isaac nang makita niya reaction ko.

Umiling agad ako, "Hindi, nabubog kasi yan, etong dibdib ko yung napaso." Sagot ko at napataas ang kilay niya.

"Hmm I see. I'll check your wounds too, nalapatan ba ng first aid itong sugat mo?" Tanong niya at tumango naman agad ako, "Hmm okay, check ko na lang ulit and then i'll give you some medication." Saad niya kaya napatango naman ako.

Umalis yung Isaac at nagpunta sa isang room para kumuha yata ng gamit niya, kung titingnan siya ay mas bata pa siya sa akin or nililinlang niya lang ako sa mukha niya? Pero kaibigan siya ni Kyleen kaya sigurado akong mas bata siya sa akin.

"Doctor na ba siya? Ang bata niya." Tanong ko kay Kyleen na natawa naman sa akin.

"Hindi, he's a medical student. Magulang niya ang Doctor at kaya siya nandito para may experience na siya, may gabay naman siya ng parents niya sa ganito kaya pwede siya mag-reseta or magbigay ng gamot." Mahabang sagot ni Kyleen kaya napatango ako.

Nakaka-mangha naman yung katulad niya. College lang siya pero ang professional na nang dating niya at sa nakikita ko magiging magaling siyang doctor sa hinaharap.

Lumabas ng room si Isaac at may hawak na itong mga gamit, naka surgical gloves na nga rin siya eh, grabe rin yung puti niya at ang linis linis niya tingnan.

Sanaol.

"Grabe ka naman makatingin sa akin." May mahinang pagtawa na saad ni Isaac kaya napaiwas ako nang tingin.

"Pasensya na..." Hinging tawad ko at naiiling naman siyang kumuha ng bakanteng upuan at umupo sa harapan ko saka kinuha ang kamay kong may benda.

"It's okay, hindi naman nakakailang yung tingin mo." Saad niya habang inaalis ang benda, "Curious ka diba? Magtanong ka lang." Saad niya kaya nabigla ako nang bahagya.

"Ilang taon ka na?" Tanong ko agad kaya napatingin siya sa akin.

"I'm 22 years old, and if you're curious about my year level, I'm already a 4th year college." Sagot niya kaya namangha ako kasi malapit na siya grumaduate.

"Ang galing naman, malapit ka na grumaduate." Hilaw ang ngiti kong sambit pero namamangha talaga ako sa kaniya.

Nangiti siya habang sinusuri yung sugat sa kamay ko, "Hindi pa ako tapos mag-aral kasi may residency pa ako sa hospital, I still need at least 4 years of residency to become licensed Doctor." Sagot niya at kumuha siya nung betadine yata yun.

"Ay ganon? Ang tagal pala mag-aral niyan." Sagot ko kaya napatingin siya sa akin.

"Hindi ka ba nag aaral?" Tanong niya, "Ilang taon ka na ba?"

Natigilan ako sa tanong niya at hindi ko alam ang isasagot ko. Medyo may bigat kasi sa dibdib ko kaya napatingin ako kay Kyleen na ngumiti sa akin at nagbigay ng sign na siya na sasagot.

"Need na niya kasi mag-work kaya di na siya nakapag college." Sagot ni Kyleen kaya napasulyap siya kay Kyleen bago sa akin.

"Ohh financial problem?" Tanong ni Isaac na tinanguan ko naman."

"Doon nga pala sa pangalawang tanong mo 24 years old na ako." Saad ko at gulat naman siyang napatingin sa akin bago kay Kyleen na natatawa.

"Totoo? Akala ko mas bata ka pa sakin." Ngiwing saad ni Isaac na ikinatawa ko naman.

"Baby face lang ito naman." Saad ko at pinalo ko pa siya nang mahina pero napa-igik ako sa sakit ng tumama yung sugat ko sa hawak niyang parang gunting, naka ipit dun yung bulak kasi.

Natawa si Isaac, "Stay still, let me finish with your wounds and burnt and we'll talk about some stuff." Saad niya kaya napatango na lang ako sa kaniya, nakakahiya pagiging oa ko.


______<17>______

The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon